OWEN POV
“Owen”
Napalingon ako kay D. na katabi ko nagyon, ang totoo nyan kanina pa ako kinakabahan habang naghihintay kami sa pagbubukas ulit ng tinatawag nilang portal. May sinasabi syang pattern na nalaman daw ni Ruin a hindi ko din kilala at yun ang gagamitin namin para mabuhay ulit.
Malabo… Malabo parin sa akin ang lahat at nalilito parin ako sa mga nakikita ko lalo na ang tungkol sa Dead Game.
Hindi ko maiwasang hindi mapalingon sa paligid ko, may mga natataranta, may mga sinisintensyahan na at ang ilan, nag-aabang din katulad namin.
“I don’t think na mananalo pa ako sa game na ito pero kahit ganun, sisiguraduhin ko na pareho kayong makakaalis ni Rui dito…”
Seryoso ang itsura nya katulad ng pagkakasabi nya nito, mukhang wala naman talagang kasiguraduhan na makakaalis ka sa lugar na ito.
Limang minuto…
Limang minuto lang pero pakiramdam ko, kanina pa kami dito, parang katumbas ng isang buong araw ang minuto na yun.
“Humanda ka na…”
Bumukas na ang unang portal… ilang minute pa, sumunod na din ang pangalawa… ang pangatlo…
Kaya ko ito…
Tumingin ako kay D pero hindi sya nakatingin sa akin. Gulat na gulat ang expression ng mukha nya sa isang portal…
Anong problema?
“Owen, takbo!”
Hindi ko na nagawang magtanong dahil itinulak na nya ako at sabay na kaming tumatakbo… Ano bang nangyayari? Hindi ito ang plano namin? Akala ko ba may pattern? Nasaan na yun?
“Takbo!”
Napalingon ako sa harapan sa may portal at doon ko lang napagtanto kung kaninong katawan ang nasa loob nito.
Shit! Kung ganun, hindi pa talaga ako patay… may nakakuha lang ng katawan ko at ngayon, ansa loob ulit ito ng portal katabi ang isang lalaki.
“Rui!!!” sigaw ulit ni D.
Kung ganun, sya si Rui at sya ang nakakuha ng katawan ko. Kung ganun bakit? Bakit nya ibinabalik sa akin ito?
Itinulak ko ang mga lalaki na tumatakbo din the same way na tinatahak namin, ganun din ang ginagawa ni D.
Mas binilisan ko ang takbo ko kahit na minsan, na aout of balance ako. Tumingin ako sa timer sa taas…
Shit! Wala na! Wala na!
Umikot ako at tumalon sa lalaking natumba, hinila ko din ang ilan na nangungun a sa harapan ko. Kailangan kong mabawi ang katawan ko…
“Ahhh!!!”
Nakikita ko na ang pagsasara ng portal habang naandoon parin ang katawan ko, hindi wpede! Kailanagn kong mabawi yon, kailangan ko ulit mabuhay!
Naramdaman ko ang kamay sa likod ko na tumulak sa akin kaya mas lalo akong napabilis sa pagtakbo. Nakita ko si D. na gumugulong dahil sa natumba sya sa ginawa nya.
Mas lalo ko pang binilisan pero imposible na… hindi ko na makita ng buo ang katawan ko sa loob ng portal.
Asar!
Paano na ang pamilya ko? Si Cara? Lahat ng naiwan ko at ang katotohanan sa taong napatay ko?
“Not yet…”
Napaangat ako ng mukha sa nagsalita at nakita ko yung Ruin a nakangiti sa akin. Hinawakan nya ang kamay ko at hinila ako papasok sa loob ng portal habang sya ay papalabas.
At bago tuluyang sumara ang portal, may isang bagay syang sinabi sa akin na nagpagulo ng isip ko at bago pa ako makapagsalita, sumara na ang portal sa harapan ko.
RUI POV
“Welcome back to the dead game”
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti ng makaharap ko si D. Good thing, umabot ako at hindi pa nasesentensyahan si Owen kung nagkataon, mababali wala lang lahat ng ginawa ko at pinaplano ko.
“Mukhang expected mo na talaga na babalik ako ah…”
Ngumiti lang sya sa akin…
Now lets face the real thing, the Project A01XZ, ang katawan na susubukan kong agawin.
“Pamilyar ka ba sa Project A01XZ? Isang project kung saan prinipreserve ang katawan ng isang tao…”
Since isang doctor si D. sa tingin ko ay may idea sya sa bagay na ito at mukhang nakuha din namin ang atensyon ng taong tinutukoy ko.
“May isang tao na wala pang lunas ang sakit nya kaya napagdesisyunan na ipreserve na lang ang katawan nito hanggang sa mahanap ang gamot and now, nakita na nila iyon…” saglit akong tumigil at ngumiti kay D.
Alam ko na naguguluhan din sya sa sinasabi ko sa kanya habang sa isang banda, alam ko na mapapatay na ako sa galit ng taong tinutukoy ko.
“Ilalabas na nila ang katawan sa Project A01XZ at kaya ako bumalik ay para dito…”
“RUI!!!”
This time, hindi na nya napigilan ang sarili nya at agad syang lumapit sa akin at hinawakan ako sa kwelyo. Kitang kita ko sa mga mata nya ang matinding galit sa sinabi ko habang si D. ay mukhang naintindihan na ang tinutukoy ko.
“Ang katawan sa Project A01XZ… ang katawan ng Dead Game Master, kukunin ko ito…” saka ako ngumiti sa kanya.
“Welcome to the Dead Game, Game Master”
BINABASA MO ANG
Dead Game
Mystery / ThrillerHe is dead. That's the first three words na sumalubong kay Rui ng magmulat ito ng mga mata but what surprise him more is that he was given a chance to have a second life by playing the Dead Game. Will he take this chance or will he accept that he al...