Chapter 01: CHOICES

29.7K 778 42
                                    

Chapter 01: CHOICES

In Loving memory of

Rui Latorre

Born November XX, A.D 11

Died May X, A.D 30



I'm dead...

Yun ang pagkakaalam ko at yun ang sinabi sa akin ng Game Master, kung papaano ako namatay, hanggang ngayon ay hindi ko parin alam o maalala.

Pinagmasdan ko ang mga tao o mas madaling sabihin na kaluluwa sa paligid ko. Ang iba sa kanila ay nag-aabang na sa may tabi pero ang ilan ay nakaupo lang sa bandang likuran.

"Welcome to the Dead Game!" masayang bati ng Game master.

May mga bago na namang kaluluwa dito sa purgatory at ipinapaliwanag nya sa mga ito ang mga nangyayari sa paligid nila katulad ng mga sinabi nya sa akin.

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa lugar na ito simula ng ipaliwanag nya sa akin ang kakaibang laro na ito.

Sa kabilang banda, may mga kaluluwa na unti-unting umaangat at ang iba ay parang hinihila naman pababa sa kinatatayuan nila, mga taong sinintensyahan na...

This is the Dead Game at nasa purgatory ako... Isang laro na kung saan bibigyan ka ulit ng chance na mabuhay sa katawan ng iba.

At isa iyong malaking kalokohan...

Kung gugustuhin ko mang mabuhay ulit... hindi ko alam kung may naghihintay pa sa akin.

Isa lang akong pangkaraniwang estudyante sa college, walang masyadong plano o gustong mangyari. Wala na rin akong magulang at mag-isa na lang sa buhay kaya wala ng dahilan para mabuhay pa ako.



Hindi ko nga alam kun papaano ko na gawang mabuhay sa loob ng 19 years na mag-isa at umaasa lang sa sarili ko.

Kung oras mo na... oras mo na talaga... isang katotohanan yun na dapat tanggapin ng kahit sinong nilalang. Mas magiging madali kung tatanggapin mo na lang ang lahat ng bagay sa ganung paraan.

Ipapanganak ka at mamamatay ka rin balang araw...

Bigla akong napalingon ng magtinginan silang lahat sa unahan... Parang may pinto na unti-unting bumubukas at yumayanig sa lugar, at iyon ang inaabangan ng lahat.

Pagkaangat ng mga pinto o masasabi mong portal sa tingin ko, agad na nagsuguran ang lahat papunta dito.

Isang timer ang lumabas sa ibabaw nito at ngasimula na sa countdown...

Napasubsob naman ako sa sahig ng may mga ilang nakabangga sa akin dahil sa pagmamadali nila.

Nakita ko kung papano sila magtulakan, mag-agawan, at saktan ang isat-isa mauna lang sa pagpasok sa lugar na iyon.

Tumayo ako at nagpagpag habang patuloy silang pinagmamasdan sa ginagawa nila. Parang isang stampede at wala silang pakeelam sa mga nasa paligid nila.

Napaatras ako sa nakita ko... gusto kong isipin na panaginip lang ang lahat ng ito... na hindi totoo ang lahat ng ito... na...

"Tumingin ka sa inaatrasan mo bata"

Napaharap ako sa nagsalita, nakaupo lang sya sa isang sulok habang nakatingin din sa mga kaluluwang nagkakagulo. Para lang syang nanunuod ng isang palabas sa TV at inaabangan ang mga susunod na mangyayari.

Bahagya akong napalayo sa kanya, nanatili lang syang nakaupo habang ako ay nakatayo at sumusulyap-sulyap sa kanya.

"Bakit hindi ka nakikipag-unahan katulad nila?"

Kusang lumabas ang tanong na yan sa bibig ko na nagpatawa naman sa kanya.

"Kung ganun, sagutin mo din ang tanong mong yan"

Tiningnan ko sya, sa tingin matanda lang sya sa akin ng ilang taon, tumawa lang ulit sya at saka tumingin ulit sa harap.

Bakit hindi ako nakikipag-unahan sa kanila? Dahil hindi nama kailangan... a bakit? Dahil patay na ako...

Mas magiging madali ang lahat kung tatanggapin ko na lang yun ng ganon...

"Hindi sila nag-iisip..."

Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya pero sa tingin ko, sa lahat ng mga naandito sya ang mas nakakaalam ng mga nangyayari bukod sa Game Master.

"Car accident ang nangyari sa kanya at tinamaan ang vital organs nya. Kung mauuna man ako sa kanila, hindi narin kakayanin ng katawan nya kaya sigurado mamamatay lang ulit ako at kung magkaroon man ng milagro at mabuhay pa ang katawan na yan, magiging baldado na lang din ito habang buhay" mahaba nyang paliwanag...

Tumingin ako sa unahan at sa katawan na pinagkakaguluhan nila. Paano nya kaya nalaman ang bagay na iyon. Bahagya syang nagpagpag at tumayo.

"Kailangang piliin mo ding mabuti ang katawan na gagamitin mo..."

"Bingo!" biglang sumulpot sa harapan namin ang Game Master. "As expected sa isang mahusay na doctor"

Doctor? Ang taong ito? Isang doctor? Kaya pala nya nasabi at alam ang mga bagay na yun.

"Yes!"

Tiningnan ko kung sino ang sumigaw, may nakakuha na ng katawan. Unti-unti ng sumara ang portal habang nauubos na din ang oras at sa tuluyang pagsara nito...

Natapos na din ang isang chance na mabuhay ka ulit...

Saglit kaming natahimik at hinintay ang mga susunod na mangyari. Ang iba, nag-aabang ulit sa pagkakataon nila... habang ang iba, tinatanggap na ang sintensya nila.

Saglit na natahimik ang lugar, mas nakakatakot ang pakiramdam na ito kesa sa kanina kung saan sila nagkakagulo at naghihiyawan.

"Welcome back sa Dead Game!"

Lumapit si Game Master sa kaluluwa na kagigising lang... sya yung nauna kanina sa portal.

Kung ganun... namatay na din ang katawang nakuha nya kaya ngayon, bumalik lang ulit sya dito sa purgatory.

"Kaasar"

"Better luck next time" at tinapik-tapik ng Game Master ang kaluluwa na para bang napakanormal lang na bagay yun saka lumapit sa akin.

"Ano, nakapagdecide ka na?"

"Kalokohan ang larong ito..."

Para na ring sinabi na lumusot ako sa butas ng karayom na hindi naman ako kasya o hanapin ang piso sa dagat. Makikipag-unahan ako sa lahat ng mga naandito at ang chance na manalo ako ay mas mababa pa sa zero percent.

"Tama ka, kalokohan ang larong ito pero..." napalingon ako sa Doctor na katabi ko ngayon.

"Ang kalokohang larong ito lang ang tanging paraan para mabuhay ka ulit at magbago at sa mga pintuan na yan, magsisimula iyon..."

Ngumiti sya sa akin...

Nasasabi nya ang mga bagay na yan dahil siguro may naghihintay pa sa kanya sa totoong mundo hindi katulad ko. Wala naman akong babalikan doon at kung mabuhay man ulit ako... baka gawin ko lang din ang dating buhay ko noon.

"Kung hindi mo mahanap ngayon ang dahilan para mabuhay, then hanapin mo ang sagot na yun kapag nabuhay ka na"

Dahilan para mabuhay... meron ba ako nun?

Sabay-sabay kaming napalingon ng may magbukas na portal... Madilim sa loob kaya hindi ko alam kung kaninong katawan ngayon ang nag-aagaw buhay...

Parang ito na ang pinakamahabang segundo ng buhay ko... at nakikipagsabayan pa ang mabilis na pintig ng puso ko.

Unti-unting tumaas ang pintuan ng portal, parang sasabog ang puso ko sa kaba sa oras na makita ko kung sino ang taong na sa loob nito. Bigla itong lumiwag revealing a man in his American suite...







The President of America...

Dead GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon