OWEN POV
Ang bigat ng pakiramdam ko at parang namamanhid ang mga paa ko. Pakiramdam ko, napakalayo ng tinakbo ko at nahulog ako sa isang napakalilim na lugar at ngayon lang nagising...
Wala akong maalala sa mga nangyari, parang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko at ngayon lang nakabalik.
"Owen, please gumising ka... Owen"
Nakaramdam ako ng mahigpit na pagkapit sa kamay ko at ang patak ng kung ano sa mukha ko... mga luha...
"Cara"
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, napakaputi ng paligid ko at kung sino-sino ang mga nakikita ko dito na pawang nakatingin sa akin.
"Thank God..."
Bigla nya akong niyakap at mas lalo pang lumabas ang mga luha nya. Pinilit kong iangat ang kamay ko para yakapin din sya pero hindi ko magawa, nakakabit parin ang dextrose sa kamay ko at mas lalo lang nitong pinapabigat ang pakiramdam ko.
"Nasaan ako? Anong ginagawa ko dito?"
"Wala ka bang naaalala?"
Naaalala? Ang alam ko lang, papunta ako sa tagpuan namin ni Cara para sa anniversary namin ng bigla akong mawalan ng control at natumba.
Wala talaga akong maalala pagkatapos noon, ilang lingo na rin akong nagpapahinga sa bahay ng makaalis ako sa hospital pero hanggang ngayon, iniisip ko parin ang mga sinasabi nila sa akin.
"Bakit?"
Nang minsan napansin ko ang sobrang pagbabantay nila sa akin, maging ang mga tingin nila na para bang may gagawin akong hindi tama.
"Gusto lang naming makasiguro na hindi ka tatakas..."
"Hindi ko po gagawin yun..."
Bakit naman ako tatakas? Kasama ko na si Cara at ang pamilya ko, wala akong nakikitang dahilan para gawin yon.
"Yun din ang akala ko pero ginawa mo..."
"Kung may kailangan ka, tawagin mo na lang kami ha... mahina pa ang katawan mo"
Ginawa ko ang bagay nay un? Kailan at bakit? Bakit hindi ko maalala? Ano ba talaga ang nangyari sa akin pagkatapos ng aksidenteng iyon?
Napaupo ako sa kama ko habang nakatitig parin sa kawalan. Kailangan kong magpahinga at magpalakas, malapit na ulit ang pasukan, kailangang ibalik ko sa dati ang lahat, sa normal.
Napakunot ang noo ko ng mapansin ang isa sa mga notebook ko na parang nagalaw. Sigurado ako na maayos lahat ng gamit ko kaya nakakapagtaka na parang nakasingit lang ito.
Tumayo ako at kinuha yung notebook, bago pa ito at walang sulat maliban lang sa isang page.
Owen,
Ano ito? Alam ko walang sulat ang notebook na ito, ang sulat pang ito... ay sulat ko mismo...
Hindi kaya nakalimutan ko lang? Pero bakit ko naman susulatan ang sarili ko? Pinagmasdan ko ulit ang sulat, walang duda na sulat kamay ko ito...
Alam ko na maguguluhan ka sa kung ano man ang mababasa mo dito...
Ako ay ikaw at ikaw ay ako...
Namatay ako sa isang aksidente at napunta sa purgatory... doon nakita ko ang iba pang mga namatay na na naghihintay ng sintensya nila, kung mapupunta ba sila sa langit o impiyerno. Noong una, hindi ako naniwala ditto, iniisip ko na isa lamang itong bangungot, isang ilusyon hanggang sa makilala ko ang Game Master at malaro mismo ang Dead Game.
Dead Game, isang laro kung saan maguunahan ang mga kaluluwa para makakuha ng katawan at magkaroon ng pagkakataong mabuhay ulit. Isang laro na kahit ako, hindi ko gugustuhing laruin...
Pero ginawa ko, naglaro ako at nanalo at ang katawang nakuha ko, ay walang iba, kundi sa iyo...
Teka, ang katawan ko? Nakuha nya dahil sa Dead Game? Imposible, kalokohan ito...
Kung nakuha nya ang katawan ko, anong nangyari sa akin? Namatay ako? Pero papaano ulit ako nabuhay?
Hanggang sa maalala ko ang sinasabi ng lahat tungkol sa akin, na patuloy paring gumugulo sa isipan ko.
"Wala ka ba talagang naaalala?"
"I'm sorry Owen, please... gumising ka na"
"Gusto lang naming makasiguro na hindi ka tatakas..."
"Hindi ko po gagawin yun..."
"Yun din ang akala ko pero ginawa mo..."
Kung ganun, ng mga oras na iyon... Hindi ako ang nasa katawan ko kung hindi ang taong nagsulat nito.
Nagising ako na nasa loob ng katawan mo, hindi ko kilala ang mga nasa paligid ko o ang pamilya mo pero pinaramdan nila sa akin ang isang bagay na matagal ng wala ako.
Isang katotohanan din ang nalaman ko tungkol sa pagkamatay ko pero hindi sapat yun para kuhanin ko ang isang bagay na para talaga sayo. Kung meron mang isang tao na dapat mawalan ng karapatang mabuhay, hindi ikaw iyon.
Kaya ibinabalik ko na ang lahat sayo..
Sigurado ako na hindi mo na maaalala ang lahat ng iyon pag gising mo at hindi din ako umaasa na papaniwalaan mo ang sulat na ito.
Dapat ko bang paniwalaan ang bagay na ito? Pero wala akong nakikitang dahilan upang hindi, in fact... masasagot pa nito lahat ng tanong ko pero... napakahirap paniwalaan...
Impossible...
Owen, pinapatawad na kita...
Wag mong dalhin sa konsensya mo ang pagkamatay ko... dapat pa nga ay magpasalamat ako sa iyo dahil narealize ko ang mga bagay na wala ako noon.
Sa sinabi nyang iyon, doon ako mas lalong nagulat. Ako ang nakapatay sa kanya? Pero papaano...
Nung naaksidente ako--- pero imposible, imposible ang lahat ng ito, imposibleng mangyari lahat ng ito.
Natumbba ako sa mismong kinatatayuan ko at tinitigan ang notebook na kanina lang ay hawak ko.
Salamat sa chance na binigyan mo ako ng pamilya kahit sa maikling panahon lang... alagaan mo silang lahat pati na si Cara.
Hindi ko alam kung magkikita pa ulit tayo pero alam ko na sa oras na mangyari iyon, mararamdaman ng sarili mo at makikilala mo kung sino ako.
Rui
Pinulot ko ang notebook saka tumayo. Kalokohan ito, baka may nagprank lang o kaya wala lang magawa ang taong nagsulat nito.
Pero ang sulat kamay ko...
Gusto kong malaman ang totoo, pero alam ko na tanging isang tao lang ang makakasagot nun.. Si
"Rui..."
*Reference sa letter, Chapter 11: What is left kung saan pumasok si Rui sa kwarto ni Owen at kumuha ng notebook saka nagsulat.
BINABASA MO ANG
Dead Game
Mystery / ThrillerHe is dead. That's the first three words na sumalubong kay Rui ng magmulat ito ng mga mata but what surprise him more is that he was given a chance to have a second life by playing the Dead Game. Will he take this chance or will he accept that he al...