ilovey0u so much

6.7K 145 6
                                    

ARA'S POV

Pagdating nila sa resort na pinagcheck inan nila ay naroon din ang piling kamag anak nila Nick at kaibigan niya, Naunang lumapit sakanila ang magulang ni Nick at ang Papa niya para batiin sila,

Lalo siyang natuwa nang lumapit sakanya si Ethan at Shin

"Congrats!taray amina kalbuhin kita!"biro ni Shin sakanya kasabay ng paghila nito sa ilang hibla ng buhok niya,pero kasunod nun ay niyakap siya ng mahigpit ni Shin sabay bulong

"Girl malapit nang buksan ang kweba!"bulong nito sabay hagikgik

Kahit namumula ay nagawa niyang tignan ng masama ang kaibigan

"Finally I saw you smile again, with bonus pa dahil nagbablush ang baby Ara ko! Tsk!dalaga ka na nga talaga!"ani Ethan habang yakap yakap siya sa lahat talaga ng pinsan Ethan is the only one who knew everything about her kaya mahal na mahal niya to na parang nakakatandang kapatid

" Ethan wag ngayon sasampalin kita!"banta niya sa pinsan dahil alam niyang may iba itong ibig sabihin ng katulad ng kay Shin

Naramdaman niya ang paghigpit pa ng yakap ni Ethan sakanya

"I am happy for you, finally tumalab na yung black magic mo sakanya"pang aasar pa ng pinsan kaya napalo niya ito sa tagiliran

"I know you're happy like I am, di ko na kailangan magtanong, I knew it, both of you will end up together, ang aarte niyo pa kasi!"aniya

"Hay naku Ara, di kami ang bida dito,"ani Shin, inirapan na lang niya ang kaibigan

Ipinakilala din niya si Lily kay Shin at tama nga ang hinala niya dahil mabilis na nagkagaanan ng loob ang dalawa,

Madaling araw na nang magkanya kanyang alis ang mga kaibigan at kamag anak nila,nalaman din niyang pinareserve pala ni Nick ang halos kalahati ng resort na yun para sa mga kamag anak nilang darating

Akala niya ay pupunta na sila sa kwarto nila pero nagulat siya nang igiya siya ni Nick papunta sa tabing dagat kung saan naroon pa rin ang upuan na duyan na pinag upuan nila noong umattend sila ng reunion

Pagdating nila ay umupo sila dun habang nilalaro ng paa niya ang buhangin

"Di ka pa ba inaantok?"tanong niya kay Nick

"I don't wanna sleep,I'm afraid that I might wake up and realize that it was just a dream"ani Nick

"Come on,Dapat nga ako ang nagsasabi nun eh, bakit mo nga ba naisipan dito magpropose?bakit di na lang sa manila?"tanong niya

"Sabi ni Aaron halos ayaw mo na umuwi dito dahil sa di magandang alaala mo dito, gusto ko lang naman magkaroon ka ng magandang alaala dito para pag uuwi ka dito hindi puro sakit at sama ng loob ang maalala mo, I want you to remember something that would make you smile whenever you are here"ani Nick

Tinitigan niya ang gwapong mukha ng kasintahan,kahit madaling araw pa lang at madilim pa ay nakikita niya pa rin ang mukha ni Nick dahil sa mga ilaw ng resort

"Ilovey0u Nick I really do, Ilovey0u so much, and thankyou for coming back to my life, I know it won't be easy but knowing that you are with me okay lang kakayanin ko basta palagi ka lang nasa tabi ko"wika niya,di na niya napigilan ang luha niya

Mabilis naman siyang niyakap ng kasintahan nang makitang tumutulo ang luha niya

"Hey, shhhhh. . . . . Mahal na mahal kita Ara," bulong ni Nick

"Wag kang mambabae ha!"aniya kaya nagulat ang binata

"What?!saan galing yan?"gulat na tanong ni Nick

"Basta!ang dami kayang gusto kang agawin"aniyang parang batang ngumuso

"Takot ko na lang kay Aaron at Ethan, sabi nila pag sinaktan at pinaiyak daw kita ilalayo ka nila saakin"ani Nick

"Tara na matulog na tayo bukas siguradong magyayaya sila Shin mamasyal"yaya niya kay Nick na agad namang sinang ayunan ng isa

Pagpasok nila ay nadatnan pa nilang nakahiga si Niro at Aaron na nagkukwentuhan, dumiretso siya sa kwarto niya, nagshower muna siya bago humiga pero bago pa niya ipikit ang mata niya ay may kumatok sa pintuan niya kaya binuksan niya ito

"Where is my goodnight kiss?"nakangiting bulong ni Nick

Napangiti na lng siya sa mukha ng binata, nilapit niya ang labi niya sa labi ni Nick,just when she's about to give Nick a kiss Nick cupped her face and immidiately kiss her on her lips torridly, napapikit na lang siya at ninamnam ang labi ng binata

"Goodnight, iloveyou"ani Nick nang pakawalan ang labi niya pero titig na titig ito sa mga mata niya

"Ilovey0u too, sige na matulog ka na"aniya, tinapik pa niya ang pisngi ng binata

Kinabukasan ay nagyaya nga sila Shin na mamasyal, namili din ang kaibigan ng maraming pasalubong, natatawa naman siya kay Ethan dahil matyaga itong nakasunod sa kaibigan bitbit ang mga pinamili, kasama din nila ang Mama nila Nick samantalang naiwan naman ang Papa nila dahil wala talagang kahilg hilig sa pamamasyal

Pagkatapos nilang kumain ng tanghalian ay magkasabay na umalis ang Papa niya at magulang ni Nick na umalis,

Sila Ethan naman ay sasabay na sakanila pauwi although may kotseng dala naman si Ethan

Nang gabi ay di na sila pumunta sa plaza para manood dumating kasi ang ilan sa mga kaklase niya para batiin sila ni Nick at nagkayayaang mag inuman na lang dun, na agad namang pinaunlakan ni Nick

Kinabukasan after nila magbreakfast ay umalis na sila,di na nagpakita si Lily nagtext lang ito sakanya na ayaw daw niyang pumunta dahil mamimis daw siya nito

Nakasunod lang ang sasakyan nila sa kotse ni Ethan,nakailang hinto din sila dahil sa kakulitan ni Shin,sa tuwing may madadaanan kasi silang magandang view ay nagpipicture ang kaibigan niya

Gabi na nang makarating sila sa Manila







Agad naman nilang inasikaso ni Nick ang kasal nila, gusto ni Nick na makasal na agad sila

"Nick, magpahinga ka naman, masyado kang nagmamadali, ikakasal naman tayo you don't need to rush everything, get some rest,"aniya sa kasintahan, pagkatapos kasi nito sa trabaho niya ay inaasikaso nito ang kasal din nila mas binubusisi pa ni Nick ang bawat detalye ng kasal nila imbes na siya ang gumagawa nun

"Di ako nagmamadali, gusto ko lang okay ang lahat sa kasal natin,next week na yun baka magkaproblema"ani Nick

"Yan kasi ang iniisip mo, hay naku, matulog ka naman, wag ka mag alala okay na ang lahat" aniya

Huminga lang ng malalim ang kasintahan

"ako na ang bahala sa kasal natin, paghandaan mo yung honeymoon"wika pa niya sabay wink kay Nick, nakita naman niya ang agad na pamumula ng mukha ng kasintahan hanggang sa tenga nito

"Ara!"saway nito sakanya

"What?! Ikaw eh sabi ko sayo pwede kahit mauna ang honeymoon masyado kang pavirgin"dugtong pa niya

"Ayoko ngang multuhin ni Lola Minerva saka nangako ka dun,konting tiis na lang"ani Nick

Naiiling na lang siya sa kasintahan,

"Ewan ko sayo bahala ka nga, nakakasawa kayang kamayin lang yan"aniya sabay nguso sa pang ibaba ni Nick kaya mas lalong namulang ang tenga ng binata kaya napahalakhak na lang siya

Mabilis siyang nilapitan ni Nick para yakapin ng mahigpit

"Humanda ka pagkatapos ng kasal dahil kahit sabihin mong tama na di kita susundin,bawal ang pahinga"bulong ni Nick

"Weh?! Wag ako Nick dapat sa alaga mo yan sabihin wag saakin! Hmp!"irap niya

"Wala pang nangyayari saatin pero ang green na ng lumalabas sa bibig mo, baka pag natikman mo kahit hanggang office ko susundan mo ako?"ani Nick

"Excuse me, correction! Baka pag natikman mo ako di mo na gugustuhing pumasok sa trabaho!"anya kaya tuluyan nang humalakhak ang kasintahan niya

The ENDless 😄




Epilogue na sunod guys hehe thankyou so much








Beautiful but Heartless (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon