GELO POV
“RUI”
Napalingon ako kina Owen at Cara na nasa kabila lang ng kalsada. Balisang balisa sila habang sumisigaw ngunit dahil sa ingay ng mga sasakyan hindi ko maintindihan ang sinisigaw nila pero may tinuturo sila sa kabilang direksyon.
“Gelo, takbo!”
Napalingon ako at nakita ang isang lalaki na tumatakbo papalapit sa akin. Tumalon sya sa akin at pilit akong sinasakal.
“Rui!”
Rui? Tinawag nya akong Rui kung ganun dumaan din sa Dead Game ang taong ito pero bakit gusto nya akong patayin?
Hindi kaya sya ang Game Master?
Pinilit kong magpapadyak at ihampas sa kanya ang bag ko saka tumayo. Napabitaw naman sya ng mahampas ko ang ulo nya at dumugo ito.
“Gelo!”
Hinawakan ako ni Owen at Cara at saka hinila papalayo dun sa lalaking sumugod sa akin.
“teka, ano bang nnagyayari?”
“He’s the Game Master at gusto nyang makuha ang katawan na yan”
Ang katawan ko, hindi, katawan nya ito at binabawi nya lang. Kung ganun, nanalo din pala sa laro ang Game Master.
Agad kaming tumakbo papalayo sa kanya hanggang sa hindi na naming sya makita. Pumasok kami sa siang eskenita pagkatapos ay tumigil sa may tulay.
Mamamatay ako sa habol hininga na ginagawa ko ngayon.
“Go home”
Napalingon ako kay Owen na binitawan si Cara. Alam naming pareho ni Owen na mas mapapahamak sya kapag sumama sya sa amin. Ako ang target ng Game Master at ang idamay sila sa gulong ito…
“Hindi, Owen…”
Yumakap ito sa kanya pero agad din sya nitong inilayo.
“Kailangan kong tulungan si Rui… 24 hours ang kailangan bago makalimutan ng isang kaluluwa ang lahat ng tungkol sa Dead Game, kailangan lang natin palipasin ang oras na yun…”
Sa oras na matapos ang buong araw, makakalimutan na nya ang lahat ng tungkol sa kanya, sa Dead Game at ang katawan na ito.
“Sasama ako…”
Nagpumilit parin ito at humawak kay Owen pero hindi namin sya maaaring isama. Sorry Cara, pero ito ang tamang gawin, sa ngayon.
Lumapit ako at tinanggal ang pagkakahawak ni Cara kay Owen.
BINABASA MO ANG
Dead Game
Mystery / ThrillerHe is dead. That's the first three words na sumalubong kay Rui ng magmulat ito ng mga mata but what surprise him more is that he was given a chance to have a second life by playing the Dead Game. Will he take this chance or will he accept that he al...