mas mabuti pang maging bobo kesa tanga

8.3K 166 0
                                    

Mag aalas sais na nang magdesisyon siyang umuwi nang biglang magring ang phone niya

"Papa,bakit po?"aniya

"I have a meeting with Mr. Melendez and I can't make it tonight dahil may problema dito sa site" wika ng ama

"Pero Pa six na po di pa ba kayo uuwi?"tanong niya

"Matatapos na kami but the problem is baka malate ako, ayoko ng hinihintay ako, I already asked my secretary to resched the meeting but Mr. Melendez will be out of town tommorrow and for the next three days, so I just asked if it's okay for him to meet you and he agreed," paliwanag ng ama

"Eh Papa tungkol saan po ba yung pag uusapan niyo?"

"Ah, just get the folder at my office my secretary prepared it already, just hand it over to him, sandali lang yun kahit pagbalik na lang daw niya kami mag uusap ulit basta maibigay mo lang yung folder"paliwanag ng ama

"Okay, where will I meet him?and what time?"tan0ng niya

Pagkatapos sabihin ng Papa niya ang details ng unexpected meeting niya ay mabilis siyang lumabas sa office niya at tinungo ang kotse niya pumunta siya sa A&A building,nagmamadaling kinuha niya ang nasabing folder at nagmamadali ulit na lumabas ng building seven thirty daw kasi ang meeting niya with Mr. Melendez at magseseven na kailangan niya pang magdrive ng fifteen minutes at pag natraffic siya baka malate siya

Saktong seven thirty nang dumating siya di na niya nagawang icheck ang itsura niya sa salamin halos takbuhin niya ang entrance ng restaurant sa pagmamadali pagpasok niya ay agad niyang hinanap si Mr. Melendez buti na lang at kilala niya na ito nang makita niya itong nakaupo sa isang sulok ng restaurant ay nagmamadali siyang lumapit dito may nakabangga pa siyang lalaki

"Sorry " aniya

"Tsk!"sagot lang nito tatarayan niya sana ito dahil mahina lang naman ang pagkakabangga niya pero ayaw niya na makipagtalo late na siya kaya nginitian lang niya ito at tumalikod na mabilis ang hakbang niya palapit sa kameeting niya

NICK'S POV

Palabas na siya sa restaurant uuwi na siya para magbibihis dahil birthday ng kapatid niya,ayaw niya sana sumama kung di lang makulit ang kapatid siguradong babae lang din ang kasama ng kapatid, it's been a year since he and Carrie broke up,since then wala pa siyang naging girlfriend puro date lang, sabi ng mga kaibigan di pa daw siya nakapag move on pero ang totoo matagal na siyang nakamove on tanggap na niya na kinasal na ang ex niya sa mas mayaman sakanya,

Mga babae talaga sa panahon ngayon pera lang katapat mamahalin ka na,

Palabas na siya nang mabangga siya ng babaeng nagmamadali

"Sorry"anang babaeng medyo brown ang buhok di niya nakita agad ang mukha dahil na natakpan ng buhok nito ang mukha niya

"Tsk!"sagot niya at pinaramdam niyang nainis siya dahil bakit kasi di tumitingin sa dinadaanan nakatingin kasi ito sa ibang direksyon kaya di siya napansin

Pero nagulat siya nang ngumiti ito sakanya ngunit mabilis din na tumalikod at tinungo ang pwesto ng isang lalaking nakaupo sa isang sulok ng restaurant, kumunot ang noo niya mukhang may edad na parang kilala niya yung lalaki,imposible namang magdedate ito,sinipat niya ulit ang babae nakaslacks ito ng fit at blouse na blue at may blazer, nakita niyang parang yumuko ang babae na parang humihingi ng paumanhin sa may edad na lalaki,nakita pa niyang may hawak ang babae na folder dito,tinitigan niya ang magandang mukha ng babae, at binalikan ang mukha ng lalaki, saglit siyang nag isip naalala na niya si Tito Vernon niya yun pinsan ng Mama niya, gusto niyang lumapit sana para batiin ito pero ayaw niyang makaistorbo,nagulat siya nang biglang may nag excuse sa harap niya

"Excuse me"wika ng may edad nang babae kaya natigil siya sa pagtitig sa dalaga

"I'm sorry"aniya at lumabas na ng restaurant di niya namalayan napatagal ang titig niya sa babae,nakaharang pa siya sa daanan umiiling siyang pumasok sa kotse niya at nagdrive na pauwi

ARA'S POV

"Mr. Melendez, good evening po I am so sorry kung napaghintay ko po kayo pasensya po talaga"aniya at yumuko sa harap ng may edad na lalaki

"It's okay Hija have a seat, kadarating ko lang din,"nakangiting wika nito

Agad naman niyang sinunod ito umupo siya agad

"Anyway Hija yan na ba yung sinasabi ni Mr. Fuentebella?tan0ng ng lalaki na ang tinutukoy ay ang folder na hawak

"Ah opo ito na po" aniya at inabot ang folder agad naman itong kinuha ng lalaki at tinabi

Nagulat pa siya nang tinawag nito ang waiter at umorder kaya nang tanungin siya kung ano gusto niya ay sinabi na lang din niya

Pagkatapos nilang nagdinner ay nakipagkwentuhan pa sakanya ang lalaki halos kasing edad lang pala ito ng Papa niya at may dalawang anak na lalaki at dalawang anak na babae na pare parehas nang may asawa

"Alam mo Hija kung may anak lang akong binata kakausapin ko ang Papa mo na ipakasal kayo"anito at tumawa nailang tuloy siya

"Ah Mr---------"

"Tito just call me Tito malapit na rin kaming maging magkaibigan ng Papa mo I know he's a good man,"putol nito sa sasabihin niya

"Okay po T--Tito"kimi siyang ngumiti

"Napakaganda mong bata and also a smart woman what else can a man could ask for?"puri nito sakanya

"Someone fooled me once, I will never allow that to happen again,"aniya na dinaan sa biro ang binitawang salita kahit totoo naman

"That's right!being fooled once is normal, there is always a first time sabi nga nila, but if you allow them to do that again with you,di na tama yun sabi nga ng asawa ko sa anak naming babae noon "anak, walang gamot sa tanga!kaya wag kang magpakatanga mas mabuti pang maging bobo kesa tanga!" Yan ang sabi niya" wika ng lalaki at tumawa kahit siya ay natawa din sa tinuran nito

"Wow!tatandaan ko po yan, maraming salamat po Tito"aniya

"No problem,o sige na gumagabi na, tell your Dad magkita kami pagdating ko" wika nito at tumayo na

"Sige po salamat po"aniya at yumuko ulit dito

Pagkaalis ng lalaki ay sumunod na rin siya,dumiretcho na siyang umuwi,Mag aalas nuwebe na nang makarating siya sa bahay nila,agad niyang tinungo ang kwarto niya at naligo pagkatapos ay nagbihis ng padyama,and the usual routine of her boring life?ang makatulog ng di niya namamalayan

Kasunod ng mahimbing niyang tulog ay ang pagpasok ng lola nila at hahagkan sa balikat o noo ng apo

Beautiful but Heartless (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon