couple ring

6.6K 149 7
                                    

ARA'S POV

Parang feeling niya ang tagal niyang hinintay na matapos ang two weeks para umuwi na at makita na niya si Nick,kaya nang matapos ang two weeks ay sumaya siya dahil alam niyang darating na ang kasintahan niya,pero nadismaya siya nang tawagan siya ni Nick at sabihing maeextend ng one week pa bago siya makakauwi dahil may inutos din ang Papa nila Nick,

Laglag ang balikat niyang umuwi pagkatapos niyang makipag usap kay Nick,pagdating niya sa bahay nila ay di na siya lumabas ng kwarto niya,sinubukan siyang katukin ng kapatid niya pero nagpanggap siyang pagod at inaantok na kaya wala siyang ganang kumain,mabuti na lang at naintindihan naman ng kapatid at di na ito nagtanong

Ilang araw ang di niya namalayang lumipas,araw araw naman siyang tinatawagan ng binata at araw araw din siyang palaging napipikon dito,

Pag gising niya ng umagang yun ay agad niyang dinampot ang phone niya nakita niya ang text ng nobyo niya

From Nick

"Goodmorning Grumpy, I'm sorry, I won't be able to call you today, iloveyou Grumps always"

Nadismaya siya sa nabasa niya,walang ganang binalik niya sa side table ang phone saka niya inihanda ang isusuot niya papunta sa office niya





Pinagod niya ang sarili niya maghapon sa office niya para di niya masyadong maramdaman ang pagkamis niya kay Nick,and as usual pagkatapos sa trabaho niya ay uwi nanaman siya sa bahay,

Nang maipark na niya ang kotse niya ay agad niyang kinuha ang bag niya,pero di pa siya nakakapasok sa loob nang may biglang yumakap sa likod niya, at kahit di niya ito lingunin alam niya kung sino ito dahil langhap na langhap niya ang pabango ng binata

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya at halos naririnig niya ang kabog nito,di na niya namalayan na nabitawan na niya ang bag niya,masaya siya masayang masaya siya,

"I missed you grumps, so much"bulong nito sa tenga niya naramdaman niya ang labi nito sa pisngi niya,

Umikot siya paharap sa binata saka siya kusang yumakap dito ng mahigpit, namis niya ang dibdib ng binata kaya sinubsob niya ang mukha niya dito,she loves doing it

"Is that your way of saying you miss me too?"tumatawang tanong ng binata while hugging her

"gago!"aniyang sinamaan ng tingin ang kasintahan pero mabilis nitong hinawakan ang muka niya

Matiim siyang tinitigan ng binata,titig na parang tinitignan kung may nabago ba sa mukha niya and when his eyes went to her lips he immidiately kiss her,she closed her eyes and put her arms around his neck,she missed him and his kisses so much, mainit din niyang sinalubong at ginantihan ang bawat halik ng binata,naramdaman niya pa ang pagngiti ng binata at pag uga ng balikat nito ng hindi nag hihiwalay ang labi nila,hinila naman niya ang ilang hibla ng buhok ng binata at naramdaman niya ang paghigpit ng yakap nito sakanya, they kissed each other like they've never kiss before,nang maghiwalay ang labi nila ay siniksik niya ang mukha niya sa kilikili ni Nick naramdaman niya naman ang pag halik nito sa ulo niya

Niyaya niya sa loob ang binata,sandali syang nagpaalam dito para magbihis lang ng damit niya

Pagbaba niya ay nakita niyang nakasandal si Nick sa upuan at nakapikit,malaya niyang natitigan ang mukha ng nobyo at halatang pagod na pagod ito,di niya napigilang dampian ito ng halik sa labi

"Anong oras ka dumating?"tanong niya dito

"Ngayon lang"tipid na sagot nito

"Sabi mo kanina di ka makakatawag bakit saan ka pumunta?"tanong niya ulit

Beautiful but Heartless (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon