CARA POV
"I'm sorry... I'm sorry... I'm sorry..."
Hindi ko na alam ang gagawin ko, please... wag nyong hayaang mawala si Owen sa akin.
Nakaupo ako sa bench sa labas ng Operating Room habang hinihintay na lumabas ang doctor mula sa loob.
Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari pero hindi ko sinasadya. He asked me to kill him but I cant... at hinding-hindi ko gagawin ang bagay na yun.
He tried to run away from me pero pinigilan ko sya, nag-away kami sa gilid ng highway at pilit ko syang sinundan, hindi ko maintindihan ang gusto nyang mangayri at ipagawa sa akin na para bang sinasabi nya na hindi sya si Owen, na hindi sya ang taong mahal ko. Hanggang sa hindi ko namalayan na mahahagip na pala ako ng sasakyan, before I knew it... he pulled me at sya ang nabangga.
Hindi pa sya magaling at ngayon, naaksidente na naman sya. Kung mawawala sya, hindi ko na alam ang gagawin ko... lagi na lang syang napapahamak dahil sa akin.
Ilang oras na ba akong naghihintay dito sa labas? Tinawagan ko na din ang mga magulang nya at anytime, alam kong darating sila.
"Cara...."
"Tita..."
Napabaling kami ng biglang bumukas ang pintuan at lumabas ang doctor mula dito. Tinanggal nya ang mask nya at saka lumapit sa amin.
Hindi ko gusto ang mga tingin nya, kinakabahan ako...
"Ginawa na namin ang lahat pero..."
"Hindi... hindi pwedeng mamatay si Owen..."
Nagsisinungaling lang sya, hindi pwedeng mamatay si Owen, nangako sya at alam kong tutuparin nya yun... hindi sya pwedeng mamatay..
"Ate Cara!"
Sinundan nila ako papasok sa operating room at pilit na hinihila palabas. Gusto kong makita si Owen, gusto ko syang makita... hindi ako naniniwala na wala na sya... hindi totoo ang lahat ng ito...
"Owen!!!"
"Doc!"
Sabay-sabay kaming napalingon sa nurse na lumabas sa operating room, bakas sa mukha nito ang labis na pagkagulat na may halong takot. Agad naman kaming napatakbo sa loob.
At doon nakita namin si Owen na biglang napabangon at humihinga ng malalim na para bang pagod na pagod ito at ngayon lang nagkaroon ng pagkakataong makahinga.
"Imposible..."
"Owen"
Agad kaming lumapit sa kanya at yumakap. Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari pero masaya ako at buhay sya, buhay sya.... tinupad nya ang pangako nya.
"Ru-i..."
"Owen, may masakit ba sayo? Anong nararamdaman mo?"
"Ru-i..."
Rui? Sino si Rui? Ang alam ko lang na Rui ay yung taong nadamay sa aksidente nya at namatay, bakit nya hinahanap ito?
"Wala na si Rui, patay na sya Owen"
Umiiling si Owen at saka pilit na humahawak sa balikat ko para makatayo. Pagod na pagod parin sya at alam ko, anomang oras, bibigay na ang katawan nya.
"Hindi... hindi pa patay si Rui... sa Dead Game.." bago pa nya tuluyang natapos ang sasabihin nya ay bumagsak na ang katawan nya at tuluyan na syang nawalan ng malay.
"Pakiusap, lumabas po muna kayo, ichecheck namin ang kondisyon ng pasyente..."
Wala naman kaming nagawa kundi ang lumabas at sundin ang sinabi ng doctor. Napalingon ulit ako sa pintuan bago ito tuluyang sumara.
Anong ibig nyang sabihin doon? Buhay si Rui? At ano ang Dead Game?
RUI POV
"Welcome to the Dead Game, Game Master"
Nakakuyom ang palad nya at alam ko, malapit na nya akong suntukin, pero sa halip na gawin nya ito.... itinulak nya ako ng malakas. Mabuti na lang at nasalo ako ni D. kung hindi, baka sa sahig ako bumagsak.
Ngayon malinaw na sa akin ang lahat... ang pananatili nya dito ng matagal, ang dahilan kung bakit hindi pa sya nasesentensyahan.... alam ko na ang dahilan nun.
"That body is mine Rui, at hindi ako papayag na makuha mo iyon..."
Biglang nagbago ang expression nya ngayon, kung nung una... masayahin sya at parang naglalaro lang... ngayon, para syang isang baliw na handing pumatay anomang oras...
Nalaman na ng lahat ng sikreto nya at wala na syang ligtas...
"Hindi lang ako ang kalaban mo sa larong ito.... Kundi lahat ng taong pinaglaruan mo..." saka sya tumingin sa mga kaluluwa sa paligid nya na lahat ay nakatingin sa kanya.
Kung meron mang isang bagay na makakapagpatapos ng larong ito, iyun ay ang makuha ang katawan ng mismong creator ng laro.
"So this is one against all of you... sa tingin nyo ba kaya nyo ako? Ako ang Game Master Rui, hawak ko lahat ng mangyayari sa lugar na ito!" saka sya tumawa na umeecho sa buong lugar habang kami ay nakatitig lang sa kanya.
Tama sya... pero hindi ibig sabihin nun, wala kaming pwedeng gawin. Hindi ako babalik dito kung alam kong matatalo lang din ako sa larong ito.
"Ikaw na ang nagsabi, this is a game at sa isang laro... lahat pwedeng mangyari..."
Natahimik sya sa sinabi ko at napakagat sa labi nya. Nakita ko pa ang pagtulo ng dugo mula dito, saka sya tumawa ulit ng malakas bago seryosong tumitig sa akin,
"then let's play..."
BINABASA MO ANG
Dead Game
Mystery / ThrillerHe is dead. That's the first three words na sumalubong kay Rui ng magmulat ito ng mga mata but what surprise him more is that he was given a chance to have a second life by playing the Dead Game. Will he take this chance or will he accept that he al...