grumpy girlfriend

6.5K 162 2
                                    

NICKS POV

Laglag ang balikat niyang tumalikod,paalis na sana siya nang tumunog ang phone niya

"May ipaparinig ako sayo"wika ng kausap

Pagkatapos niyang makipag usap ay mabilis ang hakbang niyang bumalik sa pwesto nila

ARA'S POV

Pagbalik niya sa pwesto nila ay kinantiyawan siya ng mga dating kaklase nalamaman kasi niyang nanalo na sila ng isang game at ang nagpanalo daw ay si Nick ito daw ang naging representative nila sa larong chess, di niya alam kung kakabahan ba siya o matutuwa,

"Asan si Nick?"tanong niya sa dalawa

"Excited sa kiss?"balik tanong naman ng kapatid kaya mabilis niyang nabatukan ito

"Ihi lang daw,excited din kasi sa kiss kaya ayun naihi"tumatawang sagot din ni Niro kaya nakatikim din ito ng batok

Magsasalita pa sana siya pero naagaw ang atensyon niya ng paparating na si Lily kasama ang dalawang anak nito at asawa niya, lumapit siya sa kaibigan pinakilala siya sa asawa nito at sa anak, mahiyain ang panganay kaya yung bunso ang kinuha niya buti na lang di mailap sa tao dinala niya ito sa mesa at pinakain

"Ara, tara na libre mo na kami para makabalik tayo agad before three mas masaya kasi yung laro mamaya"yaya sakanya ni Lily

"Teka si Nick wala pa eh magpapaalam lang ako"sagot niya

"Hayaan mo na sila Aaron na ang magsabi, atsaka matatanda na yan andiyan naman si Tom"ani Lily na ang tinutukoy ay ang asawa niya, nagdadalawang isip siyang iwan yung tatlo wala kasing kakilala ang mga ito dun

"Li--"

"Sige na Bru, okay lang kami dito punta na kayo para makabalik kayo agad kami na bahalang magsabi kay kuya Nick"putol ng kapatid sa sasabihin niya

"Sigurado kayo?"tanong niya

"Oo,Ate sige na"ani Niro

"See? Halika na !"excited na yaya ni Lily

Wala na siyang nagawa kundi tumayo at sumunod kay Lily, ginamit nila yung sasakyan nila para mas mabilis, pumunta sila sa pinakamalapit na maliit na mall sakanila di naman mall na katulad ng SM yung parang tutuban sa divisoria ganon pero mas maliit pa dun yung kasing laki lang ng savemore, halos twenty minutes din ang binyahe nila pagdating dun ay binilhan niya ng damit yung mga bata

Pagkatapos nilang namili ay pinakain nila ulit yung mga bata at hinayaang maglaro,habang silang magkaibigan ay nagkuwentuhan,binanggit din niya sa kaibigan ang pag uusap nila ni Brandon kanina,bahagya pang nagalit si Lily pero pinagsabihan niya ito na hayaan na kaya kumalma naman ang kaibigan,binilinan din niya ang kaibigan na wag nang babanggitin sa iba ang tungkol sa pag uusap nila ni Brandon

"Basta,wag ka nang papauto sakanya ulit"wika ng kaibigan

"Hello pagpapalit ko ba si Nick sakanya?"aniya at tumawa ayaw niya nang banggitin ang tungkol sa pagpapanggap nila hayaan na lang niyang paniwalaan nila ang nakikita nila sa kanilang dalawa ng binata

"Naman!gwapo gwapo kaya nung tao kahit yung kakambal mo at kapatid niya ang gugwapo sayang nagmadali kasi akong mag asawa"biro ng kaibigan

"Ang landi!hoy wag kang ganyan ang gaganda kaya ng bunga o!"aniya at tinuro ang dalawang bata

"Sabagay!saka gwapo naman yung mokong kong asawawat mahal ko yun"ani Lily

Nagulat siya nang tumunog ang phone niya,tinawagan siya ni Aaron para sabihing bumalik na daw sila dahil lasing daw si Nick kaya niyaya niya agad ang kaibigan na bumalik na sa school nila

Beautiful but Heartless (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon