EPILOGUE:

18.3K 684 122
                                    

WELCOME TO THE DEAD GAME

RUI POV

Marami akong pinanghihinayangan sa buhay ko, gusto kong sisihin ang lahat kung anoman ang nangyari sa akin ngayon.

Pero sa bandang huli, mas sinisisi ko ang sarili ko dahil kung anoman ako ngayon at kung anong kinahinatnan ko, walang kinalaman doon ang ibang tao maliban sa sarili ko.

Lahat tayo alam ang bagay na yun pero ang problema, hirap tayong tanggapin ang katotohanan na tayo mismo ang may mali.

Kaya naman ng magkaroon ng pagkakataong mabuhay ulit ang isang tao, sino ba naman ako para tumanggi at hindi maglaro?

Unti-unti akong nagmulat at tumambad sa akin ang puting paligid. Hindi ko na maalala kung gaano na ako katagal sa lugar na ito pero kahit ganoon, kuntento na ako.

Kuntento na maging tagapagbantay ng mga pintuan na ito para hindi na ulit mangyari ang nangyari noon.

Wala na akong balita kung anong nangyari kay Owen at Cara, pero sigurado ako  na ok sila, na tanggap na din nila na wala na talaga ako.

Kahit papaano masaya ako na may mga tao parin na nakakaalala sa akin kahit maiksing panahon ko lang silang nakasama.

Hindi naman takot ang tao na mamatay, ang kinatatakutan nila ay yung posibilidad na makalimutan na sila ng lahat, na hindi pa nila natatapos kung anoman ang dapat nilang gawin.

Humarap ako sa milyun-milyong kaluluwa sa harap ko na nagaabang sa pagbubukas ng portal sa likuran ko.

Hanggang ngayon, hindi ko parin maisip kung papaano ko nagagawang bantayan ang mga ito at pigilan ang lahat na makapasok sa pintuan sa likod ko.

Ngumiti ako ng magpakita ang timer at bumukas ang isa sa mga pintuan. Agad akong humarang sa pintuan at pinagmasdan ang mga kaluluwa na nagbabalak pumasok dito.

“HAAAA!!! NASAAN AKO, ANONG LUGAR ITO?”

Napabaling naman ako sa taong biglang sumulpot sa di kalayuan sa akin. Isa na naman sa mga kaluluwa na dapat kong kausapin.

Mukha namang napansin nya ako at agad syang napaatras, natumba pa sya sa kinatatayuan habang gulat na gulat na nakatingin sa akin.

“SINO KA?”

Ngumiti ako at lumapit sa kanya saka iniabot ang kamay ko para tulungan syang makabangon.

“I am Rui Latorre, the Game Master”

Saka ako tumingin ulit sa mga kaluluwa na naguunahan ng tumakbo sa may pintuan habang nagtutulakan at nagsisigawan.

“and welcome to the Dead Game”

Dead GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon