sweet

6.4K 149 5
                                    

ARA'S POV

Maaga siyang nagising di dahil sa may importante siyang lakad kundi dahil ang aga agang tumutunog yung phone niya,

"Nick!ang aga aga naman anong problema mo?"aniyang halatang antok na antok pa

"Goodmorning grumpy. . . . . .aga aga galit ka na agad, get up! samahan mo ako magbreakfast" ani Nick

Parang nawala bigla ang antok niya sa sinabi ng binata,bigla siyang umayos ng upo

"Wag mo akong biruin ng ganyan Nicholas ha,asan ka?"tanong niya

"Tss!andito ako sa kusina niyo hinihintay ka,come on grumps, I have a meeting at eight, I just dropped by to eat breakfast with you"wika ni Nick tinignan niya ang oras six thirty na kaya mabilis siyang pumasok sa banyo para maghilamos at magtoothbrush

Ni hindi na siya nakapagsuklay dahil sa pagmamadali niya,pagdating niya sa dining ay naroon nga si Nick at nakahanda na ang breakfast sa mesa,lihim naman siyang natuwa sa effort ni Nick, idagdag pa ang napakagwapo nitong mukha na nakangiti sakanya bumagay pa ang suot nitong mamahaling gray suit

Napasikdo pa siya nang salubungin siya ni Nick saka hinagkan sa pisngi

"Goodmorning grumpy. . . . ."anito saka inabot ang fresh na fresh na three pink roses sakanya

"Wow!bumabawi sa lantang bulaklak kagabi?"aniyang ngumiti,

"Hindi yun lanta,hindi lang kasing fresh niyan"depensa naman ng binata

"Okay sabi mo eh, halika na baka malate ka kasalanan ko pa"aniya at umupo na sa mesa tulog pa kasi ang mga kasama niya sa bahay bukod sa maids nila, they usually eat breakfast at around eight tapos pupunta sa office nila ng nine,depende na lang pag may mga meeting sila maaga din sila

Pagkatapos nilang kumain ay hinatid niya na sa labas si Nick,

"Tawagan kita mamaya pag maaga akong makakauwi susunduin kita"ani Nick

"Wow!pinapanindigan mo talaga ang pagiing boyfriend ha"aniyang tumawa

"Tsk!di ba sabi ko sayo akin ka na kaya sanayin mo yang sarili mong may boyfriend"nakasimangot na wika ni Nick di na niya napigilang ngumiti ng malapad sa itsura ni Nick,

"Oo na po! O sige na demanding talaga"aniya at pinisil ang ilong ni Nick

"Sige na i love you grumps "ani Nick saka siya hinalikan sa labi

"Likewise" aniya at ngumiti nang maghiwalay ang labi nila bago pa pumasok sa kotse si Nick ay hinagkan pa siya sa noo

Nang makaalis si Nick ay dali dali siyang pumasok sa bahay nila dirediretso siyang umakyat sa kwarto niya,di pa man siya nakakapasok ay narinig niya ang pagtikhim ng kapatid kaya napalingon siya dito

"Kanina ka pa diyan?"patay malisya niyang tanong sa kapatid

"Yeah!kita ko ngang kilig na kilig ka o"anang kapatid saka tumawa

"Tse!"aniya saka mabilis na pumasok sa kwarto niya

Dumapa siya sa higaan niya saka impit siyang tumitili habang ang paa niya ay nagwawala sa pagpadyak


Pagdating niya sa office niya sinalubong siya ni Shiela

"Goodmorning Ma'am,"bati ng Secretarya niya

"Goodmorning. . . . . .yung pinapagawa ko tapos na?"aniya at ngumiti

"Yes Ma'am,nasa table niyo na po"sagot ni Shiekja

"Okay, thankyou"aniya at pumasok na sa office niya





Wala pang alas kwatro ng hapon ay tapos na niya ang ginagawa niya inayos niya na ang table niya,

Kinuha niya ang phone niya para icheck kung may text si Nick pero dismayado siyang tinago ito ulit nang makitang walang text ang binata

"Baka dami pang ginagawa"bulong niya sa sarili,kukunin na sana niya ang bag niya nang biglang magring ang phone niya,lumundag nanaman ang puso niya nang makitang si Nick ang tumatawa

"Bakit?"kunyaring tanong niya

"Hintayin mo ako papunta na ako diyan"anang binata

"Okay"aniya nang ibaba niya ang phone niya ay umupo siya sa couch at ini on niya ang tv,di na niya namalayan na nakatulog siya agad


NICK'S POV

Nagmamadali siyang bumaba sa taxi nang marating ang office ni Ara alam niya kasing mainipin ang dalaga,galing pa kasi siya sa bahay nila,

Pagpasok niya ay agad siyang nakita ni Shiela

"Good afternoon Sir"bati nito na tinugunan niya agad ng tango, kumatok siya pero wala siyang nagsalita kaya binuksan niya na lang pintuan,hinanap niya si Ara pero naagaw ang atensyon niya sa umaandar na tv, pagtingin niya dun ay nakita niyang nakasandal si Ara sa upuan at payapang natutulog

Umiiling siyang lumapit sa dalaga,malaya niyang tinitigan ang maamong mukha ng dalaga bawat anggulo ay tinitignan niya,mabilis niyang nilabas ang phone niya saka kinuhanan ng ilang shot ang dalaga, dahan dahan niyang hinaplos ang mukha ni Ara saka dinampian ng halik mula noo hanggang labi,natawa siya nang kumilos ang dalaga at pinilig ang ulo niya saka dahan dahan nitong minulat ang mata niya


ARA'S POV

Naramdaman niyang parang may humahaplos sa mukha niya, at may humalik sakanya kaya pinilig niya ang ulo niya saka nagmulat ng mata, nagulat siya nang makita si Nick na gahibla lang ang layo ng mukha nito sakanya

"Hello my grumpylicious"ani Nick saka siya hinalikan sa labi, amoy na amoy niya ang mabangong hininga nito

"Ang tagal mo,"ingos niya dito

"Kanina pa ako,tulog ka kasi ng tulog"sagot naman ni Nick

"Hmp!tara na nga"yaya niya saka tumayo pero di pa siya nakakahakbang ay mabilis siyang niyakap ni Nick ng mahigpit,naramdaman nanaman niyang may nagrarambulan sa tiyan niya

"I miss you grumps" ani Nick habang yakap pa rin siya ng mahigpit,nang di pa rin siya kumikilos at nagsalita ay nagsalita ulit ang binata

"Bakit parang di mo ako namis?"animoy nagtatampong tanong ni Nick

"You have no idea!. . . . . . "makabuluhang sagot niya binata saka niya tinugunan ng yakap ang binata

"Good! Let's go"ani Nick saka siya hinawakan sa kamay at hinila na palabas,

Pagdating nila sa parking lot ay kinuha ni Nick ang susi ng kotse niya

"Wala ka nanaman dalang sasakyan?"aniyang tumatawa

Habang nagdadrive si Nick ay napansin niyang di sa bahay nila ang dinaraanan nila

"Saan tayo pupunta?tanong miyj

"Sa bahay, ipapakilala kita"ani Nick

Para naman siyang nanlamig tinuran ng binata, magsasalita pa siya pero mas pinili niyang manahimik na lang hanggang makarating sa bahay nila Nick,naramdaman niya naman ang panlalamig ng kamay niya

"Relax,para namang di kayo close ni Mama,"ani Nick saka hinawakan nito ang kamay niya











Beautiful but Heartless (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon