Chapter 08: SECOND LIFE
RUI POV
"Sa oras na makakuha ka ng katawan, meron ka lang 24 hours para maalala ang lahat ng nangyari sa dati mong buhay at ang tungkol sa Dead Game maging ang purgatory. Pagkatapos noon, malilimutan mo na ang lahat at magiging ikaw na ang taong nakuhanan mo ng katawan..."
"Owen..."
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, ang bigat ng pakiramdam ko at parang nabugbog ang katawan ko. Parang ilang taon din akong natulog at ngayon lang nagising.
"Owen?"
Medyo maliwanag pa ang paligid ko at mga madidilim na image lang ang natatanaw ko sa paligid ko.
Sinubukan kong igalaw ang katawan ko pero hindi ko magawa kaya naman pinilit kong idilat ang mga mata ko.
Isang babae ang umiiyak sa harapan ko, sa tingin ko kaidaran ko lang sya. Medyo malabo pa ang paningin ko at hindi ko pa masyadong maintindihan ang mga sinasabi nila.
Humarap sa akin ang doctor at may flashlight na tinapat sa mata ko. Ganun din, yung daliri nya na iwinawagayway nya sa harapan ko.
"I think he is still in shock, pagpahingahin muna natin sya..."
"I'm fine D" sabi ko habang umiiling-iling dahil sa liwanag ng flashlight na direktang tumatama sa mata ko.
Nakakasilaw at parang sinusunog nito ang mata ko, masyado itong maliwanag para titigan pa ng aking mga mata.
"D?"
Ilang beses pa akong napapikit bago naging malinaw sa paningin ko ang lahat, nasa hospital ako, yun ang nakikita ko. Tiningnan ko ang mga tao sa paligid ko at...
Tao?
Nasa Dead Game ako at... ano bang nangyari?
Ang huling pagkakaalam ko ay ang tumatakbo ako at nakapasok sa portal kaya... napatigil ako sa pag-iisip.
Nabuhay ulit ako?
"I'm glad you're back..."
Bigla akong niyakap nung babae ng mahigpit, hindi ko alam kung papaano nangyari ito, pero nabuhay ulit ako at ang may-ari ng katawan na gamit ko ngayon ay walang iba kundi ang tinatawag nyang Owen.
"Ok ka lang ba? May masakit ba sayo? Tinawagan ko na ang parents mo at papunta na sila dito..."
Hindi ako nakasagot sa kanya, nakatitig lang ako sa namumula nyang mata dahil sa pag-iyak. Hindi ko parin maprocess ang mga pangyayari pero isa lang ang sigurado ako, nabuhay na ulit ako sa katawang ito.
BINABASA MO ANG
Dead Game
Mystery / ThrillerHe is dead. That's the first three words na sumalubong kay Rui ng magmulat ito ng mga mata but what surprise him more is that he was given a chance to have a second life by playing the Dead Game. Will he take this chance or will he accept that he al...