Chapter 20: COMEBACK

12.4K 446 26
                                    

CARA POV

“Teka lang guys, medyo magulo na kasi yung sinasabi nyo…”

Hindi ko na maintindihan kung anong pinaguusapan nila. May sinasabi sila about sa Dead Game, some certain rules at si Rui.

Si Rui na nadamay at namatay dahil sa pagkakaaksidente ni Owen. Pero teka, ang sabi ng lalaking ito, sya daw si Rui, paano nangyari yon?

“Alam ko mahirap paniwalaan ito Cara…”

Tumingin ako kay Owen, hindi parin nawawala ang ngiti sa labi nya. Para syang may bagay na natuklasan sa itsura nya.

“Totoo ang Dead Game, isa yung laro kung saan ang mga kasali ay ang mga taong namatay na. Nakikipagunahan ang kaluluwa nila para makakuha ulitt ng bagong katawan at mabuhay ulit…”

Teka, sinasabi ba nya na pwede pang mabuhay ang taong namatay na? Magulo yata yun.

“Naalala mo ba nung mag-agaw buhay ako? Umalis ang kaluluwa ko sa katawan ko at sa mga oras na yun, may ibang kaluluwa na nakakuha ng katawan ko” saglit na tumigil si Owen saka bumaling dun sa katabi nya.

“Si Rui, si Rui ang nakakuha ng katawan ko. Nung mga panahon na sinasabi nyo na tumakas ako, ng maaksidente ulit ako, hindi talaga ako yun, si Rui yon”

Si Rui? Teka, pinagtritripan ba ako ng dalawang ito? Pero hindi iyun ang ugali ni Owen at hindi rin sya ang tipo ng tao na magsisinungaling pero…

Rui Latorre, sya ba talaga ang kasama ko nung mga oras na yun? Kaya ba nya nasabi na ibabalik nya sa akin si Owen? Kaya ba gusto nyangg mamatay para makabalik ang kaluluwa ni Owen sa katawan nito?

Imposible... kalokohan lahat ito.

“Alam ko, mahirap paniwalaan pero hindi ka naman naming pipilitin dahil maging ako, hindi parin makapaniwala sa mga nangyayari” yung lalaki na kasama naming na nagpakilalang si Rui.

“Teka, kung ikaw si Rui, kaninong katawan ang gamit mo?”

Napabaling kami pareho ni Owen sa kanya, kung totoo nga ang sinasabi nila, namatay na ang taong ito at nakuha lang ni Rui ang katawan nya. Isang bagay pa, may kinalaman ba yung rules na sinasabi nila kaya wala silang maalala sa mga oras na ibang kaluluwa ang nasa katawan nila?

“Sa Game Master…” pabulong na sagot nito.

Game Master ng Dead Game? Ok ah, mukhang kinacareer talaga nila itong bagay na ito at may game master pa. Tiningnan ko ang reaksyon ni Owen, napakunot noo ako ng makitang gulat na gulat sya ta parang kinakabahan.

“Then the Game Master is dead…”

“I presume…” ngumiti  sa amin yung lalaki saka inayos yung pagkakasabit ng bag nya sa balikat nya.

Dead GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon