first day of reunion

7K 161 4
                                    

ARA'S POV

Pagdating nila ay dumiretso na sila sa room nila para itong buong bahay pero walang kusina puro bed lang at yung master's bedroom lang ang may sariling pintuan at banyo sa labas ng master's bedroom ay may apat na bed at maliit na sala at banyo din may terrace din na maluwang at may bed sa gilid sa kabila ay may round table na pwedeng pag inuman o kainan kitang kita sa taas ang view ng dagat simple lang ang resort na pinagcheck inan nila maliit at liblib lang kasi ang baryo nila sa parteng La Union kaya walang bonggang resort at sa baryo nila ang tinutuluyan na nila ngayon ang pinakamahal na resort

"Bru, halika na,di ka pa ba tapos?kanina pa tawag ng tawag yung ex mo"wika ng kapatid niya sa labas ng kwaro niya siya kasi ang umukopa sa master's bedroom yung tatlong lalaki kasama ang driver nila ay sa labas na

"Tapos na, wait lang "aniya at sinipat ulit ang sarili sa harap ng salamin saka lumabas

Hinanap niya ang tatlo at nakita niya ang tatlong nakatayo s terrace na nakaharap sa dagat,kung kanina mga nakashort lang sila ngayon nakapantalon na sila si Niro nakafitted black jeans at red tshirt na semi fit din saka na vans shoes na black si Aaron naman medyo bitin na pantalon na nakatupi sa dulo at polo shirt na blue at naka vans shoes din si Nick naman ay nakasemi fit jeans na gray naka stripes na pullover at vans shoes din

"Nag usap usap ba kayo sa sapatos na suot niyo?"tanong niya sa tatlo na sabay sabay ding napalingon sakanya

"Gwapo nga kasi kami"sagot naman ng kapatid

"Hmp!tara na"yaya niya

"Okay, Si Brandon nasa labas na daw hinihintay tayo"ani Niro

"Manong, magpahinga po muna kayo pag nagutom kayo kumain lang po kayo sa baba kami na po ang bahala"wika niya

"Sige po Ma'am, mag ingat po kayo"sagot nito

Pagbaba nila ay agad na nakita nilang nakaupo sa waiting area si Brandon,nang makita sila ay ngumiti na agad ito

Paglabas nila ay pinagbuksan siya agad ni Brandon sa front seat

"Ara dito ka na, diyan na lang kayo Pare sa backseat"ani Brandon hihindi pa sana siya pero inalalayan siya sa siko ng lalaki,

"Saan tayo pupunta?"tanong niya nang mapansing di naman papunta sa school nila ang dinadaanan nila

"Sa bahay dun kasi naglunch ang lahat ng kaklase natin na umattend, andun nga silang lahat kanina ka pa hinihintay sayang di kayo nakaattend ng parada kanina"litanya ni Brandon

"Ah,andun ba si Lily?"tanong niya si Lily lang naman ang gusto niyang makita kasi siya lang ang bestfriend niya dito wala nang iba

"Oo, kanina pa, kasama niya kanina yung anak niya pero iniuwi din dahil papatulugin pa daw"sagot nito

"May anak na siya?gulat na tanong niya

"Oo dalawa na nga eh parehas na babae four years old yung panganay yung isa three"tumatawang sagot nito

"Talaga?"nakangiting wika niya

"Kaya Bru, pakasal na din kayo ni kuya para magkapamangkin na din ako"ani Aaron,lihim siyang napangiti alam niya ang ibig sabihin ng kapatid gusto nitong ipamukha kay Brandon na wag na siya magpacute sakanya, ngumiti siyang lumingon sa kapatid

"Hayaan mo pag balik natin sa manila magpopropose ako kay Nick"aniya at kumindat pa sa kapatid

"Di ka rin pala nagbabago Ara"ani Brandon na ngumiti ng makahulugan napakunot noo naman siya

"Bakit Pare?"tanong ni Niro

"Naalala ko lang noon,nung high school kami naghiwalay kami and Ara be-------"

"I begged you to be mine again but you refused, actually I never regret doing that,atleast sinubukan kong ipaglaban pero paulit ulit mo akong hinindian di ba?bata pa ako noon,atsaka ikaw pa lang kasi ang pinakagwapong nakilala ko noon, iba na ngayon"aniya at pinilit niyang ngumiti sinadya niyang sakanya manggaling ang salitang yun para hindi masyadong nakakahiya sa part niya

"Talaga Te may tumanggi sayo?tsk! Pero mabuti na rin yun kasi di ka mapupunta kay kuya kung nagkataon, eh di wala sanang nambubugbog sakanya"ani Niro at tumawa sinabayan naman siya ni Aaron

"Talaga?nanakit ka na ngayon?"di makapaniwalang tanong ni Brandon

"Mahal ko eh, "tipid pero makahulugan niyang wika

Pagdating nila sa bahay nila Brandon ay pinabitbit niya yung bag niya kay Aaron,nang ihinto ni Brandon ang sasakyan ay mabilis na bumaba si Nick at ito ang nagbukas ng pintuan para sakanya

Pagbaba niya ay hinawakan siya agad sa kamay ng binata nagulat pa siya dahil ramdam niya ang init ng palad ng lalaki at parang may kung anong boltaheng gumapang sa katawan niya lalo na nang hagkan siya nito sa noo

"Pasok na tayo nasa likod sila"ani Brandon mas lumaki ang bahay nila Brandon ngayon kumpara noon at mas gumanda dahil sa pinaayos nila yung garden nila, pagdating nila sa likod ay may maliit na swimming pool at sa tabi nito ay may kubo na medyo malaki naroon ang iba nilang kaklase kumakain habang ang iba naman ay nagsuswimming yung iba ay nasa mahabang lamesa sa kabilang side ng pool at nag iinuman

Nagsigawan na ang mga ibang naroon nang mapansin sila,

"Dun tayo kumain muna kayo"ani Brandon kaya dumiretso sila sa kubo umupo para kumain

Habang naglalakad sila lahat ng mga mata ay nasa kanila yung ibang babae ay nakatingin sa kasamang lalaki

"Ara, makaapal ka metten nag guguwapo met agita kakadwam!"sigaw ng isang babae sa pool

("Ara nakakainggit ka naman ang guguwapo ng kasama mo!")

Ngumiti lang siya dito kashg di naman niya maalala ang pangalan nito

"Ano daw teh?"ani Niro na nakakunot noo

"Hahaha secret"aniya

"Isupay ah!Ara pabulod man ta kadwam!"wika pa ng isa

("Kaya nga!Ara ipahiram mo naman yang kasama mo!)

Namis niyang magsalita ng ilocano

"Mangan kami pay!"sagot niya at tumawa

("Kain muna kami!)

"Bru, you still know how to speak ilocano?"gulat na tanong ni Aaron

"Duh!lumaki ako dito how will I forget the language I first learned to speak!"aniya

"Kain na muna tayo"ani Niro at umupo na ito sumunod naman si Aaron sa kaibigan, siya naman ay umupo sa katapat ng dalawa tumabi naman sakanya si Nick

Agad siyang sumandok ng pakbet marunong siyang magluto ng pakbet pero di kasing sarap ng kinakain niya ngayon

"Sarap!"aniya habang ang lalaki ng subo niya sa ulam na pakbet

"Patikim nga niyan"ani Nick at nagulat pa siya nang kumuha ito sa plato niya

"Masarap nga, akin na lang to"ani Nick at kinuha ang kinakain niya saka binigay ni Nick yung plato niya sakanya

Wala siyang nagawa kundi kunin ang pinggan ng lalaki at dito kumain






Beautiful but Heartless (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon