:)

6.3K 141 2
                                    

ARA'S POV

Dalawang araw lang siyang nagstay sa hospital,sinubukan niyang makiusap na umuwi din kinabukasan dahil okay naman na ang pakiramdam niya pero di siya sinang ayunan ng lahat, kahit na nagtitirik na ang mata niya kaiirap sa mga kasama niya ay wala siyang nagawa

Nang makauwi naman sila ay binawalan muna siyang magtrabaho ng Papa niya, Pagdating naman sa pagkain niya ay minomonitor din ito ng Papa at kapatid, idagdag pa ang palaging pagsulpot ni Nick tuwing oras ng kain

Halos isang linggo nang palagi si Nick sa bahay nila,

"Nick, di ka ba napapagod?di mo naman kailangang gawin to araw araw"aniya kay Nick naawa din naman kasi siya dito dahil alam niyang abala din ito sa mga negosyo nila

"Bakit naman ako mapapagod?, para eto lang?"nakangiting pagpayag ni Nick

"Hmp!bahala ka nga!"aniya

"Ayaw mo na ba akong nakikita araw araw?" Himig nagtatampong tanong ni Nick

"Sira!ay0ko lang ng napapagod ka, atsaka okay na talaga ako,ang OA niyo lang talaga"aniya

Pero nginitian lang siya ni Nick,di na rin siya nakiapagtalo dahil alam din niyang di naman siya mananalo

Lumipas pa ang isang linggo ay pinayagan na siya ulit magtrabaho, Araw araw din siyang sinusundo ni Nick, minsan nga napapaisip siya dahil parang nagbalik na yung dating Nick kung tratuhin siya nito ay parang katulad na rin ng datin

Madalas pikon nanaman siya sa pang aasar ni Nick sakanya

"Halika nga dito, nagsusungit ka nanaman"ani Nick saka siya kinabig nito at hinagkan siya sa noo, palabas sila sa isang cafe

Sinamaan lang niya ng tingin si Nick saka nagpatuloy sa paglalakad,lalo pa siyang nainis dahil sa mga babaeng halatang nagpapacute kay Nick

Mas binilisan niya pa ang lakad niya papalabas pero napahinto siya nang may tumawag sakanya

"Ara!"tawag ng isang lalaki sakanya

Di sana niya ito lilingunin pero pamilyar ang boses ng lalaki kaya napahinto siya pati si Nick

"Ara, Nick! Kumusta kayo?" Anang lalaki saka ito ngumiti ng malapad sakanila may kasama itong babae

Lihim siyang napailing dahil iba nanaman ang kasama nito, di pa rin pala ito tumitino babaero pa rin, halos isang taon na rin nung huli silang nagkita sa reunion pa nila

"Brandon! Okay lang naman kami ikaw?kayo kumusta?"nakangiti niyang wika

"Eto okay lang din, hinintay namin kayo nung reunion kala namin darating kayo"ani Brandon

"Busy kasi pasensya na kayo"sagot niya saka pilit na ngumiti

"Pero sana makarating kayo kahit sa fiesta saatin masaya din yun"nakangiting pahayag ni Brandon

"Ah, titignan namin kung pwede kami"sagot niya, sinulyapan niya pa ang kasintahan niya na tahimik lang na nakikinig

"Nick punta kayo ha, sama niyo ulit cla Niro at Aaron,nawala kasi yung phone ko kaya di na ako nakatawag kay Niro, pwede ko bang kunin na lang number mo Ara?"tanong ni Brandon

Sasagot pa sana siya pero nagulat siya nang biglang nagsalita ang katabi niya

"Here get mine, di niya kabisado ang number niya"wika ni Nick

Pagkatapos nilang mag usap ay nagpaalam na din sila biniro pa niya si Brandon tungkol sa iba nanaman na kasama niya pero tumawa lang ito

Nang nasa loob na sila ng sasakyan ay nagulat siya nang biglang magsalita si Nick

Beautiful but Heartless (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon