Chapter 07: REALITY
HOSPITAL
CARA POV
"Owen, gumising ka na, please naman oh..."
Hinawakan ko ang kamay nya, ilang araw na din syang walang malay at nakahiga lang sa kamang ito. Sabi ng mga doctor, machine na lang daw ang bumubuhay sa kanya pero kahit ganun, gusto kong panghawakan ang chance na mabubuhay pa sya kahit gaano man kaliit iyon.
Ibang-iba ang itsura nya ngayon, ang laki ng ipinayat nya... dati masayahin sya at friendly sa lahat. Everyone loves him...
Lagi ngang sinasabi ng lahat na he is the perfect guy...
But after that day, nagbago ang lahat...
Anniversary namin nun ni Owen, he promised me to meet sa lugar kung saan madalas naming puntahan. He rode his motorbike like he used to and before he realized it, nawalan ng break ang motor nya.
He had the accident and now he is in comma. Ang isa pang masakit, may nadamay sa aksidenteng yon at namatay.
I thought na makukulong si Owen but then, aksidente daw ang nangyari at wala ng kamag-anak yung namatay kaya naman idinismiss nila ang kaso, siguro dahil na din sa isang kilalang Scientist ang ama ni Owen...
"Owen..."
Mas humigpit pa ang hawak ko sa kamay nya, araw-araw akong pumupunta dito sa hospital at araw-araw din akong nabibigo sa pag-asa na magigising sya. Maging ang mga magulang nya,,. ayaw na akong papuntahin dito pero anong magagawa ko?
Hanggat naandito sya at nakikita ng mga mata ko... hanggat naandito sya at nahahawakan ko, hinding-hindi ko sya bibitawan at mawawalan ng pag-asa na magigising ulit sya, kahit abutin pa ng ilang taon, wala akong pakeelam.
Hihintayin ko sya...
Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari... Kung pwede ko lang sana ibalik ang nakaraan para iligtas sya at baguhin ang lahat para wala sya ngayon sa ganitong sitwasyon.
Kasabay ng pagpintig ng puso ko ang biglang pagtunog ng isang machine sa tabi nya.
Owen?
Biglang nagflat line ang ECG kaya naman din a ako nagdalawang isip at tinawag ko agad ang Doctor nya sa intercom.
"Owen..."
Hinawakan ko ang mukha nya, wag po muna... wag muna.
Bumukas ang pinto at pumasok ang mga nurse at doctor at saka inasikaso sya. May kung ano-anong ginagawa sa kanya habang ako ay nasa gilid at pinapanood sila.
Flat parin ang display kaya hindi ko maiwasan hindi kabahan...
"Owen please... wag mo muna akong iwan, please Owen... Owen..."
Nangako ka sa akin, hindi mo ako iiwan, wlang iwanan kaya please wag muna ngayon Owen...
Mabilis na pumatak ang mga luha ko at nanghina ang buong katawan ko. Pakiramdam ko babagsak ako kahit anomang oras sa nakikita ko ngayon.
Wag muna Owen...
Napapikit na lang ako ng biglang tumigil ang Doctor at nurse sa ginagawa nila at saka humarap sa akin...
"Owen..."
BINABASA MO ANG
Dead Game
Mystery / ThrillerHe is dead. That's the first three words na sumalubong kay Rui ng magmulat ito ng mga mata but what surprise him more is that he was given a chance to have a second life by playing the Dead Game. Will he take this chance or will he accept that he al...