tulog pa more

6.7K 154 0
                                    

ARA'S POV

Sa halos fifty pairs na sumali sa paper dance ay tatatlong pares silang natira sa gitna at puro galing sa batch nila kaya tuwang tuwa sila,akala niya ay tapos na ang laro paghahatian na lang nila ang premyo pero ang sabi ay tapusin daw ang laro hanggang isang pair lang ang matira kaya napilitan silang ituloy ang laro, ayaw niya na sana ipapaubaya na sana niya yung premyo pero ayaw umalis ni Nick sa pwesto nila,ayaw naman niya itong iwan

"Tsk!tara na kasi"bulong niya sa lalaki pero tinignan lang siya ng masama ng binata

"Guys, pag nanalo kami ni Ara magpapablow out ako!"wika niya sa dalawang pairs pa na sina Lily at asawa nito at yung isang pair ay mag asawa din na kaklase nila

"Are you serious?, wag niyo siyang pansinin mapagbiro yan"aniya at ngumiti

"Talaga?magboblow out ka?saan?sa resort na pinagcheck inan niyo?mamaya night swimming"hamon ni Lily kay Nick

"Okay, no problem"sagot ng binata

Kokontra pa sana siya kaso nagsimula na ang music, nang huminto ang music ay para lang siya ulit papel na binuhat ng binata na parang bagong kasal saka pumatong sa maliit na papel, pero nagulat siya nang tignan niya ang dalawang pair na kalaban nila, kusang tumalikod at bumalik sa pwesto nila kaya sila ang dineklarang panalo

Nang binaba siya ng binata ay pasimple niya itong kinurot sa tagiliran

"Arraay!hooooo!ang sakit"hiyaw nito pero dahil malakas ang music ay wala masydong nakapansin

"Para saan yon?"tanong ng binata

"Ang gastos mo, ang laki na nga ng binigay mo dito tapos may pablow out blow out ka pang nalalaman? Nick naman,"aniya

Kahit naman kasi alam niyang may pera sila ay kuripot siya,gumagastos siya pag kailangan o gusto niya talaga ang isang bagay,di naman sa madamot siya infact may mga charity silang tinutulungan, she always save for the future, yan din ang palagi niyang sinasabi sa kapatid niya,

"Tsk!ikaw talaga, kaya gusto kita eh"wika nito at ginulo ang buhok niya

"A---ano?!'gulat na tanong niya

"Wala,halika na"yaya sakanya ng binata

Di na lang niya pinansin ang sinabi ng binata baka kasi kasama nanaman sa biro nito yun,

Ilang laro pa ang sinalihan ng mga kaklase niya kasama ang tatlong lalaking kasama ang naipanalo nila kaya panay ang kantiyaw sakanya ng mga ito sa kiss na pustahan nila,

Alas singko ng hapon nang magpasya silang magpaalam, tapos na rin naman kasi ang program,kahit yung ibang batch na naroon ay nag uwian din babalik daw mamayang gabi,pero sila ay napagpasyahan na di na babalik dahil dun daw sila sa resort na pinagcheck inan nila,talagang tinotoo nga ni Nick ang blow out niya dahil pinatawagan niya sa kay Niro ang resort kung pwede at pumayag naman may bayad daw iba pa yung per head daw na pupunta,

"Guy's seven ha!"wika ni Nick na tinanguan naman ng karamihan

"Salamat sainyo,nag enjoy talaga kami"ani Niro

"Oo nga!salamat!"sang ayon naman ng kapatid

Nagpasalamat din siya at nagpaalam




Pagdating nila sa tintuluyan nila ay pinaasikaso nila agad ang lugar na pagdadausan nila ng reunion nila sa gabing yun nagpaluto din sila ng mga pakain at nagpahanda ng iinumin isang klaseng inumin lang ang pinahanda niya, halos isang oras din silang nakipag usap,

Pagdating niya sa kwarto ay pabagsak syang humiga sa tabi ng kapatid dahil sa pagod niya

"Nasaan si Niro?"tanong niya

"Nasa banyo,kung ano ano kasing sinusubo"wika ng kapatid

Tumawa lang siya dito,kinausap niya din ang driver nila na kumain na ito at magpahinga,tumango lang ito


Pagkatapos niyang magpahinga ay pumasok na siya sa sariling kwarto at naligo,lagkit na lagkit na din kasi siya,pagkatapos niyang naligo nagbihis lang siya ng simpleng short at tshirt lng,nagulat pa siya nang katukin ng kapatid

"Bru,andito na sila"wika ng kapatid

"Oo sunod na ako,punta na kayo dun papatuyuin ko lang buhok ko"aniya

"Okay punta na kami" ani Aaron

Nang makaalis ang mga kapasama ay humiga siya at dahil na din siguro sa pagod niya ay di niya namalayan na nakatulog na pala siya

NICK' S POV

Mag iisang oras na sila ng mga kakalase dati ni Ara pero wala pa ang dalaga,yung ibang mga babae ay enjoy na enjoy sa pool

"Nick ano bang ginagawa ni Ara bakit ang tagal niya?"tanong ni Lily,basa na din ito

"Di ko din alam eh,mayang konti siguro andyan na yun"wika ni Nick

Maya maya pa ay bumulong sakanya si Aaron at Niro

"Sunduin mo na kasi"wika ng kapatid

"Baka tinulugan tayo"ani Aaron,alam kasi nito na kapag napapagod ang kapatid ay mabilis makatulog

Tinawanan lang niya ang mga kasama pero maya maya pa ay nagdesisyon siyang umalis

Nagpaalam siya sandali para sunduin ang dalaga, mabilis ang lakad niya kaya mabilis din niyang narating ang kinaroroonan ng dalaga dahan nyang kinatok ang pintuan at tinawag ang pangalan pero walang sumasagot kay binuksan niya ang pintuan mabuti na lang at di nakalock iyon,pumasok siya at tama nga si Aaron mahimbing na natutulog ang dalaga

Lumapit siya dito at malayang tinitigan ang maganda at maamong mukha nito,napangiti siya nang dumako sa labi ng dalaga ang paningin niya,yumuko sya para ilapit ang mukhawn















Beautiful but Heartless (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon