OWEN POV
Sa hospital
Anong gagawin ko?
Ilang oras na akong naghihintay dito sa labas ng operating room. Nasa loob parin si Shin at Gelo.
Ang Game Master at si Rui.
Sigurado ako na nasa Dead Game na sila ngayon. Hindi ko alam kung anong sunod na mangyayari… na kay Rui na kung maipapanalo nya ang Dead Game.
He won twice at sana magawa nya ulit yun ngayon against sa Game Master.
Pero hindi ko parin magawang iwasan ang kabahan o mag-alala… Masyado ng desperado ang Game Master at alam kong gagawin nya ang lahat mabawi lang ang katawan nya kay Rui.
Shit!
Hindi ko na alam kung sinong tao ang lalabas sa pintuan na ito matapos ang lahat ng ito.
Pero sana... sana Rui.
RUI POV
Déjà vu
Ang pakiramdam na ito, naramdaman ko na ito noon at ngayon, nararamdaman ko na naman sya.
Napakagaan ng pakiramdam ko na para bang ilang taon na din akong hindi nakakabalik sa lugar na ito…
Sa lugar kung saan talaga ako nababagay…
Isang lugar na gustong takasan ng lahat… isang lugar kung saan mabibigyan ka ng pangalawang pagkakataon para mabuhay.
Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata, ang pamilyar na puting kulay ng lugar pero this time…
Mas kakaunti ng kaluluwa ang naandito hindi katulad noon…
Nakatingin ako sa taas na hindi ko alam kung may hangganan pa… hindi ko alam kung gaano kataas ang lugar na ito at hindi ko din alam kung may hangganan ba ang dulo nito.
Napapikit ako at muling inalala ang mga pangyayari noon… medyo malabo sila at magulo, siguro dahil sa nabuhay na ako ulit at nawala na ang ibang ala-ala ko.
Pero isa lang ang malinaw… bumalik ako dito sa purgatory para laruin ang Dead Game at…
Tuluyan na akong nagising sa pagkaalala sa kanya… Ang Game Master!
“Rui!”
Napabangon ako bigla ng marinig ko ang pangalan ko at sa harapan ko naandoon ang Game Master at hinihingal ito.
Anong nangyari?
Tumingin ako s apaligid ko, ang huli kong naaalala ay nanalo ako sa Dead Game at nakuha ang katawan nya. Tumingin ako sa portal na unti-unting sumasara…
Sa loob noon, naandoon ang katawan ng Game Master.
Hindi maaari…
“Welcome back to the Dead game, Rui”
Teka lang… kung nagising kami agad… possible na,
Napatingin ako sa unahan kung saan naandoon ang portal at tama nga ang hinala ko, naandoon ang katawan namin at unti-unti na itong sumasara.
Sabay pa kaming nagkatinginan ng Game Master, hindi… Gelo, sya si Gelo at yun ang totoong pangalan nya na nakuha at ginamit ko.
Hindi na sya ang Game Master na kumokontrol sa amin katulad noon, isa na lang din syang kaluluwa na makikipag-unahang makakuha ng katawan para ulit mabuhay.
Ilang sandali na lang ay magsasara na ang portal, agad kaming napatakbo pareho habang tinutulak ang isat-isa papalayo.
Tinamaan ako ng suntok nya sa kaliwang pingi kaya natumba ako, agad ko namang nahawakan ang paa nya sa pagbagsak ko kaya napasubsob din sya.
Hinila ko ang paa nya papalayo at saka tumakbo papunta sa portal…
Hindi na ito katulad ng sampung minuto noon, segundo lang ang meron kami para makabalik sa katawan namin.
“Ahhh…”
Napaikot ako ng hawakan nya ako at suntukin ulit. Parang naalog ang utak ko sa lakas ng pagkakasuntok nya sa akin although wala akong maramdamang sakit.
Bigla akong napabagsak sa sahig at napatulala sa liwanag sa taas ko.
May mga ilang kaluluwa na din ang tumatakbo sa pagitan ko habang nakahiga parin ako sa sahig. Ayaw ng gumalaw ng katawan ko…
Hindi, kaya ko pang gumalaw pero ako mismo ang ayaw ng tumakbo. Tiningnan ko ang game Master na tumatakbo sa katawan nya habang itinutulak pa ang ibang kaluluwa sa tabi nya.
Napadako ang tingin ko sa katawan naming sa portal.
I won the dead Game twice pero bakit parang wala na akong ganang manalo pa ulit.
Gusto ko pa bang mabuhay o malapit na din akong sintensyahan?
Ano bang gusto kong gawin?
Kinuha ko ang katawan ng Game Master para hindi na nya magamit pa ito sa maling paraan. Nakipagunahan ako at tinulungan ng iba kaya nanalo sa kanya.
Pero pagkatapos mabuhay… Pakiramdam ko kuntento na ako. Na may ibang tao rin palang nagpapahalaga sa akin…
It’s my fault na hindi ko ginawa ang best ko at mga dapat kong gawin ng nabubuhay pa ako but after meeting Owen and Cara.
Kuntento na ako, wala na akong dapat alalahanin pa sa dati kong buhay at kung meron man akong dapat gawin, iyun ay ang harapin ang ngayon.
Bumangon ako at tumingin sa portal, nakita ko ang Game Master na nakatayo na doon, malapit sa katawan nya.
Buong buhay nya, nakulong sya sa mundong ito, maybe it’s time para maranasan din nya ang mabuhay sa mundong ginalawan ko.
“You won…”
BINABASA MO ANG
Dead Game
Mystery / ThrillerHe is dead. That's the first three words na sumalubong kay Rui ng magmulat ito ng mga mata but what surprise him more is that he was given a chance to have a second life by playing the Dead Game. Will he take this chance or will he accept that he al...