three days is over

6.8K 168 3
                                    

ARA'S POV

"Ara, manginginain ka na lang ba diyang hanggang matapos tong gabing to?"tanong ng pakialamera niyang kaibigan

"Bakit nanaman ba?anong problema mo at pinapakialaman mo nanaman ang pagkain ko?" tanong niya sa kaibigan

"Wala, haizt! Kelan ka ulit uwi dito?"ani Lily

"Di ko alam"kibit balikat niyang wika

Sa totoo lang malaki ang naitulong ng pag uwi niyang y0n, hindi dahil sa nag enjoy siya sa reunion nila kundi finally nagawa niyang harapin ng maayos ang mga taong nanakit sakanya noon,di niya man napatawad pa dahil di siya Diyos para makapagpatawad ng ganon kabilis pero kahit papano ay gumaan ang pakiramdam niya

"Ara sana next reunion punta kayo ulit ha, salamat nga pala at pinaunlakan niyo kami"wika ng isa nilang kaklase

"Kami ang dapat na magpasalamat sainyo, biruin niyo pinaranas niyo sa tatlong bulog na to ang maging bata ulit"aniya at tumawa na sinabayan naman ng lahat

"Grabe ka Bru, pero salamat sainyo We really enjoyed playing with you guys,and of course special thanks to my ugly sister here at pumayag na makasama kami"wika ng kapatid niya na umakbay pa sakanya

"Tsk!kambal tayo remember?"aniya kaya lalong lumakas ang tawa ng lahat

"Oo nga!salamat sainyo masaya maging bata ulit"ani Niro

"Sus kelan ba kayo tumanda?"singit niya uli

"Salamat sa inyo,three days is n0t really enough but We really enj0yed staying here"wika naman ni Nick

"Cheers!"sigaw ni Brandon nagulat pa siya nang iabot sakanya ni Nick ang hawak nitong bote ng beer na may kalahating laman na lang






Mag aalaun na nang magpaalam sila, nagdahilan silang maaga pa silang aalis bukas,

Halos kalahating oras na siyang pabiling biling sa higaan pero di siya makatulog,kaya nang magsawa siya ay tumayo siya at lumabas ng kwarto nakita niyang nakatulog na yung mga kasama niya kaya dahan dahan siyang lumabas, tinungo niya ang upuan na nakatali sa malaking pun0 mahaba ito pang tatluhan ang cute lang kasi para ka na din nagduduyan

Sinandal niya ang likod niya at pinikit niya ang mata ramdam niya ang lamig ng simoy ng hangin na dumadampi sa mukha niya

"Can't sleep?"wika ni Nick saka umupo ito sa tabi niya

"Yeah,"sagot niya

"Himala yata,mulanang dumating tayo dito madali ka lang naman nakakatulog,"ani Nick

Totoo naman kasi, sleeping was never her pr0blem tawag nga sakanya ng Papa niya MASA "MASAndal tulog" hobby niya ang pag tulog basta di siya busy

"Ikaw?bakit di ka pa natutulog?"tanong niya

"I was sleeping when I felt someone sneaking out,sinundan ko baka kasi makipagtanan eh"ani Nick at tumawa

"Ewan ko sayo kanino ako makikipagtanan?sa sy0koy?"aniya at umirap

"Pero Ara are you sure ayaw mo na talagang pagbigyan si Brandon?"tanong ni Nick

"Oo nga! Tapos na yun,saka I don't wanna be with someone I don't really love"sagot niya

"Ah, so does that mean you're ready to be in a relationship?"tanong ulit ni Nick

"Depende"sagot niya

"Depende?panong depende?"kunot noo na tanong ng kausap

"Depende sa tao,kapag mahal ako at mahal ko,someone who is willing to accept my moodswings,someone who can endure the pain pag binubugbog ko"aniya at ngumiti

"Punching bag hanap mo di tao!"wika ng binata at tumawa kaya natawa din siya

"But seriously Ara-------"

"Seriously talaga?Nick ikaw ba yan?sa bungnga mo talaga galing ang word na seriously?"putol niya sa sasabihin nito kaya napailing na lang ang binata

"Ara, makinig ka nga may tanong ako,"ani Nick

"What?"tanong niya

"Are you willing to be with someone who can promise to love you more than what yo can imagine?" tanong nito na nakatitig sa mata niya

"No,"diretsang sagot niya napakunot noo naman ang kausap niya

"Why?"takang tanong ni Nick

"Simply because I don't believe in promises, promises are made to be broken remember? Atsaka I don't seek for someone's extravagant love baka kasi tumanda akong dalaga pag hinanap o hihintayin kong dumating yun, a simple someone who can just love me in his own way, yung someone who's willing to fix the problem instead of throwing it, "wika niya

"I like that, pwede pala talaga ako para sayo"ani Nick para tuloy lumakas yung kabog ng dibdib niya

"Ewan ko sayo!"aniya

"Kunyari ka pa kinilig ka naman, usog ka nga dun"ani Nick at tinulak siya sa pinakadulo ng upuan saka ito humiga at ginawang unan ang lap niya

"Ang bigat ng ulo mo,"aniya pero ang totoo di niya talaga maintindihan ang nararamdaman niya

"Ulo lang nagrereklamo ka na,ako nga nung binuhat kita di ako nagreklamo, tapikin mo na lang yung balikat ko para makatulog ako"utos sakanya ni Nick

"Hoy Nick kung gusto mo matulog bumalik ka dun sa higaan mo,"aniya at hinampas ito sa balikat pero di kumilos ang binata niyakap pa nito ang bewang niya kaya para siyang naninigas ngayon

"Don't move,just let me sleep here kahit ten minutes lang,mamimis mo ako pag balik natin sa manila"ani Nick

"Mamimis, ang kapal ha! Lakas ng self confidence mo,"sagot niya

"O sige, mamimis kita kaya wag ka na magreklamo diyan,ayaw mo yun may guwapong nakayakap sayo ngayon"ani Nick

"Nick seryoso ka?matutulog ka talaga?iwan na lang kita dito"aniya

"Haizt!dito ka lang bantayan mo ako baka itangay ako ng sirena, sayang wala nang magmamahal sayo"wika ni Nick at mas siniksik ang mukha nito sa tiyan niya

"Maraming nagmamahal sakin"aniya

"Shut up!no one can love you  like I do,"anito at kinurot ang bewang niya kaya napaigtad siya di dahil sa masakit yung kurit kundi dahil malakas ang kiliti niya sa bewang

"Tsk Nick!"saway niya dito

"Tap me at my shoulder so I can sleep"bulong nito huminga na lang siya ng malalim saka sinunod ito

"Goodnight grumpy"wika pa nito

"Goodmorning demanding"sagot niya pero di na nagsalita ang binata, ilang saglit lang ay nakatulog na nga ito

Napaisip tuloy siya ano nga kaya ang feeling kung boyfriend niya si Nick,paano nga kaya magmahal ang isang katulad ni Nick, napangiti na lang siya sa mga tanong sa isip niya

Nagkaroon siya ng pagkakataon na titigan ang mukha ng binata,mabuti na lang at maliwanag sa parteng inupuan niya kaya nakikita niya ang mukha ng binata

Gwapo naman talaga ito kahit gulo gulo na ang buhok nito ang tamang tangos lang na ilong at ang labi nitong parang ang sarap halikan,bitin kasi yung kiss nito sakanya,

Inaantok na din siya pero ayaw niyang gisingin ang binata kaya sinandal niya ang ulo niya sa upuan,hanggang sa di niya namalayan ay nakatulog na din siya

AARON'S POV

Nagising siya dahil umihi siya hihiga na siya ulit nang mapansin niyang bukas ang kwarto ng kapatid,sumilip siya pero walang tao nang tignan niya ang higaan ni Nick ay wala din tao kaya lumabas siya,

Gusto niyang gisingin ang kapatid pero nagbago ang isip niya bumalik siya sa kwarto nila at kumuha ng unan at kumot, nilagyan niya ng unan ang kapatid niya at inayos ana ulo nito para di mangawit ang leeg saka nilagyan niya ang dalawa ng kumot bago siya bumalik sa kwarto nila ay kinuhanan niya ng picture ang dalawa at nakangiting bumalik sa kwarto nila

Masaya siya para sa kapatid niya



Beautiful but Heartless (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon