Chapter 24: GAME OVER

10.7K 401 18
                                    

GAME MASTER POV

I won…

Makukuha ko na ang katawan ko, makukuha ko na ang para talaga sa akin. Ilang taon ko ding hinintay ang pagkakataon na ito at ngayon, nangyari na ang bagay na iyon.

I won the Dead Game at natalo ko si Rui.

Naririnig ko pa ang pagtunog at ECG at ang ingay ng doctor at nurse sa paligid, kung ganon… nasa hospital pa ako. Pero hindi na importante yon, nabawi ko na ang katawan ko.

Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko, masyadong maliwanag dahil nakatutok sa akin ang ilaw. Medyo masakit at nakakasilaw pero ayos lang iyon.

Nakita ko ang lahat na nakatitig sa akin suot ang puting damit nila. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Finally…

Dahan-dahan akong tumayo habang nakatingin parin sila sa akin na nagtataka… ang katawan na ito, ang totoong katawan ko.

Pinagmasdan ko ang buong katawan ko, ang kamay at paa ko… lahat-lahat. Hinawakan ko pa ang mukha ko…

Eto na talaga yon…

Agad akong napatayo at napatigil… Hindi na importante sa akin kung ano pa man ang ginagawa nila, ang mahalaga sa akin ngayon ay ito.

“Doc…”

“Anong nangyayari?”

“Ang nangyari---“

Dahan-dahan akong lumingon para ipaliwanag sa kanila at hindi na sila magulat pa pero sa nakikita ko, ako mismo ngayon ang nagulat. Naririnig ko ang flat line ng ECG, kitang-kita ko kung papaano ito nangyari…

Tiningnan ko ang kama at naandoon parin ang katawan ko, paano nangyari yon? Huli na ba ako?

“Time of death: 4:23“

“Sandali… sandali lang….”

Hindi ako papayag…

Sinubukan kong bumalik sa katawan ko pero parang may malaking harang o barrier na pumipigil sa akin.

Hindi pwede ito… hindi

Naramdaman ko na lang ang sarili ko na unti-unting umaangat sa kinatatayuan ko. Ayoko… hindi… ngayon ko lang ulit nabawi ang katawan ko, ngayon lang ulit ako nagkachance na mabuhay.

Ayoko!

Bakit? Bakit ganito ang nangyayari… binawi ko lang naman ang katawan ko. Gusto ko lang ulit mabuhay gamit ang katawan ko…

Napaangat ako ng tingin ng makita sa harap ko ang isang pares ng mga paa. Nakatayo sya sa harap ko at alam ko, na natutuwa sya sa nangyayari.

I’m back here sa purgatory… wala na ang katawan ko. Wala na ding silbi ang panantili ko dito at kasalanan nyang lahat yon…

Kung hindi nya kinuha o inagaw ang katawan ko, buhay na sana ako ngayon at hindi mangyayari ang lahat ng ito.

Umuulit pa sa utak ko ang tunog ng ECG at ang boses ng mga nurse at doctor na ayaw kong marinig.

Bakit ganito? Anong ginawa kong mali? Mali ban a gustuhin ko ulit mabuhay gamit ang katawan ko?

Prinotektahan ng magulang ko ang katawan nay un, akin ang katawan na iyon. BAKIT?

“Rui!”

Agad akong tumakbo pasugod sa kanya at saka iniangat ang kamay ko para suntukin sya pero bigla akong natumba. Parang isang mabigat na metal ang buong katawan ko na hindi ko maiangat at mula dito…

Uminit na ang buong pakiramdam ko na parang sinusunog ang buong pagkatao ko.

Napalingon ako sa may paanan ko at nakita ang isang malaking bilog na pilit humihila sa akin pababa.

Naririnig ko ang mga iyak at hiyawan ng mga kaluluwang nahulog dito sa impiyerno at parang kumakapit silang lahat sa paa ko at hinihila ako pababa.

“Ahhh!!!”

Tumingin ako kay Rui na nakatingin lang din sa akin. Pinagmamasdan nya ako habang unti-unting hinihila pababa at ang masakit, awa ang nakikita ko sa mga mata nya.

“Rui…”

Hindi sya natinag sa kinatatayuan nya, pilit ko paring nilalabanan ang pwersang humihila sa akin pero sa ginagawa ko, mas lalo lang akong nasasaktan.

Parang hinahati sa gitna ang katawan ko at wala akong magawa sa bagay na iyon.

                                                                                          

“Game Over!”

At sa sinabi nyang iyon, tuluyan ng dumilim ang paligid ko at naglaho silang lahat sa paningin ko.

Dead GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon