Chapter 06: 10 MINUTES

15.4K 555 11
                                    

Chapter 06: 10 MINUTES

Umaayon lahat sa naiisip ko, ilang sandali na lang ay tatakbo na ako papalapit sa portal, at may sampung minute lang ako para mauna sa lahat.

"D"

"D?"

Napaharap sa akin ang doctor at hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Ito ang kauna-unahang beses na gumaan ang pakiramdam ko sa lugar na ito since tumama nga ang prediction ko.

"I will call you D since hindi ko alam ang pangalan mo..."

Napangiti naman sya sa sinabi ko, D short for doctor. Hindi na rin naman importante kasi kung malalaman ko pa ang pangalan nya pero mahirap din naman kung wala akong itatawag sa kanya.

"Watch me... I'm gonna win this"

Nagtaka sya sa sinabi ko pero ngumiti lang ako sa kanya. Bumukas na ang panglimang portal at napaharap ako sa uanng portal kanina na nagbukas.

Dahan-dahan akong naglakad papalapit dito, limang minuto at magbubukas na din ang portal na ito, sampung minuto itong nakabukas at iyon ang chance ng lahat na mag-unahan sa katawan nito.

Pasimple lang akong naglalakad papalapit dito, limang minuto lang at maya-maya nasa unahan na ako nito. Kahit hindi na matapos ang sampung minute basta ang importante ay ang makalapit ako agad dito...

Konti na ang, malapit na...

Napapangiti ako habang naaaninag ko ang pagtaas ng portal, ilang sandali na lang...

Kung pwede ko lang sana na takbuhin na yon pero kapag ginawa ko yon, baa maagaw ko ang atensyon ng lahat. Mas tuluyan akong napangiti ng bumukas na ang portal...

"Paano sya nakapunta agad doon?"

Napatigil ako sa paglalakad at nakita ang isang lalaki na dumaan sa tabi ko na nakangiti at tumatakbo papalapit sa portal.

Shit!

Yung kaninang kalmado kong paglalakad, unti-unting napabilis at napatakbo na ako. Akala ko ako lang ang nakapansin ng pattern nay un... hindi, baka kanina pa nya ako inoobserbahana kaya nya nalaman...

Shit!

Kinakabahan na ako, nasira ang plano ko... mas nauuna na sya sa akin ngayon, ilang sandali pa...

Relax Rui... mag-isip ka. May sampung minute ka pa... shit! Bakit hindi sumagi sa isip ko ang bagay na ito?

"Rui!!!"

Napalingon ako sa likod ko habang patuloy parin ako sa pagtakbo. Si D, nasa likod ko na sya, paanong-?

Napansin nya rin siguro ang plano ko at agad na tumakbo papalapit sa akin. Tumingin ako sa harapan, mahaba pa ang oras at nauuna kami s alahat pero malapit na ang isang yun sa portal.

Anong gagawin ko? Ito lang ang chance na meron ako at alam kong mapapnsin na din ng iba ang strategy na ito kung hahayaan ko syang mauna at pumunta na lang sa susunod na portal.

"Keep running!"

Napailing ako sa sigaw ni D at nagpatuloy sa pagtakbo... pakiramdam ko napakalayo ng portal kahit sobrang lapit na nito.

Konti pa at maaabutan ko na sya...

Konti pa...

"Ah..."

Natumba ako at napasubsob ng may biglang tumakle sa akin. Hindi ko alam kung sino ito pero nakalayo na agad yung lalaki. Malapit na din sa akin si D.

Pinagtatapakan ko yung lalaki na tumakle sa akin hanggang sa makawala ako at naaninag ko si D sa may likuran ko.

Iniabot nya ang kamay nya na syang tinugon ko, bigla syang tumigil sa pagtakbo at buong lakas akong inihagis papunta sa direksyong ng portal.

Dahil sa ginawa nya, mabilis akong nakaabot sa lalaki at halos magkatapatan na kami ngayon, hindi ko na maaninag si D dahil nagsuguran an din ang mga kaluluwa papunta sa amin.

Napayuko ako ng suntukin ng lalaking ito, inulit nya ng inulit ang pagatake habang tumatakbo habang ako ay walang magawa kundi ang iharang ang kamay ko sa kanya.

Hahawakan nya sana ako pero agad kong sinanggi ang kamay nya, at gamit ang parehong kamay, hinawakan ko ang ulo nya kung saan ang blidspot ng isang tao at saka isinubsob ang mukha nya sa sahig.

Nagginulong naman sya at nahirapan ng tumayo, naririnig ko na din ang hiyawan ng mga kaluluwa sa likod ko.

Kaunti na lang... malapit na.

Napatigil ako ng maramdaman ang pagtapak ng paa ko sa portal at saka lumingon sa kanila kung saan naaninag ko na si D na nakangiti sa akin.

"I won"

Dead GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon