Sophie;
Being paranoid at this moment, parang nakakaloka. Katulad ng inasal kanina ni Tifa. Nagtataka talaga ako sa kanya, parang hindi mapakali. She just left the room like that.
Bigla-bigla na lang aalis. Matinding pagtataka ang nararamdaman ko roon sa babaeng iyon. Gusto ko siyang sundan. Pero nakakainis kasi dumating agad ang next teacher.
Dumako na lang ang tingin ko kay Celes.
"Is there something wrong about Tifa?" nag-aalalang tanong ko.
"I don't know," sagot niya lang sa akin. Pero pansin ko sa kanyang hindi niya rin talaga alam.
Lalo akong kinabahan sa sagot niya.
Matagal na namin siyang hinihintay at halos mga kalahating oras na pagkatapos ng huling klase. Pero hindi pa rin siya bumabalik, kaya naman bumalik ulit ang atensyon ko kay Celes. Pati ito ay nag-aalala na rin talaga.
"Please Celes look for Tifa," utos ko.
Tumango siya at saka tumayo.
"Saan naman siya pupunta?" tanong ng katabi kong walang iba kundi si Kenneth.
Tumingin ako sa kanya nang masama. Pakialam niya ba sa amin. Lagi na lang kasing nakikialam.
"Pakialam mo ba," sagot ko sa kanya.
"Huwag kayong gagawa nang kahit na anong gulo dito sa school," paalala niya, as in talagang pinaninindigan ah.
"Baka nga ang school na 'to ang nanggugulo sa amin."
Tama naman kasi ako, nananahimik nga kami tapos ang mga bwisit na estudyante rito ang nanghahamon nang away. So he was wrong all along.
"Sana lumayo na lang kayo sa problema."
At lalo atang kumakapal face niyang makapal. Ipinapagtanggol pa ang bwisit na school na 'to. Hindi bagay sa kanyang may pakialam nga siya.
"Mind your own business," pagwawalang bahala ko.
***
Celes POV;
Hinahanap ko ngayon si Tifa, kanina kasi basta na lang siyang lumabas ng room. Nakakapagtaka ang kinikilos niya nang mga oras na iyon.
Sobra kaming nag-aalala sa kanyang mga kinikilos. Wala naman talaga ibang dapat problemahin si Tifa. Or she was planning to do something else. I'm truly worried about her not just me but also Princess. Nakakaloka naman ang inasal ni Tifa. 'Yari talaga siya sa akin kapag nakita ko siya.
Hi! I'm Maria Celestine Imogene, friend of Tifa and also Princess. Ako ay isang natured girl, mahilig ako sa gawaing pang-kalikasan. Pero as you can notice hindi nature ang pinagkakaabalahan ko. Kundi pumapatay ako nang miyembro ng Mafia.
Hindi ako mabait, hindi ako sociable, tahimik at wala akong awa sa kanila. Madugo akong pumatay, ang Imogene Clan ay namumuno rin sa mga Yakuza sa Japan. Silang mga Mafia ang pumatay sa kapatid ko. Ang nagdulot sa panghabambuhay kong pagdudusa.
Nakilala ko naman si Princess at si Uncle Sam. Tumulong ako sa pagsupil sa mga hayop na Mafia. Kahit pa miyembro pa rin ang pamilya namin ng Mafia.
Parang si Tifa iyon, tapos iyon din ang ang mga bruha no'ng nakaraan.
Parang alam ko na kung bakit siya nandiyan. Please naman huwag sanang gumawa ng kahit anong problema si Tifa. Si Princess kasi ang pinaka naa-apektuhan nito.
Naglakad ako papalapit sa kanya.
"Hey b*tch, what do you want?" galit na tanong ni Barbie ata. Nakalimutan ko na eh, paano naman kasi, wala naman silang kwenta para sa amin.
BINABASA MO ANG
Last Royal Mafia (Under Revision)
ActionMatapos ang brutal na pagpatay sa pamilya ni Sophie, nagdesisyon siyang maghiganti kasama ang kanyang Uncle Sam at dalawang pang matalik na kaibigan na sina Tifa at Celes kapwa nila hinanap ang hustisya sa mga taong sa kanila ay kinuha ang buhay ng...