Chapter 03: HOPE
"Game Over"
Nakatitig lang ako sa kanya habang unti-unti syang pumapasok sa loob ng portal. Nakasubsob parin ako sa floor habang tumatayo naman yung Doctor...
Dahan-dahan syang humahakbang papasok dito habang nakangiti. Sa loob lang ng ilang sandali, makukuha na nya ang katawan ng president na hindi namin nagawang protektahan.
Napapikit ako...
Ayokong makita ang susunod na mangyayari... parang hindi ko maisip na ang pinakamakapangyarihang pinuno sa mundo, ay magiging isang katulad nya lang.
"Look!"
Napaangat naman ako ng tingin at tumingin sa lalaking papasok na ng portal at nagulat ako sa mga sunod kong nakita...
"Huwaahhhh!!!"
Tiningnan ko sya, isang malaking bilog ang nasa ilalim nya na pilit syang hinihila pababa...
Nagtabihan lahat ng mga kaluluwa na malapit sa kanya.
"Hindi... hindi, ayoko! Ayoko pa!" patuloy parin sya sa pagkapit sa kung sino man ang makapitan nya at pilit na inaangat ang sarili nya "tulungan nyo ako, ayoko pa! Ayoko!!!"
Just when I thought na may chance na ulit syang mabuhay, bigla syang sinentensyahan mapunta sa impiyerno. Tumayo ako at bahagyang lalapit sa kanya pero may pumigil sa akin.
"Wala ka ng magagawa... oras na nya" ang Game Master.
Pinapanuod nya lang ito habang unti-unting hinihila pababa sa kinatatayuan nya. Maririnig mo din ang masakit sa tengang ingay ng kuko nya na kumukuskos sa sahig at ang duguan nyang daliri dahil sa pagpilit nyang iangat ang sarili nya.
"Haaaahhhh!!!"
Iyon na ang huling sigaw na narinig ko sa kanya dahil sumarado na agad ang malaking butas sa lugar nya.
Tiningnan ko ang portal at may ibang kaluluwa ng nauna dito.
How much time do I still have para manalo sa larong ito? Sa dami ng kaluluwa dito, may pag-asa ba talaga ako?
Ano bang iniisip ko, kanina lang sinasabi ko na kalokohan ang lahat ng ito pero matapos ng nakita at ginawa ko, nagbago na ba agad lahat ng iyon?
Pagkakataong mabuhay...
"Tapos ka na ba magmukmok?" yung doctor.
Hanggang ngayon, hindi ko parin alam ang pangalan nya, pero sa tingin ko useless na din kung malaman pa namin ito.
Hindi ko sya sinagot at nanatili lang akong tahimik sa kinalalagyan ko habang pinagmamasdan silang lahat. Hindi ko na alam kung ano ba ang gusto kong gawin o paniwalaan sa oras na ito.
Sana hindi na lang ako nagkaroon ng choice para hindi ko na kailangang magdesisyon...
Ilang beses pang nagbukas ang portal at hindi ko na alam kung sino pa ang nabigyan ng pagkakataon para mabuhay.
"Kung pinanghihinaan ka na ng loob, ngayon pa lang sinasabi ko na sayo, hintayin mo na lang ang sintensya mo" seryoso syang nakatingin sa akin.
"Bakit gusto mo ulit mabuhay?"
Bahagya lang syang ngumiti sa akin, "May mga bagay na hindi pa natin mapapaliwanag sa ngayon pero ang mahalaga, alam mong tama ang ginagawa mo. Kung hindi ka masaya sa dating ikaw, bakit hindi mo subukang magbago sa susunod na buhay mo?"
Bigla naman akong napangiti sa sinabi nya, parang kilalang-kilala nya ang pagkatao ko para masabi ang bagay na iyon.
Tama sya...
Hindi ito ang oras para magmukmok ako, kung hindi ko pa alam ang dahilan, hahanapin ko yun once na nabuhay ulit ako.
Hindi ito ang huling beses na magsasara ang portal. Hanggat hindi pa ako nasisintensyahan, may pag-asa pa ako na muling mabuhay.
Napaupo ako sa kinatatayuan ko at napahawak sa pisngi ko. Nasuntok nga pala ako kanina, pero iba yung pakiramdam ko. Siguro dahil... patay na din naman ako.
Kung may mas madali lang sanang paraan para manalo sa larong ito, gagawin ko pero mukhang lahat ng naandito, umaasa lang sa tsamba o swerte na makakapasok sila sa portal.
"Hindi ba mas maganda kung magtutulungan tayo?"
"It's a good idea kung alam natin ang oras na natitira natin dito sa purgatory"
Tama sya... ang hirap magplano o kumilos gayong hindi mo alam kung ilang oras na lang ang natitira sayo, katulad ng nangyari sa Vince na yon.
Tumingin ako sa paligid ko, ganun at ganun parin ang nangyayari... may sinisentensyahan at meron din namang nag-uunahan ulit sa portal at pakiramdam ko, mas lalo kaming dumadami sa lugar na ito dahil sa mga kaluluwang dumating na kinakausap pa ngayon ng Game Master.
Muling nagbukas ang portal kaya naman napatayo ako at inabangan kung sino o kaninong katawan ang pag-aagawan ngayon.
This time, sigurado na ako... ipapanalo ko ang larong ito. Naikuyom ko ang kamay ko ng makita ang katawan sa loob nito,
Isang bata?
BINABASA MO ANG
Dead Game
Mystery / ThrillerHe is dead. That's the first three words na sumalubong kay Rui ng magmulat ito ng mga mata but what surprise him more is that he was given a chance to have a second life by playing the Dead Game. Will he take this chance or will he accept that he al...