OWEN POV
Masyadong mabilis ang mga pangyayari na kahit ako hindi ko maintindihan. Ilang segundo din naming pinagmasdan yung si Shin pero hindi ito gumagalaw.
Talaga bang napatay ko sya?
Hindi ko maiwasang hindi kabahan lalo na at kasama ko si Cara ngayon, possible kayang maulit yung nangyari noon kay Rui?
Teka, kumalma ka Owen, hindi ito ang tamang oras para magpanic ka. Isipin mo, kung nahulog man sya, hindi sya pwede agad mamatay… dadan pa sya sa Dead Game…
Dead Game…
Kung totoo man yun, possible na si Shin parin ang nasa katawan na ito o posibleng ibang tao na.
Gusto ko syang lapitan pero bakit ganito ang pakiramdam ko? Kinakabahan ako sa kung sinoman ang taong nasa harapan ko ngayon.
Biglang gumalaw si Shin at humigpit ang kapit ko sa kamay ni Cara, hindi… hindi na sya si Shin. Sya ang…
“Game Master”
“Bingo!”
Umayos sya ng pagkakatayo habang napapaatras naman kami ni Cara, may dugo pa sya sa ulo nya pero mukhang hindi nya iniinda ang bagay na yun.
“Now tell me, nasaan si Rui? Alam ko na alam mo kung nasaan sya…”
Rui? Isang Rui lang ang kilala ko, kung ganun si Gelo ang kailangan nya... Sabi sa amin ni Gelo na sya si Rui at ang katawan na gamit nya ay sa Game Master, ibig sabihin... ang nasa harapan ko ngayon ang totoong Gelo Quinterro.
“Anong kailangan mo sa kanya?”
Obvious na Owen ang sagot sa bagay nay un, imposible naman na hinahanap nya lang si Rui para makipagkita dito…
“Kung ganun, alam mo nga kung nasaan sya...”
Ngumiti sya at saka hinawakan ang ulo nya at pinahid ang dugo dito.
“Babawiin ko lang kung ano ang sa akin, babawiin ko sa kanya ang katawan ko…”
Sinasabi nya ito na parang isnag napaka casual lang na bagay. Hindi na ito ang oras para mag-isip pa ng kung ano-ano, kung naandito ang Game Master para sa katawan nya, isa lang ang pwede naming gawin.
“Cara, takbo!”
THIRD PERSON POV
Nalilito man ay gianwa parin ni Cara ang sinabi ni Owen. Mabilis silang tumakbo papalyo habang magkahawak ang kamay, gusto man nyang lumingon ay hindi na nya magawa dahil sa bilis ng takbo nila.
BINABASA MO ANG
Dead Game
Mystery / ThrillerHe is dead. That's the first three words na sumalubong kay Rui ng magmulat ito ng mga mata but what surprise him more is that he was given a chance to have a second life by playing the Dead Game. Will he take this chance or will he accept that he al...