I want you to be my last

6.2K 147 10
                                    

ARA'S POV

Lumipas ang limang buwan na okay naman lahat sakanila ni Nick minsan nagkakatampuhan sila dahil sa mapang asar niyang boyfriend pero hindi uuwi ang kasintahan ng hindi sila nagbabati

He loves surprising her,madalas ang akala niyang simpleng date lang o dinner ay nagiging memorable sakanya dahil sa mga munting sorpresa ng binata

Minsan siyang kinaladkad ni Nick breakfast daw pero sumakay sila sa private helicopter nila Nick at pumunta sa isang island na ayun kay Nick ay pag aari ng pamilya nila, they stayed there the whole day

Isa sa pinapapasalamat niya ay di siya pinilit ni Nick kunin ang pinakaiingatan niya bilang babae, hindi sa di niya mahal si Nick,sa katunayan nga sobra niyang mahal ang binata minsan gustong gusto na niyang isuko ito pero naalala niya palagi ang sinabi ng Lola niya noon na hangga't kayang pigilan wag muna kung pupwedeng pagkatapos na ng kasal gawin,dun lang gawin dahil sabi ng Lola niya iba daw ang pakiramdam pag nagawa niya yun

Alam niyang masydo nang makaluma ang salitang yun pero sinunod naman niya,and besides its her choice also to follow what her grandma told her, natatakot din kasi siya pag naisip niyang baka mabuntis siya at iwan ng makakabuntis sakanya,ayaw niyang lumaki ang magiging anak niya ng walang kikilalaning ama

Titig na titig siya sa binata habang nagdadrive ito,masaya siya tuwing nasisilayan niya ang mukha ng nobyo

"Kaya ka patay na patay saakin eh"ani Nick nang makita siyang nakatitig dito

Kinurot niya ang labi ni Nick saka ito inirapan

"Why don't you just give me a kiss grumpy"ani Nick na tumatawa

"Hmp!bakit di mo na lang kasi ako pakasalan para di lang puro kiss"aniya saka siya umayos ng upo

Nagulat siya ng biglang nagpreno si Nick muntik na siyang mauntog mabuti na lang at mabilis ang kamay ni Nick sa paghawak sa kanya

"Ano ba?!"angil niya dito

"What did you just say?"tanong ni Nick nanagpipigil ng ngiti

Tinignan niya lang ito ng masama

"Ewan ko sayo!wala kalimutan mo na lang baka pag sinabi ko ulit mabangga na tayo"sagot niya

Tumawa lang ang binata sa tinuran niya saka siya mabilis na niyakap at hinagkan,

It was just a quick kiss but deep

"Papakasalan kita Arabella Fuentabella,hintayin mo lang ako may mga aayusin lang ako"ani Nick saka siya hinagkan sa noo

"Okay, magtiyaga ka sa kiss lang"aniya

"Tss!sakin okay lang may ibang paraan diyan"ani Nick at kumindat sakanya

"Haizt!. . . . . Subukan mong mambabae puputulan kita"aniyang tinaliman ito ng tingin

"Tsk!eh di hindi mo na matitikman pag pinutol mo"tumatawang wika ng binata

"Atleast quits tayo"sagot din niya

Nasanay na siyang makipag usap ng ganon sa kasintahan,nung una namumula pa siya pero nung nasanay siya minsan parang feeling niya mas bastos pa bunganga niya sa lalaki

"Don't worry grumps, I can do it with my bare hands"ani Nick saka tumawa ng malakas

"Ang bastos mo talaga!"aniya di na siya nagulat ng halikan siya ulit ng binata dahil tuwing nagmumura o nagsasalita siya ng masama ay hinahalikan siya nito

"You started it"ani Nick pagkatapos siya nitong halikan

"Tara na nga!"yaya niya sa binata at di napigilan ang pag ngiti, oo nga naman siya pala ang nagstart ng topic na yun

Beautiful but Heartless (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon