boyfriend daw

7.8K 166 4
                                    


ARA'S POV

Paglabas nila ay nakahawak pa rin siya sa braso ng kapatid

"Kain muna tayo,nagutom ako"ani Niro

"Tara, maaga pa naman eh"sang ayon ni Aaron

"Teka nga,wala ba kayong sariling lakad yung date niyo ganon,babae niyo or what so ever"

"Tsk!tara na nga dami mo pang salita" ani Aaron

"Ikaw?wala ka din bang date?"baling niya kay Nick

"Mamayang gabi pa nine, eh maaga pa naman"prangkang sagot ni Nick

Magsasalita pa sana siya nang biglang may mga babaeng lumapit

"Hi Niro/ Hello Aaron" sabay na wika ng dalawang babae

Tumango naman ang dalawa ng sabay

"Saan punta niyo?may mga kasama ba kayong iba?"tanong ng dalawa

"Oo eh, eto nga paalis na kami hinihintay kami ng magulang namin sige,"wika ng kapatid niya at halos itulak siya ng kapatid makalayo lang sa lugar na yun

Habang naglalakad sila ay may mga babae pa ring napapatingin sakanila, kasama niya kasi ang tatlong gwapo at makisig,

Si Niro at Aaron kasi ay minsang pumirma ng two years contract para maging model ng sikat na brand ng damit pero pagkatapos nun ay di na sila nagrenew dahil busy na sila sa negosyo

Habang naglalakad sila ay may tumawag sakanya

"A------Arabella? Ikaw na ba yan?tanong ng lalaki kaya sabay sabay silang napalingon dito

"B---Brandon?"mahinang wika niya kunot noo agad namang napalingon sakanya si Aaron alam kasi nito ang tungkol sa lalaki,

Siya naman ay parang nanlamig sa kinatatayuan niya, wala sa sariling napakapit siya sa braso ni Nick na mas malapit sakanya

"Ara, ikaw nga" aniya ulit at humakbang palapit sakanya mas lalo namang humigpit ang kapit niya sa braso ng katabi,

Gwapo pa rin naman ito katulad ng dati pero kung ikukumpara sa mga nanliligaw niya ay lamang pa rin ang mga manliligaw niya, di naman sa di pa siya nakamove on sa naranasan niya kundi natatakot na siyang mangyari ulit sakanya ang nangyari noon,di niya kasi makalimutan ang pagmamakaawa niya noon balikan lang siya ni Brandon pero sadyang ayaw na ni Brandon,

Pero ngayon, bakit andito ito ngayon? Pilit niyang pinapakiramdaman ang sarili kung may pagmamahal pa rin siya sa lalaki pero parang wala naman,

"Babe, sino siya?"tanong ng babaeng kasama nito

"Ah school mate ko B----Babe"sagot nito

"Ara, tagal na panahon na ah,kamusta na?laki ng pinagbago mo na"wika ni Brandon sakanya na tinignan siya mula ulo hanggang paa

"People change Brandon"aniya at ngumiti dito pero mas confident ang dating niya

"Bru, Kuya tara na" yaya ni Aaron na sinadya niyang pagsalubungin ang kilay

Nakita niyang tinignan ni Brandon si Nick at ang kamay niyang nakakapit dito tatanggalin niya sana ang kamay niya pero nagulat siya nanghawakan ito ni Nick

"Sige, may pupuntahan pa kami eh"aniya

Tumalikod sila at di na hinintay ang sagot ni Brandon,

Pumasok sila sa isang restaurant at hinayaan niyang si Aaron ang umorder ng pagkain niya

"Bru, yun na ba yung Brandon? Ngayon ko lang nalaman wala ka palang taste" wika ng kapatid at sinabayan ng tawa

"Gago ka! Bata pa lang ako nun syempre unang nanligaw atsaka siya ang pinakgwapo sa school namin noon!"sagot niya sa kapatid

Beautiful but Heartless (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon