Chapter Fifteen;

364 15 4
                                    

 Chapter Fifteen;

Sophie's POV;

 Parang wala lang nangyari kahapon para sa amin. Kasi heto kami pumasok pa rin. Masipag kasi kami eh. Hindi joke lang, pumasok kami para malaman ang nangyayari sa paligid namin.

 Naglalabasan na ang iba't ibang mafia. Tulad ng nakita ko kahapon, hindi na siguro nakakagulat na makakita ako.

 Pero nagtataka talaga ako kung bakit sa Pilipinas pa ang napili nila. Hay ewan na nga lang. Basta kailangan kong makapaghiganti kaysa naman magpakahirap pa ako.

"Princess, ano daw bang gagawin natin mamaya sabi ni Tito Sam?" tanong ni Tifa.

"Nakalimutan mo na agad," buntong hininga ko, kasasabi lang kaya ni Uncle Sam kagabi.

"Hinaharot ko kasi ang aso mo, Princess. Si Lumen kasi ang cute-cute," usal ni Tifa.

"Sabi ni Tito Sam, kailangan niya tayong sunduin at may pupuntahan tayo." Naupo na si Celes sa upuan niya, samantalang kami ni Tifa nakamasid lang.

"Teka ano'ng plano nga pala kay Angela?" seryosong tanong ni Tifa. Napatingin ako sa kanya at kahit si Celes. "Alam niyo na, hindi maganda na may nakakaalam ng sikreto natin. Kahit na ba kaibigan siya," dagdag pa niya.

"Ano namang problema?" pagtataka ko.

"Uy anong conversation 'yan?" Sabat ng isang Kumag kong classmate. Sino ba edi si Kenneth aka Kumag na lang. Ang laging mahilig mang-asar at makialam. Teka nga bakit ko pa ba ipinapaliwanag.

 Tumingin lang ako sa kanila ng masama, kasi may kasama pa siyang mga Marios.

"Ang pangit naman ng mukha mo kapag galit. Ngumiti ka naman, masama sa umaga ang nakabusangot," saad niya.

"Alam mo gusto ko pang malasin kaysa makita ka," baling ko sa kanya.

"Aray." May kunyari pa siyang nasaktan sa puso niya. Tatanggalin ko pa 'yan at pag-experiment-uhan.

"Whatever," pagbabalewala ko.

"Hey, 'Dre tingnan mo binabalewala ka lang ng chikabebe mo oh," pang-aasar ni Carl. Pero parang wala lang kay Kenneth, ay low tempered pala siya.

"Epal 'yong isa diyan," pagpaparinig ni Tifa. Oy Oy, I smell something fishy around.

 Napatingin na lang ako kay Celes na ngayon ay tahimik. Siguro dahil kasama rin nila Kenneth ang love niya. Ngayon ko lang nalamang napakatahimik niya, dati rati kapag si Noct ay nandiyan todo todo siyang magpapansin.

"Gusto nga pala naming magpasalamat sa inyo." Napatingin kami kay Kenneth na ngayon ay serious face lang. Ang pogi niya pala kapag ganyan. Erase, erase that thought. Huwag kayong maniwala sa akin.

 Nagtaas ako ng kilay sa sinabi niya. "What did you just say?" I asked.

"Nabalitaan kong niligtas niyo ang pinsan kong si Angela sa mga holdapers," kwento niya.

 Napalagot tuloy ako, hindi niya na kasi kailangang magpasalamat. Dahil sa totoo lang ipinain lang namin si Angela. Malaking mafia family pala nabangga namin.

"Celes at Tifa, may assignments ba tayo pakopya nga," pag-iiba ko ng topic.

"Nagsasalita ako dito tapos tatalikuran mo lang ako. Ganyan ka ba talaga kapag pinapasalamatan ka na," pagtatampo ni Kenneth. Parang tinamaan ang puso ko do'n.

"Pare ang drama mo pala, babae lang 'yan," asar pa ni Carl.

"KC. May poblema ata sa 'yo," dagdag pa ni Noct, na kanina tahimik ngayon akala mo may pakialam sa paligid. Ang hirap talagang intindihin ang tao dito.

Last Royal Mafia (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon