hangover problem

7.3K 163 7
                                    

ARA'S POV

Maghahating gabi na nang magpaalam ang mga kaklase niya magkita na lang daw ulit bukas ng gabi sa school nila parang prom night daw ang okasyon nila,

Siya naman ay halos di na makalakad ng straight dahil sa dami yata ng nainom niya di naman siya makapag pabuhat sa kapatid dahil basa ito sumali kasi sila ni Niro sa laro ng kaklase niya sa pool tanging sila ni Nick lang ang tuyo,

Nagulat siya nang umupo sa harap niya ang binata at sinenyasan siyang sumampa sa likod nito,dahil na din siguro sa lasing siya ay mabilis siyang yumakap sa leeg ng binata at parang batang sinubsob ang mukha niya sa balikat nito,lasing man siya ay amoy na amoy niya ang bango ng binata

"Hmmmmm. . . . .ang bango mo naman"aniya at para siyang pusang inamoy amoy ang binata

"Ara,stop what youre doing!"ani Nick

"Haizt!ang damot para inaamoy lang, di wag!"aniya at sinubsob ang mukha niya sa leeg ni Nick naramdaman niya ang sunod sunod na pag buntong hininga ng lalaki, pinikit niya ang mata niya na at ninamnam ang sarap ng feeling na buhat siya ng binata,di niya alam pero gusto niya ang kakaibang nararamdaman niya

"Nick?. . . . . . "bulong niya

"Hmmmmm"anang binata

"Pano pag nainlove ako sayo, anong gagawin mo?"wala sa loob na tanong niya bunga siguro ng kalasingan niya kaya lumabas iyon sa bibig niya

"Pano pag gusto kitang ligawan?would you give me a chance?"balik tanong nito

"Bakit?seseryosohin mo ba?"tanong din niya

"Pano pag oo papayag ka?"balik tanong ng lalaki

"Pag sinabi ko bang papayag ako, gagawin mo nga?"tanong niya ulit

"Si-------"

Di na natuloy ni Nick ang sasabihin niya nang magsalita ang kapatid niya

"Bru,bumaba ka na diyan nawiwili ka na!"wika ng kapatid niya nang iangat niya ang ulo niya ay nakatayo na pala si Nick sa gilid ng higaan niya

Labag man sa loob niya ay kumalas siya sa pagkakayakap sa binata

"Salamat"aniya na namumungay ang mata

NICK'S POV

Inayos niya muna ang dalaga sa pagkakahiga saka nilagyan ng kumot,mataman niyang tinitigan ang maamong mukha nito

Napangiti nanaman siya nang maalala ang pag uusap nila kanina

"How could I not love someone like you?"bulong niya habang hinahaplos niya ang namumulang pisngi ng dalaga

"Goodnight grumpy"wika niya saka masuyo niyang hinagkan ang noo ni Ara

ARA'S POV

Nagising siyang parang umiikot ang mundo niya, pagmulat niya ay parang feeling niya nasusuka siya sinubukan niyang pumikit ulit pero parang may umakyat sa lalamunan niya kaya kahit hilo pa siya ay pinilit niyang pumunta sa banyo, inilabas niya yata lahat ng kinain kagabi, nang kumalma ang sikmura siya ay bumalik siya sa higaan kumuha siya ng damit niya di pa siya tapos sa paghahanda ng isusuot niya ay nagsimula nanaman mag rambulan ang sikmura niya takbo siya sa banyo nanaman at nagsimulang magsuka ng magsuka pagkatapos ay parang nag LBM pa siya eto ang ayaw niya pag napaparami ang inom niya dahil nagsasabay ang LBM at pagsusuka niya

"Shit!di na talaga ako iinom!"bulong niya, yan ang palagi niyang sinasabi pero hanggang salita lang naman pag may okasyon napapainom pa rin naman siya

Pagkatapos magvoluntary exit ang laman ng tiyan niya ay naligo siya nagbabad siya sa tubig,kahit sobrang sakit ng ulo niya ay pinilit niyang naligo kesa naman mangamoy alak pupu at suka siya mas kadiri naman yun,

Beautiful but Heartless (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon