"Welcome to the Dead Game!"
The next thing I heard after the flat line of the ECG is that five words came from a man in his tuxedo and stick at sa pagmulat ng aking mga mata doon ko nalaman na hindi pala ako nag-iisa...
"Dead Game?" I asked.
"A game kung saan makikipagunahan ka para makuha ang katawan ng isang tao..." he answered joyfully.
Isang laro para makakuha ng katawan ng tao? Anong klaseng laro yun at bakit ko kailangang laruin ito?
"At sino namang tanga ang sasali sa larong ito?"
"Sino?" napakunot naman sya sa tanong ko at saka humarap sa mga tao sa paligid ko.
Napakadami nila, para akong nanunuod ng isang concert ng isang sikat na banda o singer sa dami ng tao o mas higit pa doon.
"Sya... sya... sya ... sya... sya... sila" isa-isa nyang tinuro lahat ng mga nasa palikod ko at pagkatapos ay humarap sya sa akin "at Ikaw"
"Ako?" I curiously asked again.
Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya, pinagmasdan ko ang mga tao sa paligid ko na nag-aabang sa kung anoman, ang ilan sa kanila ay nakaupo ang ilan naman ay hindi mapakali.
Sunod kong tiningnan ang sarili ko, suot ko padin naman ang damit na suot ko kanina, maliban sa hindi ko alam kung nasaan ako at kung papaano ako napunta dito, naaalala ko pa naman ang lahat sa pagkatao ko.
Isa ba itong panaginip? Ilusyon? O isang reality shows na patok na patok sa lahat ngayon? Pero mas maganda sanang isipin na panaginip lang ito...
"I don't understand you at saka sino ka ba?"
"I am the Dead Game Master and let me explain to you ang nangyayari ngayon sa paligid mo" magiliw nyang sabi na may halong pananakot na hindi ko maintindihan. Bahagya syang naglakad habang sumusulyap-sulyap sa akin.
Sinundan ko lang sya habang tumitingin sa mga paligid ko. Hindi ko kilala ang mga tao na naandito and based to what he said, I am in a Dead Game...
Dead Game...
Parang ayokon isipin kung anong klaseng laro ang napasok ko dahil kung ang mga salitang ito ang pagbabatayan ko, it is the game of the Dead.
"Lahat ng nakikita mo dito... lahat kayo... patay na, mga kaluluwa na naghihintay ng sintensya nila..."
"Ako? Patay na?"
Mas lalo yata akong naguluhan sa sinabi nya. Paano ako namatay at kung patay na nga ako, anong lugar ito?
"10 minuto na ang nakakalipas ng mamatay ka pero syempre, iba ang oras at panahon sa totoong mundo at ang tawag sa lugar kung nasaan ka ay Purgatoryo. Ito ang lugar kung saan naghihintay ang mga kaluluwa sa sintensya nila, kung pupunta ba sila sa langit o sa impiyerno. At habang naghihintay sila, isang laro ang nagaganap dito"
at iyon ang Dead Game...
Parang ang hirap iabsorb lahat ng ito sa maikling oras at tanggapin na lang ang lahat lalo na ang bagay na patay na ako.
"Bawat segundo, libo-libong katao ang nag-aagaw buhay at sa oras na iyon, humihiwalay ang kaluluwa nila sa katawan nila. Sa loob ng 10 minuto, lahat ng kaluluwa dito, mag-uunahan para makuha ang katawan na iyon. Kung sino ang mauna, may chance na mabuhay ulit at kung wala naman... mamamatay na ang taong iyon"
Chance na mabuhay ulit...
Kung ganon, parang reincarnation lang ang nangyayari. Namamatay ang katawang lupa ng tao pero hindi ang kaluluwa nito dahil lumilipat lang ulit ito sa katawan ng iba.
Dapat siguro, nakinig ako sa teacher ko nung highschool habang nagpapaliwanag sya tungkol dito.
"Ang mga kaluluwang nakikita mo, lahat sila ay gusto ulit mabuhay. Ang iba, para magbago at itama ang mga pagkakamali nila, gawin ang mga bagay na hindi nila nagawa ng buhay pa sila at ang iba ay para makagain ng yaman at kapangyarihan..."
Sunod-sunod at mahaba nyang paliwanag, somehow naiintindihan ko ang ibang bagay na sinabi nya, nonetheless, may mga tanong din ako na gustong masolusyunan at ang una na dyan...
Paano ako namatay?
"Kung ibang kaluluwa ang mauuna sa katawan nya, hindi ba parang pinatay na din nya ang taong iyon?"
Saglit syang nag-isip at humarap sa akin, pinapaikot nya ang crane sa bawat daliri nya at saka naglakad ng nakatiptoe.
"Hindi pagpatay ang pinag-uusapan natin dito dahil literally speaking, lahat kayo patay na at kung mauna ka man sa katawan nya, panigurado sa loob ng ilang segundo, gagawin nya din ang ginawa mo. Isa lang naman ang tanong dito..."
At bigla syang nawala sa harap ko, lumingon-lingon ako para makita sya at doon ko napansin na nasa ibabaw ko pala sya at malapad na nakangiti sa akin.
"Gusto mo ba ulit mabuhay?"
Hindi ko maintindihan ang naramdaman ko sa sinabi nya, excitement, kaba, saya at takot... halo-halong emosyon. May pagkakataon pa ako para mabuhay...
"Kung oo, then win the Dead Game at mabuhay ulit gamit ang katawan ng iba... at kung ayaw mo naman, then wait hanggang sa masintensyahan ka..."
Saglit akong natahimik at nag-isip sa sinabi nya saka muling humarap sa kanya.
Pagkakataon para mabuhay ulit...
"The choice is yours... are you ready to play the game of the DEAD?"
------------
**This is a work of fiction. The characters, organizations and events portrayed in this story are only products of the author's imagination. Any resemblance to an actual incident alive or dead is purely coincidental.
All rights reserved.
Dead Game © 2013
No part of this story may be REPRODUCED, DISTRIBUTED or TRANSMITTED without the author's consent. PLAGIARISM is a crime.**
BINABASA MO ANG
Dead Game
Mystery / ThrillerHe is dead. That's the first three words na sumalubong kay Rui ng magmulat ito ng mga mata but what surprise him more is that he was given a chance to have a second life by playing the Dead Game. Will he take this chance or will he accept that he al...