One

1.3K 35 5
                                    

Chapter 1

"Lolo, kanina sa school tinanong ako ni Ma'am Dominguez kung ano raw po ang work nina Mommy at Daddy pero wala po akong naisagot." Magkahawak ang kamay ng maglolo habang tinatahak ang daan pauwi sa malaking mansyon ng pamilya Cosa Nostra.

"Bakit naman nila tinanong ang trabaho ng parents mo hija?"

"Ang sabi sa 'kin ni Ma'am kailangan daw po nila 'yon para sa darating na class program. 'Yong lets meet your parents. Tinanong din po ako ni Margareth yung kaklase kong saksakan ng daldal kung ano raw po ang major source of wealth natin?"

Nagtaka ang bata nang biglang tumawa ang kanyang lolo. "Major source of wealth ng pamilya natin ay wala hija at ang trabaho ng mga magulang mo ay sila ay simpleng office workers lang 'di ba? Tulad ng sinabi ng Mommy mo before?"

"Imposible raw 'yon Lolo, hindi sila naniniwala kahit nang sabihin ko 'yan kay Ma'am Dominguez dahil napakalaki naman daw ng bahay natin para sa simpleng office workers lang ang mga magulang. Sinabihan pa po nila akong sinungaling Lo!"

"Hayaan mo apo, pupunta ako bukas sa school mo para kausapin ang teacher mo."

"Pero Lo! Ayoko ng pumasok sa school na 'yon. Kaya ko namang mag-aral mag-isa sa mansyon at saka... saka..."

"Ano 'yon apo?" pagtataka ng matanda sa apo nang bigla itong matahimik ng ilang sandali.

"Kakaiba ang ikinikilos ni Ma'am Dominguez kanina... parang takot na takot siya sa kung anong bagay."

Tila nagtaka ang bata sa katahimikan ng Lolo Farlan niya. Nakamasid lamang ito sa mga punong dinaraanan nila. Hindi na rin siya nagtangkang magsalita. Pero wala naman siyang ibang magawa lalo't limitado lang ang oras ng mga magulang kapag nasa bahay ang mga ito. Noong una ayaw talaga niyang patulan ang mga patutsada ni Margareth kaya lang sinabihan kasi siya nitong sinungaling sa harap pa mismo ng klase. Kaya't hindi na siya nakatiis at taas noong ipinagsigawan niya sa buong klase na dadalo ang kanyang mga magulang sa darating na class program, na ikinatuwa naman niya ang naging reaksyon ni Margareth.

May isang bagay lang siyang ipinagtataka sa classroom niya nang tila kakaiba na ang kinikilos ng mga guro at kaklase niya. Noong una hindi niya muna ito pinansin subalit agad ding sumagi sa isip niya ang sinabi ng ina... kapag daw kakaiba na ang kinilos ng mga kasama niya sa school agad ipagbigay alam niya sa ina. Hindi rin naman niya agad nagawa sapagkat palaging wala ang magulang dahil nasa bakasyon. Sa edad na anim na taong gulang, nagtataka na rin siya sa kung ano talaga ang trabaho ng kanyang ama't ina. Hindi siya hangal para madaling maniwala sa palaging sagot ng mga itong may business trips at magbabakasyon ang mga ito kaya't hindi makauuwi. Naiiwan siyang kasama ang mga lalaking naka-suit kahit tirik na tirik ang araw ay palaging nakabantay at nakasunod sa kanya kahit saan siya mapunta. Sabi pa nga sa kanya ni Dustin kaklase niya, walang office employees ang kumikita ng perang kayang magbayad para sa mga bodyguard. Gusto niyang maniwala sa sinabi ng kaklase kaya lang... hindi niya na muna binibigyang pansin ang mga ganitong kaliliit na bagay lalo't grade two pa lang naman siya. Ano ba ang dapat niyang isipin?

Pareho silang tahimik ng kanyang Lolo nang dumating sila ng mansyon. Naabutan nila ang kanyang ina habang hindi maipinta ang mukha. Sa sobrang pagkasabik makita ang ina, nagtatalon pa ang bata at agad nilapitan ang ina saka niyakap ng mahigpit. Gumanti naman ito ng yakap at ipinagtaka niya ang panginginig ng katawan nito.

"Mommy, kailan kayo umuwi?" tanong ng bata.

Napakunot ng noo ang bata nang makitang namamaga ang mata ng ina at tila nag-iiyak kanina pa. "Si...no'ng kasama mo umuwi?" nanginginig ang boses nito.

"Mommy, what's wrong?" nag-aalalang tanong ng bata. Pero agad din namang naalarma. "I'm with Lolo Farlan and with the bodyguards that you gave me."

Last Royal Mafia (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon