second chance

6.9K 144 9
                                    

ARA'S POV

Halos mapugto yung hininga niya sa kakatawa dahil sa tatlong sunod sunod na laro na sinalihan ng mga kasama niya ay puro talo sila,abot din ang kantiyaw ng mga kabatchmates niya kay Nick dahil tatlong case na daw ng beer ang kailangan niyang bilihin

"Ano kayo ngayon?nganga?!"kantiyaw niya sa tatlo dahil hiningal ito sa larong sack race

"Di pa tapos Ate madami pang laro, maghintay ka lang mananalo din kami"sagot ni Niro at pabagsak itong umupo sa upuan

"Wag ka mag alala mananalo kami, makikita mo,be ready Ara dahik ikikis mo ako mamaya"ani Nick at kumindat sakanya

"Yan ay kung mananalo kayo!"aniya at tumawa ulit

"Mananalo kami Bru watch out!"sagot naman ni Aaron at tumawa din

"Sige sabi niyo eh, libre umasa"aniya at ngumiti

Maya maya pa ay tumunog ang phone ni Nick may kausap nanaman ito sa phone niya,naiinis siya na parang nagseselos siya

"Ara wala kang karapatan magselos gaga!"sermon ng utak niya

NICK'S POV

Pagkatapos niyang pakinggan ang sinasabi ng kausap sa phone niya ay tumingin siya kay Ara na nakakunot ang noo na nakatingin sakanya,kahit naiinis sa sinasabi ng kausap ay napangiti na lang siya

"Okai Bro, wag mong iwawala ang paningin mo sakanya bantayan mo siya ng mabuti"wika niya

"Okay,don't worry just focus on your game!putcha kanina pa kayo talunan!"wika ng kausap at sinabayan pa ito ng pagtawa

Natawa na lang siya sa tinuran ng kausap

"Mananalo din kami!maghintay kayo!"aniya at tumawa

"Putcha!Kanina pa kayo pinagtatawanan nina Kass at Kim"kantiyaw ulit ng kausap

(Guys, naalala niyo pa yung mga pangalan na yan?hehe wala lang namis ko lang yung casts sa my girlfriend is a racer, wala lang special mention lang hehe)

"Mga siraulo!sige na!"aniya at binagsakan ang kausap

Nilapitan niya ang kapatid at si Aaron na nagtatawanan sa isang tabi

ARA'S POV

Gusto niyang tanungin kung sino ang kausap ni Nick pero nahihiya siya ayaw niyang pagtawanan nanaman ng binata,nakita niya itong lumapit sa dalawa at parang may pinag uusapan na seryoso

"Marunong pala silang mag usa ng seryoso?"bulong niya at dahil natuwa siya sa itsura ng tatlo ay nilabas niya ang phone niya at kinuhanan ang mga ito,isa sa mga hilig niya ay ang stolen shots,maraming picture ang kapatid ang Papa at ang lola niya sa phone niya na stolen shots sayang lang at wala talaga siyang hilig sa fb, twitter intagram etc.

Napangiti siya nang tignan niya ang mga picture ng tatlo

"Ara,pwede bang pakihanap si Brandon?tinatawagan ko kanina pa di sumasagot eh sabi niya pupunta lang daw siya sa principal's office di na bumalik eh baka mag umpisa na yung larong chess eh siya pa naman ang pambato natin"wika ng bestfriend ni Brandon

"Ha?bakit ako?"takang tanong niya

"Eh ikaw lang yung di kasali sa ibang laro atsaka sige na busy kasi yung iba nating kasama eh?"aniya

Tumingin siya sa paligid mukhang busy nga lahat may mga ilang nakaupo dun pero nahiya naman siyang mag utos kasi mula pa kanina wala naman siyang ginawa

"S------sge,sa dati pa rin ba yung principal's office?"tanong niya

"Oo dun pa rin, pasensya ka na Ara"

Beautiful but Heartless (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon