OWEN POV
Ang gaan ng pakiramdam ko… para akong nakalutang at bagong gising lang mula sa mahabang pagkakaidlip.
Ang naaalala ko, papunta ako ngayon sa usual place namin ni Cara para sa anniversary naming dalawa.
Nagmamadali ako nun, hawak ko pa ang bouquet na binili ko para sa kanya. Sigurado akong hinihintay na nya ako…
Malapit na ako Cara…
“Bata… gising… gising…”
Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at isang lalaki na may malaking party hat at nakagloves ang nakatayo sa harapan ko. Puting-puti sya katulad ng isang clown at ang lawak ng ngiti nya.
Bakit may clown sa lugar na ito?
“Nagising ka din” bahagya syang lumayo sa akin kaya naman agad din akong tumayo.
Lumingon ako sa paligid ko at nakita ko ang napakaraming tao na nagkukumpulan at nagmamadaling pumasok sa parang kahon na yon.
Nasaan ako?
“Welcome to the Dead Game”
Napalingon ako bigla sa lalaking nagsalita.
“Dead Game?”
“A game kung saan makikipagunahan ka para makuha ang katawan ng isang tao…” masaya nyang sagot.
“At sino namang tanga ang sasali sa larong ito?”
“Sino?” napakunot naman sya sa tanong ko at saka humarap sa mga tao sa paligid ko.
“Sya… sya… sya … sya… sya… sila” isa-isa nyang tinuro lahat ng mga nasa palikod ko at pagkatapos ay humarap sya sa akin “at Ikaw”
“Ako?” I curiously asked again.
“Déjà vu!”
Bigla syang sumigaw at nagtatalon na hindi ko maintindihan. Inikot-ikot pa nya ang baston na hawak nya at bago ko pa namalayan, nakalapit na sya agad sa akin.
“May isang kaluluwa na din na nagtanong at nagsabi ng mga sinabi mo…”
Hindi ko talaga sya maintindihan? Kaluluwa? Dead Game? Nasaan ba talaga ako at sino ang mga taong ito?
“I am the Dead Game Master at lahat ng nakikita mo dito… lahat kayo… patay na, mga kaluluwa na naghihintay ng sintensya nila…”
BINABASA MO ANG
Dead Game
Mystery / ThrillerHe is dead. That's the first three words na sumalubong kay Rui ng magmulat ito ng mga mata but what surprise him more is that he was given a chance to have a second life by playing the Dead Game. Will he take this chance or will he accept that he al...