patabi naman!

6.7K 158 1
                                    

ARA'S POV

"Manong pag may nadaanan kayong pwedeng pagkainan daan tayo, kain muna tayo ng lunch?"aniya sa driver nila nang magising siya alas nwebe na kasi sila nakaalis kanina dahil dinaanan siya ni Lily bago nagduty sa hospital na pinagtatrabahuhan nito tapos na rin kasi ang tatlong araw na bakasyon din daw sa traaho, nakipagkwentuhan pa ang kaibigan kaya di sila nakaalis agad

"Sige po,"sagot ng driver

"Manong ayun o restaurant parang maganda dun kumain"aniya nang mapansin ang isang restaurant, sinunod naman siya agad nito,

"Hoy! Magsigising muna kayo kakain muna tayo" baling niya kina Aaron at Nick sa likod niya halatang mga puyat din ang mga ito nang kumilos na ang dalawa ay kinalabit naman niya si Nick na nasa harapan

"Nick,gising!mamaya mo na ituloy yang panaginip mo,nagugutom na ako"aniya at inayos ang sarili

"Bru, una na kami sa loob sunod na lang kayo"ani Aaron bago bumaba

"Nick ano ba?!tara na!"aniya sa binata pero di pa rin ito kumikibo, kaya bumaba na siya at binuksan ang pintuan para sa binata,nagulat pa siya dahil sinalubong siya nito ng ngiti

"Tara na!wag ka magpacute diyan dahil di ka cute!"aniya at inirapan ito

Tumatawa naman ang binatang bumaba at sinara ang sasakyan, mauuna na sana siyang maglakad pero nagulat siya nang hilahin ni Nick ang kamay niya

"Di talaga ako cute kasi nga gwapo ako"wika nito saka siya inakbayan

"eto o"aniya at inabot ang phone niya sa binata

"Bakit?aanhin ko to?"takang tanong ni Nick na kinuha ang phone niya

"Sangla mo saka ka maghanap ng pwede mong rentahan makausap mo lang!"sagot niya

"Hahaha naisahan mo ako dun ah!"ani Nick saka biglang pinisil ang ilong niya at binulsa nito ang phone na inabot niya

Sapo niya ang ilong niya saka tinignan ng masama si Nick na tuwang tuwa sakanya,

Pagkatapos nilang kumain ay nilisan na rin nila ang lugar na iyon,huminto lang ulit sila nang may madaanan na convinience store para bumili ng mangangata nila habang nasa sasakyan

"Patabi naman ang payat mo pero ikaw ang may pinakamalaking pwesto"ani Nick sakanya nang nakapasok siya sa sasakyan

"Dun ka na matutulog ako"sagot niya

"Tsk!usog dun dito ako uupo"ani Nick saka umupo sa tabi niya wala na siyang nagawa kundi sundin ang binata

Bakit ba pagdating kay Nick wala siyang magawa ni di nga siya nananalo dito, sa inis niya ay binigwasan niya ito sa tiyan saka inirapan

"Aray ko Ara,bakit ba napakasadista mo?"ani Nick na hawak ang tiyan

Pero imbes na makipagtalo siya ay kinuha niya ang binili nyang tsitsirya kanina at inumpisahang kainin

Inayos niya ang upo niya paharap kay Nick saka pinatong niya ang paa niya sa hita ng binata

"Tignan mo to pagkatapos akong bigwasan gagawin akong dantayan"ani Nick

"Nagrereklamo ka?"taas kilay niya

"Hindi ah!eto nga at hahawakan ko pa baka mahulog"wika nito saka inayos ang paa niya,nagulat pa siya nang pagdiskitahang paputukin ni Nick ang daliri niya sa paa

"Ay sarap sige masahe mo dali" aniya naiiling naman na sinunod siya ni Nick

"Bru, mahiya ka naman buti sana kung ang ganda ng paa mo"saway ni Aaron sakanya

"Maganda naman eh parang paa ng babae talaga"ani Nick

"Bakit?babae naman ako ah!"angal niya

"Paa ng babae! Babaeng kalabaw!"ani Nick saka tumawa na sinabayan ng iba pa bukod tanging siya lang ang hindi tumawa dahil nagsalubong nanaman ang kilay niya

"Makalait ah!ang yayabang niyo!"aniya nang hihilahin niya ang paa niya ay pinigilan ito ni Nick

"Joke lang ito naman!"ani Nick

"Ate walang joke joke sapakin mo na agad!"ani Niro

"Niro gusto mo maglakad pauwi?"ani Nick

"Sori Kuya pero kina ate Ara t0ng sasakyan hahaha"ani Niro kaya napatawa na lang siya

Umiiling naman si Nick sa tinuran ng kapatid





Hapon na nang makarating sila sa bahay nila,agad naman silang sinalubong ng lola niya ng mahigpit na yakap

"Kumusta ang bakasyon niyo? Tara muna mga apo sa loob magpapahanda ako ng meryenda kumain muna kayo bago ko kayo ipapahatid mamaya kwentuhan niyo muna ako"magiliw na wika ng lola niya, tahimik naman na sumunod silang apat sa matanda saka umupo sa sala

Pero napakunot ang noo niya nang mapansin parang pumayat yata ang lola niya

"Lola,three days lang kaming nawala bakit parang pumayat kayo?"tanong niya

"Di ako makatulog eh namis ko kayo,atsaka ang boring ng Papa niyo kasama"anang lola niya kaya natawa silang lahat

"So how was your vacation?or should I say reunion?did you enyoy it?wala bang umaway sayo Hija?"sunod sunod na tanong ng Lola nila

"Okay lang po, yang tatlong yan Lola nakakahiya!nagkalat sila dun hahaha"aniya na tumatawa

"Why?"curious na tanong ng matanda sa tatlo pero imbes na sagutin ang matanda ay sinamaan siya ng mga ito ng tingin

"Come on! Ara kwentuhan mo ako"anang lola niya kaya nag umpisa siyang magkwento iiling iling naman ang tatlo kapag tumatawa na ang Lola nila

Nang matapos siyang magkwento ay tumatawa nanaman ang Lolo niya

"Si Lola kung makatawa lang ah,atleast may naipanalo pa rin naman kami La"ani Aaron na kumakamot sa batok niya

"Oo nga po Lola may naipanalo po kami madami din po yun sa katunayan nga po may utang na kiss pa si ate Ara kay kuya Nich eh"ani Niro kaya pinanglakihan niya ito ng mata niya pero nakita iyon ng Lola niya

"Oo nga naman mabuti na lang at may naipanalo kayo,anyway what about the kiss?"nakangiting tanong ng Lola

"Lola ako ang magkukwento"ani Aaron

Wala na siyang nagawa kundi makinig sa kwento ng kakambal habang ang Lola niya ay matiyagang nakinig may mga time pa napapangiti ito

"Aaron! Tama na nga yan!"saway niya sa kapatid

"Bakit sinaway kita nung ikaw ang nagkwento?"sagot naman ng kapatid

"Tama na kayong dalawa talaga, Nick thankyou Hijo atleast kahit pretend lang, nagkaroon naman ng boyfriend itong pusong bato kong apo"anang Lola niya

"Okay lang po La ngayon po at naranasan niya na magkaboyfriend eh baka bukas hanapin niya po ako"ani Nick saka tumawa

"Spell ASA? N-I-C-K!"aniyang umirap

"Talaga kayo, o siya sige na at hapon na din,alam kong pagod kayo kaya magpahinga na kayo"anang Lola niya

"Sige po uwi na po kami salamat po Lola pupunta po ako dito dadalaw"wika ni Nick

"O sige Hijo your welcome here tignan mo si Niro palagi dito"natutuwang wika ng matanda

"Hay naku Lola dinadagdagan niyo lang sakit niyo sa ulo"aniya

"Di ah!stress reliever kaya kami ni Lola, di ba La?"ani Niro

Tumatawa namang ang Lola niya sa tinuran ni Niro

Nang magpaalam ang magkapatid ay nagulat pa siya nang lumapit si Nick at hinalikan siya sa noo, saka ito lumabas ng bahay nila






Beautiful but Heartless (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon