talk

6.8K 156 10
                                    

ARA'S POV

Halos dalawang linggo siyang naging abala sa restaurant nila,sunod sunod kasi ang nagpareserve ng birthday at may dalawang nagpareserve din para sa pagpopropose ng kasal,

Kaya naman ngayon nagising siya na masama ang pakiramdam niya parang ang bigat ng ulo niya, pero di niya iyon pinansin pinilit niyang bumangon para pumasok sa trabaho niya, may mga dapat kasi siyang tapusin,kaya balak niyang maghalf day na lang,

Palabas na siya ng bahay nang makasalubong niya ang kapatid, hinihilot niya ang sintido niya kaya napakunot noo itong tumingin sakanya

"Bru,kung masama ang pakiramdam mo magpahinga ka, wag mong lunurin yang sarili mo sa pagtatrabaho,nakakalimutan mo nanaman kumain ilang gabi ka ng tulog at di nakakasabay saamin ni Papa na kumain"sermon ng kapatid

"Okay lang ako Aaron, ano ka ba?!daig mo pa babae diyan ang aga aga mong nagbubunganga"nakangiting turan niya sa kapatid

"Tsk! Ang tigas talaga ng ulo mo!"ani Aaron na salubong ang kilay

"Ganon talaga!mana mana lang,"aniya saka kinindatan ang kapatid at tinungo ang kotse niya

Pagdating niya sa office niya ay agad niyang tinapos lahat ng dapat na matapos sa araw na iyon saka siya nagdesisyon na umuwi na dahil ramdam na niya na nilalagnat na siya at giniginaw,

Paglabas niya ng office ay nakasalubong niya si Shiela

"Ma'am alis na po kayo?"tanong ng sekretarya niya

"Oo,masama pakiramdam ko pag nagkaproblema tawagan mo na lang ako"aniya

"Ma'am, uminom na po kayo ng gamot?meron ako"nag aalalang tanong ni Shiela

"Sa bahay na lang salamat"aniya at umalis na

Kung mamalasin nga naman talaga siya, natraffic pa siya dahil may nagbanggaan daw,pero tinatanggal na daw yun dalawang sasakyan na nagbanggaan kaya matyaga na lang siyang naghintay, inaantok na siya at gusto na lang sana niyang matulog,

Halos isang oras siyang nastuck sa traffic nanginginig na siya at gutom na din dahil di siya nakakain ng almusal kanina mag aala una na ng tanghali di pa siya kumakain buti na lang may tubig siya sa kotse niya

Nang hindi na niya talaga kaya ay tinawagan niya ang kapatid para sunduin siya nanlalabo na din kasi ang paningin niya

Nang umusad na ang mga sasakyan ay dahan dahan din siyang nagdrive,nang makakita siya ng pwedeng pagparkan ay hininto niya ang sasakyan niya, tinawagan niya ulit ang kapatid, pagkatapos niyang sabihin ang exact location niya ay binuksan niya ng kaunti ang bintana niya, sumandal siya sa upuan saka pinikit ang kanina pa namimigat na talukap niya

AARON'S POV

Pagkatapos niyang kausapin si Ara ay agad siyang lumabas ng opisina niya papasok na siya sa kotse niya nang may tumawag sakanya

"Aaron, pwede ka ba makausap sandali?"anang lalaki agad siyang napalingon dito

"Kuya Nick!importante ba?pwedeng mamaya na lang?nagmamadali ako emergency lang"sagot niya naawa siya sa sitwasyon ng kapatid at ng lalaki pero ayaw niyang makialam sa problema nila hanggat di siya hinihingan ng opinyon ni Nick

"Ah, ganon ba?o sige"sagot ni Nick tatalikod na sana ito nang tawagin niya

"Kuya, pwede bang magpasama?sandali lang naman"aniya

"S------sige, saan ba yan?"ani Nick saka ito lumapit sakaniya

"May susunduin lang, masama daw kasi pakiramdam niya kaya nagpapasundo di na daw kayang magdrive,ang tigas kasi ng ulo,nilulunod ang sarili sa trabaho"aniya saka sila sabay na pumasok sa kotse niya

Beautiful but Heartless (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon