GELO POV
I am Rui Latorre
I died sa isang accident at nagising na lang ako sa isang hindi pamilyar na lugar kung saan nagtitipon-tipo ang mga kaluluwa... ang tinatawag nilang purgatory.
I was introdueced sa isang laro, isang laro na magbibigay ng chance sayong mabuhay ulit, ang Dead Game. I won at nakuha ang katawan ni Owen Zamora, who happened to be the person na aksidenteng nakapatay sa akin.
Nakilala ko ang pamilya nya at maging si Cara na girlfriend nito.
But then, things get complicated ng matuklasan ko ang tungkol sa pagkatao ng Game Master at dahil doon, bumalik ako sa purgatory. That time, isa lang ang nasa isip ko, ang manalo at makuha ang katawan ng Game Master.
Nanalo ako dahil sa tulong ni D. at ng iba pang kaluluwa na naandoon. Nagising na lang ako na nasa katauhan na ni Gelo Quinterro o ang mas kilala kong Game Master.
Isinulat ko ito para araw-araw ko ding maalala ang bagay na malilimutan ko pagkalipas ng 24 oras. Alam ko, simula sa araw na ito, hindi na ako muli magiging si Rui kundi si Gelo. Makakalimutan ko na ang pagkatao ko noon pero alam ko, darating ang araw na mararamdaman ko ulit ang mga bagay na naging parte ng pagkatao ko.
Iyon yata ang tinatawag nilang Déjà vu...
Mga bagay na nangyari na noon at nangyayari ulit ngayon, naranasan mo man o naramdaman mo. Siguro iyun na din ang magiging explanation kung bakit nakakaramdam ang mga tao na pamilyar sa kanila ang isang bagay.
Dahil naging bahagi ito ng dati nilang buhay...
"at ang magiging bahagi ng dati kong buhay---"
"Oh yung mga Stop and Shop dyan!"
Napatigil ako sa pagbabasa ng magsalita ang conductor ng bus. Isinara ko ang notebook at itinabi ito sa bag ko saka mabilis na bumaba. Apat na buwan na din ang nakakalipas ng magising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog.
Tumingin muna ako sa kaliwa at kanan ng makasigurado ay tinawid ko ang daan ng Old Sta. Mesa kasabay ng ilan pang mga college student na papasok na sa University.
Kinakabahan ako dahil ito ang unang araw na papasok ako matapos ang matagal na pagkakapreserve ng katawan ko.
Ang alam ko, ako si Gelo Quintero pero ang kaluluwa na nasa loob ng katawang ito ay si Rui Latorre...
Nalaman ko ang bagay na iyon dahil sa iniwan nyang sulat bago nabura lahat ng ala-ala nya na paulit-ulit ko paring binabasa.
Mahirap paniwalaan ang bagay na iyon na sinasabi nya lalo nat wala namang evidence sa mga pangyayaring binanggit nya.
Dead Game, Game Master, Purgatory...
I am now a college student at hindi ko alam kung anong klaseng buhay ang naghihintay sa akin since buong buhay ko, nakapreserve lang ang katawan ko sa laboratory na yon.
Tumigil ako sa harap ng Polytechnic University of the Philippines o PUP, huminga muna ako ng malalim bago pumasok dito bitbit bitbit ang bag ko....
Hindi ko alam kung papaano ako magsisimula sa araw na ito, kung tutuusin matanda na ako para pumasok sa school pero bata parin ang katawan ko and to note na ibang tao pa ang kaluluwa ko.
Tumingin-tingin ako sa paligid ko, excited ang lahat at kinakabahan pero ako, hindi ko alam ang mararamdaman ko. Parang gusto ko ng umuwi.
Mabilis na hinakbang ko ang paa ko hanggang sa tumatakbo na ako ng mabilis. Siguro, bibilisan ko na lang ang pagpunta sa room ko sa East Wing. Mas maganda kung mauuna ako doon para iwas attention, hindi na ako aattend ng Orientation para sa mga freshman.
"Sorry..."
Napatigil ako sa pagtakbo ng mabangga ko ang isang babae. Agad akong yumuko at lumuhod para tulungan sya sa pagpupulot ng mga nahulog nyang gamit.
"Sorry talaga..."
"Ok lang, salamat..."
Kinuha na nya yung mga gamit nya sa akin. Ngayon ko lang natitigan ang mukha nya at ang mahaba nyang buhok pati ang may pagkasingkit nyang mga mata.
"Have we met before?"
Hindi ko alam pero pakiramdam ko, kilala ko sya. Pakiramdam ko, nakasama ko na sya noon. Pakiramdam ko nagging bahagi sya ng pagkatao ko...
Tulad ng salitang Déjà vu...
"Cara, kanina pa kita hinahanap..."
"Owen..."
Napalingon yung babae sa lalaking tumawag sa kanya at saka lumapit dito. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Ang weird...
Tumalikod na ako at naglakad papunta sa room kung saan magaganap ang unang klase ko.
Cara... Owen...
At ang magiging bahagi ng dati kong buhay ay posibleng si Owen Zamora.
Hindi ko alam kung magkikita pa ulit kami pero alam ko na sa oras na mangyari iyon, mararamdaman ng sarili ko at makikilala nya kung sino ako.
Lumingon ako pero wala na yung dalawa, possible kaya na ang taong sinasabi niya ay silang dalawa?
"Rui..."
BINABASA MO ANG
Dead Game
Mystery / ThrillerHe is dead. That's the first three words na sumalubong kay Rui ng magmulat ito ng mga mata but what surprise him more is that he was given a chance to have a second life by playing the Dead Game. Will he take this chance or will he accept that he al...