Chapter 04: CONFLICT
Isang… isang bata?
Nagsimula na ulit ang timer at tumakbo na ulit silang lahat.
Habang ako ay nanatiling nakatayo sa kinalalagyan ko. Nakapagdesisyon na ako na ipapanalo ang larong ito pero ang nasa loob ng portal ngayon, isang bata?
Agad akong tumakabo doon sa portal at hinarangan lahat ng kaluluwa na magtangkang pumasok dito.
Nakatingin lang ako sa bata sa portal, ilang taon lang ang batang iyon para mamatay… ilang taon lang…
“Tumabi ka dyan”
Umiling ako… hindi ko hahayaan na may makakuha ng katawan ng batang ito… napakabata pa nya para mamatay.
Hinawakan ko ang isa sa mga kululuwa at itinulak sya sa iba pa pa kaya sabay-sabay silang natumba. May mga humahabol sa likod ko at ganun din sa harapan ko pero nagpatuloy parin ako sa pagtakbo, ng alam kong malapit na kami sa isat-isa ay agad akong lumiko kaya sila ang nagkabanggaan.
Napadausos ang paa ko sa bigla kong paghinto at pagliko kaya naman itinuon ko ang kamay ko para hindi ako maumba saka tumakbo papalapit sa portal.
Ano ba ang dapat kong gawin para mabuhay sya?
Lumapit ako dun sa kaluluwa nung bata na hanggang ngayon ay wala paring malay… kailangan nyang makabalik sa katawan nya…
Pero paano ko gagawin yon? Tumingin ako sa timer at patuloy parin ang pagbagsak ng bilang nito.
“Gumising ka!!! Gumising ka!!!” pilit kong sigaw na hindi ko naman sigurado kung maririnig nya.
“Itigil mo yan!!!”
Lumapit sa akin yung ibang kaluluwa at pinigilan ako pero agad ko din silang itinulak papalayo… May humawak pa sa kamay ko at isinubsob ako sa sahig pero mabilis din akong umikot patihaya at sinipa sya sa sikmura.
“Gumising ka!!! Hindi ka pwedeng mamatay!!!”
Hindi sya pwedeng mamatay, marami pa syang bagay na pwedeng gawin… hindi ko matatanggap ito.
“Gumising ka!”
Napatigil kaming lahat ng biglang tumigil ang timer sa countdown nito at dahan-dahan naman nagmulat ng mata ang bata at nagulat ng makita ako sa harapan nya.
“Nasaan ako?” inosente nitong tanong pero hindi ko na nagawang sagutin ang tanong nya habang nakatitig sa kanyang mga mata.
Ngumiti ako sa kanya habang unti-unting sumasara ang portal. Alam ko na makakalimutan na din nya ako sa oras na bumalik na sya sa katawan nya.
Pero kahit ganun, masaya ako na kahit papaano… may nagawa akong tama sa buong buhay ko.
Humarap ako sa kanila at isang suntok ang tumama sa mukha ko. Sa sobrang lakas nito, napatumba pa ako sa kinatatayuan ko.
“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?” hindi ko alam kung galit o panghihinayang ang nararamdaman nya, pero alam kong hindi nagustuhan ng lahat ang ginawa ko.
“Walang lugar ang emosyon dito”
Yumuko lang ako habang tumatayo at iniiwasan ang tingin ng bawat isa na para bang papatayin ako.
“Napakabata pa nya para mamatay…”
Hindi ako umaasa na maiintindihan ako ng lahat pero… nanghihinayang ako sa buhay nya kung bigla a lang syang mawawala sa mundo o mamamatay. Kahit sino naman siguro na nabubuhay…
Kahit naman sino…
Shit! Patay na nga pala ako at yun ay isang bagay na nakalimutan ko.
“Sa tingin mo ba, ilang taon ang pinakabata sa lugar na ito?”
Nabigla ako sa sinabi nya kaya lumingon ako sa paligid ko at doon ko nakita kung gaano karaming kaluluwa ng mga bata ang naandito.
Hindi ko sila napansin kanina pero ngayon, parang bigla na lang silang lumitaw sa harapan ko.
“Walang pinipiling idad ang kamatayan, bata ka man o matanda”
Naikuyom ko ang palad ko at saka mariing tumingin sa kanya.
“Kung ganon, sinasabi mo na pabayaan ko na lang sya?”
“Nanghihinayang ka sa buhay nya, pero sa buhay mo… hindi ka ba nanghihinayang?”
Nanghihinayang sa buhay ko? Hindi, pero sa pagkakatao ulit mabuhay… hindi ko alam.
“Ito ang unang beses na may nagtangkang baguhin ang kapalaran ng isang tao kaya hindi ko alam kung anong epekto nito” ang Game Master na nakapikit at parang nag-iisip.
“Pero isang bagay lang ang alam ko… sa oras na ulitin mo ulit ito… mas mapapabilis pa ang sintensya mo, Rui Latorre”
BINABASA MO ANG
Dead Game
Mystery / ThrillerHe is dead. That's the first three words na sumalubong kay Rui ng magmulat ito ng mga mata but what surprise him more is that he was given a chance to have a second life by playing the Dead Game. Will he take this chance or will he accept that he al...