Chapter 19: THREE OF THEM

13.4K 477 22
                                    

Chapter 19: THREE OF THEM

OWEN POV

First day of school na naman, after ng lahat ng nangyari, hindi ko alam kung magiging normal pa ito katulad ng dati.

Susunduin ko sana si Cara sa bahay nila pero mukhang mas maaga pa sya sa akin kaya naman dito na kami magkikita kaso, kanina ko pa sya hinahanap wala sya.

Magsisimula na ang orientation pero hindi ko pa sya nakikita. Napagdesisyunan kong pumunta sa East Wing tutal doon din naman ang room nya at tama nga ako, naandoon sya.

“Cara, kanina pa kita hinahanap…”

Napatigil ako ng makita ang isang lalaki, pamilyar sya sa akin pero hindi ko alam kung saan kami nagkita, pakiramdam ko, kilala ko sya.

“Tara na…”

Hindi ko napansin ang paglapit ni Cara sa akin, ngumiti na lang ako sa kanya at saka naglakad na kami papalayo.

Sino kaya sya?

Hindi talaga ako mapalagay, alam kong kilala ko sya pero bakit hindi ko maalala? Alam kong nakita ko na sya, pero saan at kalian?

“Owen, may problema ba?”

Umiling lang ako kay Cara at ngumiti ulit. Malapit na kami sa soccer field kung saan nakapila na ang iba pang mga estudyante.

“Naranasan mo na ba yung pakiramdam na parang nakita mo na yung isang tao o nakasama na pero in fact, ngayon mo lang sya nakita?”

“Oo, madalas… bakit?” sagot nya habang patuloy sa paglalakad at hindi tumitingin sa akin.

Kasalubong namin ang mga estudyante na nagmamadali na din sa pagpila, sa di kalayuan naman may mga grupo ng frat na pinagkakaisahan yung mga bagong salta.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad ni Cara. Hindi parin mawala sa isip ko yung lalaki kanina.

“Para kasing nakita ko na sya noon…”

Binilisan ni Cara ang lakad nya saka tumigil sa harapan ko at napakunot ang noo nya habang nakatitig sa akin.

“Sino? Yung nakabanggaan ko kanina?” tumango ako sa kanya.

“Baka naman nakita mo na talaga sya o nakausap mo na...“

“Sa tingin mo…?”

Saglit kaming napatigil at tiningnan nya ako, hinawakan nya ang kamay ko saka ako hinila papunta sa field.

“Malay mo din naman, magkakilala pala kayo sa previous life nyo…”

Dead GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon