Chapter Eight

528 13 0
                                    


Sophie POV:

Hindi ako makatulog, simula kasi kanina hindi mawala sa isip ko ang mga binitawang salita ni mokong. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niyang huminto na ko sa pagpatay sa mga Mafia.

 Baka nahihilo pa siya sa sobrang pagod. Hindi pa ako tanga, para isantabi ang mga bagay na gagawin ko. Pero parang natamaan ako sa mga binitawan niyang mga salita.

 Alam kong marami pa sila, wala pa nga ako sa kalahati. Pero ito ang mariing kong tanong sa aking sarili: kailan o paano ko ba tatapusin at sisimulang muli ang nasira kong buhay. Sirang sira na lahat wala na sa aking natitira, maliban kay Tito Sam. Na alam ko namang hindi magtatagal mawawala rin sa akin.

 Ang hirap palang pag-isipan ang mga bagay na 'to, kasalanan kasi ng mokong na iyon.

"Sophie!" natigilan ako sa pag-iisip. Napadako ang atensyon ko kay Tito Sam. Na kanina pa nagsasalita tungkol sa susunod kong mission matapos niya akong tawagin sa kwarto ko at tanungin kung matutulog na.

Eh sa wala nga ako sa sarili ngayon, kaya wala rin akong maintindihan.

Nakatingin lang ako sa kanya, hindi ko naintindihan ang mga sinabi niya.

"Ano ulit iyon Tito?" tanong ko.

Ang lalim na buntong hininga ang pinawalan niya. Grabe naman ito, nagtanong lang ako.

"Sophie, as I was saying again and again. Wala ka na naman sa sarili mo, malaki ang problema natin kay Richard nang makatakas siya," sabi niya with serious face. What's my pakialam kay Richard na iyon? Makatakas man siya sa akin, patay na siya kapag nagkita ulit kami.

"So...?" ang tipid ng sagot ko.

"Huwag ka ngang ganyan, 'so' lang masasabi mo. Kapag nakapagsumbong na siya sa iba pang Mafia. Baka mahuli nila tayo, dahil nakikilala ka na niya," iyon naman pala gets ko na. Malaki nga talaga kasalanan ko.

Pero parang wala lang sa akin.

"Nasaan na siya?" pagkakuwan tanong ko.

"Hindi ko pa alam dahil bigla na lang siyang nawala. Tinawagan ko na sila para maging mas madali ang trabaho."

"Sinong tinawagan mo Tito Sam?" tanong ko ulit.

"Sina Celes at Tifa."

What the holy f*ck? Did he really says Celes and Tifa?

"Are you serious?!" hindi ako makapaniwala.

Kaya napatayo ako sa kinauupuan ko. My god tama ba talaga ang narinig ko, nandito na nga ba sila?

"Oo pinatawag ko na sila. Naging maganda ang kinalabasan ng misyon nila sa States. Dapat ngang matuwa ka dahil magkikita na kayong tatlo," inaasar niya ba ako o niloloko?

 Syempre napakasaya ko mako-kompleto na kaming tatlo.

 Sa sobrang tuwa ko hindi ko maintindihan ang sarili ko.

"Kailan sila darating dito?!" excited kong tanong.

"Nakahanda na ang passport nila. I guess two days from now," sagot niya naman, tapos bumalik na ang atensyon sa pagbabasa ng libro. Parang ayokong malaman ang pamagat ng book na iyon. Eh puro animals lang ang pabalat, syempre siguradong corny lang iyon.

Pero back at the topic, mako-complete na kami at iyon ang nagpapasaya sa akin ng sobra.

Mafias call us 'Deadly Sisters' kami kasi ang paunti-unting pumapatay sa kanila. Maliban na lang nang magkahiwalay kami. Kasi may sari-sarili silang problema.

 Ikukwento ko na lang kapag nagbalik na sila. Or do I mean kapag nandito na sila.

 Lumabas na ako ng Study Room ni Tito Sam.

 Hindi pa nga ako nakakalayo, nag-ring ang phone.

Kenneth is calling...

 Ang mokong tumatawag, hindi niya pa ba ako tinitigilan. Baka gusto niya na naman ako bigyan ng sakit ng ulo.

"Hello," wala sa loob na sagot ko.

"Can you come here? We need to talk about something."

 Ano iinisin niya na naman ako? Mukha niyang iyon, ayoko nga siyang makita.


Kenneth POV:

"Bakit mo ako gustong makausap?" tanong niya ulit sa akin. Sh*t naman 'tong babaeng ito. Ang daming tanong, bakit hindi na lang kasi pumunta.

"Pumunta ka na lang dito," sabi ko.

"Saan naman po?" tanong pa nito ulit.

"Sa isang lumang warehouse two streets away from school."

 Pinatay ko ang call kasi puro tanong lang ng tanong. Bakit hindi na lang kasi pumunta dito?

 Nakatingin lang ako sa taong nakagapos sa isang upuan. Puno pa siya ng dugo sa mukha, pero hindi ako naaawa sa kalagayan niya.

May gusto lang akong patunayan, at gustong masagot kaya ko siya pinapapunta dito. I need to know, I want an answer. Gusto kong masagot ang mga katanungang iyon.

 Kalahating oras ang makalipas, may narinig akong humintong kotse sa warehouse. Alam ko na kung sino iyon, kaya sinenyasan ko ang bantay.

 Nakita kong padabog na pumasok si Sophie, na bakas ang pagkalito.

"What is it all about?" hindi niya makapaniwala tanong sa akin. Habang nakatingin sa taong nasa upuan.

 Ako seryosong nakatingin sa kanya, siya litong lito sa mga nakikita.

"Ano 'to Kenneth?" tanong niya ulit sa akin.

"Kilala mo siya hindi ba?" tanong ko sa kanya. Huwag kang magpapakita ng awa Sophie, sinusubukan kita ngayon. Anong gagawin mo sa mga oras na 'to?

  Nakikita kong seryoso lang siya habang nakatingin sa akin. Pero hindi iyan ang inaabangan kong itsura mo.

"Anong dapat mong gawin, Sophie?"


Sophie POV:

 Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko ngayon. Ano ba itong nakikita ko sa aking harapan?

I don't know what's Kenneth planning to do. Bakit nandito si Richard? Na kanina pinag-uusapan lang namin ni Tito Sam.

Tapos duguan siya ngayon, punong puno ng dugo ang buo niya mukha at damit. Talagang nabibigla ako sa mga nangyayari. Si Kenneth ba ang may gawa nito kay Richard? Parang walang awa ang taong gumawa nito.

 Pero para saan ba talaga ang mga nangyayaring ito? Napupuno na ng mga katanungan ang utak ko.

"Ano'ng dapat mong gawin, Sophie?" narinig kong tanong ni Kenneth sa likod ko.

 Dapat lang na mamatay ang taong ito. Wala nang dapat pa akong isipin kundi patayin ito.

"Alam na ba nila na ako ang pumatay sa inyo?" tanong ko kay Richard, tinanggal ko ang tape na nasa bibig nito.

"Hindi pa nila alam Sophie, nagpunta siya sa akin upang sabihin na buhay pa ang huling Cosa Nostra," singit ni Kenneth kaya napatingin ako sa kanya.

"Ikaw ba ang gumawa nito sa kanya?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Bakit nakakagulat ba?" balik niyang tanong sa akin "Ngayon nasa harap mo na siya anong gagawin mo..."

Tumingin ako sa malapit sa aking lalaking naka-itim. Siguradong mga tauhan nitong si Kenneth. Sumenyas-senyas ako, ibig sabihin ng senyas ko ibigay niya sa akin ang baril niya parang amo lang.

 Nagtataka pa nga sa senyas ko ang alalay.

"Akin na ang baril mo," sabi ko nakakainis.

"Sige, ibigay mo sa kanya," pagpayag ni Kenneth. Ang kapal naman ng tauhan na ito. Sa akin hindi sinunod itong lalaking ito sinunod.

 Inabot nga sa akin ni tauhan tapos ako naman kinasa ko lang.

"Papatayin mo ba siya?"

 Ay hindi halata ang pangit naman ng tanong ng Kenneth na 'to.

"Oo, naman para sa pamilya ko ang gagawin ko," sabi ko with serious tone.

"Pagkatapos ano?"

 Napalingon ako sa kanya, anong 'ano' syempre isusunod ko na ang iba?

"Of course the other members naman," sarkastikong sagot ko.

"Pati ba pamilya niya isusunod mo?"

"Ang dami mong tanong?"

 Ang kapal tinalikuran niya lang ako.

 Bahala siya basta ako siguradong papatayin ko ang taong ito. Sa kahit ano pa ang haharang sa akin.

"Alam mo Richard sa 'yo lang ako nahirapan," sabi ko dito sa kaharap ko. Kami na lang ang nandito sa silid na 'to.

"Maawa ka sa akin..."

 Ang kapal naman nito, maawa daw sa kanya. Hindi manlang inisip ang iba. Mas lalo akong naiinis sa taong ito. Mabuti na nga lang wala itong pamilya, pinatay ko na ang nag-iisang kapatid nito.

"Ang kapal mo naman. Maawa talaga ako sa iyo? Bakit naawa ka ba sa pamilya ko?!" galit kong baling sa kanya.

 Itinapat ko sa kanya ang baril na hawak ko.

"Maawa ka pakiusap sa akin!" napuno ng sigaw niya ang buong lugar.

"Pasensya na wala akong awa eh," ngumiti pa ako sa kanya, devilish smile.

 Umalingawngaw sa buong lugar ang tunog ng baril. Eh na kalabit ko, sabog pa nga ang mukha niya. Huwag siyang mag-alala dahil sa kanila kaya isa-isa rin silang mamamatay.

 Iniwan ko na ang patay na katawan ni Richard.

 Naglalakad palang ako nasalubong ko si Kenneth na humarang sa daan.

  Iniabot ko sa kanya ang baril ng tauhan niya. Parang ang serious ng face niya ang pogi niya ngayon.

"Salamat sa pagdala niya sa akin," pilit kong sabi.

"Pinatay mo pa rin siya kahit nagmakaawa na siya sa iyo?" parang nang-iinis na naman ang taong ito.

"Bakit naawa ba sila sa amin noong magmakaawa na ako?" mariing dipensa ko.

"Bahala ka," aba't tinalikuran ulit ako. Tama iyan simula ngayon iwasan mo na ako para humaba pa buhay mo. Pagbibigyan kita dahil kahit papaano nakatulong ka sa akin.

 Pinuntahan ko na ang itim kong kotse na pinarada ko sa labas. Agad akong sumakay at umalis sa lugar. Ganito naman talaga ang trabaho ko, pagkatapos pumatay dapat na akong umalis sa lugar. Siguradong walang naiwan na ebidensiya.

 Isinuot ko ang isang headset. Tapos idi-nial ko ang number ni Tito Sam.

"Hello Tito Sam, pinatay ko na si Richard," paunang sabi ko.

"Paanong--"

 Naputol ang call ko dahil, muntikan ko nang masagasaan ang isang cute na tuta. Agad akong napababa ng kotse ko. Upang tingnan yung tuta baka kasi nasagasaan ko.

"Kawawa ka naman," sambit ko ng makita ang tuta. Kumukuwag pa ang cute na buntot nito. Walang isip-isip binuhat ko ang tuta. Para sa akin lahat ng hayop cute pero mas cute ito. Mukhang nawawala ang tuta na ito at saka mukhang gutom na rin.

 Ang lambing naman nito, kasi dinidilaan niya ang pisngi ko. Kaya nakikiliti ako. O sige na nga isasama na kita sa bahay. Pinapasok ko siya sa car ko. At bumalik agad ako sa pagmamaneho. Iuuwi ko siya kahit sa ayaw at gusto ni Tito Sam.

 Pinarada ko na ang kotse ko sa garahe. Isang tawag ko lang sa tuta talagang sinusunod ako. Ang bait at ang bibo naman nito.

 Pinapasok ko siya sa loob ng bahay, at agad kaming nagpunta sa kusina.

 Kumuha ako ng isang box ng milk sa refrigerator.

 Tapos iniwan ko na siya sa mga katulong. Sinabihan ko naman ang mga itong paliguan si Lumen. Ang pagkakaalala ko Lumen latin iyon means 'white light'. Puti naman kasi ang balahibo niya.

 Pupuntahan ko pa lang sana si Tito Sam, eto na siya nakatayo sa harap ko.

"What happenned?" ang pangit naman ng tanong ni tito.

"Kanina alin doon, marami kasi."

"What do you mean about Richard? paanong--'

"Tinawagan ako ni Kenneth kanina, tapos pinapunta ako sa isang warehouse. Kaya pala hindi natin siya makita hawak pala ni Kenneth. Pero ayos na rin pinatay ko na siya," kwento ko, si tito parang ewan di ko maintindihan face niya.

"Mabuti kung gano'n," iyon lang iyon para siyang si Kenneth basta ka na lang tatalikuran.

"Tito wala ka na bang sasabihin!" sigaw ko sa kanya, medyo may kalayuan na kasi siya.

 Humarap nga siya sa akin.

"I forgot to tell you but Celes and Tifa's flight would be early. Tomorrow na ang dating nila be prepared," iyon tapos tumalikod na siya ulit. Ako parang hindi maintindihan, napaaga ng isang araw ang dating nila?

 Yehey! mas lalo akong na-excite sa balitang iyon. Kailangan ko nang maghanda dahil susunduin namin sila sa NAIA, tomorrow na.

 Naghihintay kami ngayon ni Uncle Sam sa kanilang dalawa. Medyo kanina pa kami naghihintay, sabi kasi 9:00 daw pero 10:15 na.

 At nakakainis naman ang mga taong ito, nakatingin sa aming dalawa ni tito. Para kaming mga artista may pakuha-kuha pa ng picture. Ano kami dito display? May nalalaman pang pa-autograph.

"Ang ganda niya."

  Syempre naman.

"At ang pogi no'ng kasama niya..."

 Bakit piling mo type ka niya?

"Para silang mga artista."

 Mas maganda at guwapo pa kami sa mga 'yon.

Natigilan ako sa pambabara sa mga babae. Nang makita ko na ang dalawang maganda kong kaibigan.

"There they are," turo ko.

 Iniwan na namin ang mga babae at pati na rin ang mga binabae. Pinuntahan na kasi namin sila Celes at Tifa. Nakita ko na kasi sila, ang ganda rin kasi nila tulad ko. Joke, pero totoo nga.

Pero nagtataka lang talaga ako wala silang masyadong maleta. Mga bag lang ang dala nila, pero parang wala sa kanilang nagbago. Magaganda pa rin sila.

"How's your flight?" tanong ko.

"It was fine, but I don't like the cameras that secretly taking pictures of us," reklamo ni Tifa, lagi siyang may dalang doll na yakap yakap niya. Ang cute niya.

"Celes how's the work?" tanong naman ni tito.

"It was also fine, I'd sure that they will not gonna--"

"Can you both speak in tagalog just like before," sabat ko.

"Yes, medyo mahirap ng kaunti," sagot naman ni Tifa.

 Si Celes, nickname niya lang iyon. Ang true name niya ay Maria Celestine Imogene. Ang pinaka-aware sa amin. Kung tutuusin din ay misteryoso. Bihira nga lang siya magsalita. Para siyang nakakatakot kapag narinig mo na siyang magsalita. Pero napaka-mature niyang mag-isip. Kung minsan ay napakahirap niyang intindihin. Para kang nakikipag-usap sa yelo kapag kinakausap mo siya. Usually kasi magsasalita lang siya kapag kinakausap mo.

Huwag mo siyang mamaliitin, mahusay siyang gumamit ng kutsilyo o kahit espada pa iyan. Baka nga ngayon may nakatago iyan. Ayaw niya rin sa mga maiingay na lugar tulad ngayon.

 Si Tifa, nickname niya rin iyon. True name niya complete Tiffany Anne Guiao. Kapag nakita mo siya iisipin mong isip bata siya. Ngunit huwag mong iisipin iyon, dahil kaya lang niya laging kasama ang doll na iyon. Kasi parang naaalala daw niya ang unang bestfriend niya. Tulad din ni Celes tahimik din siya, at ayaw sa maraming tao. Hindi siya tulad ng ibang basta basta. Kapag hinawakan mo si Maddy yung doll niya. Siguradong magtago ka na. Mahusay siya sa kahit anong baril kaya ng isang kamay. Masyadong silang silent, pero kapag mas nakilala mo silang mabuti talagang matutuwa ka. Parang ayaw mo na silang mawala sa paningin mo. Mami-miss mo sila kapag hindi mo nakikita.

 Ako gusto niyo bang malaman, kung sila iba't iba ang kakayahan. Ako lahat iyon kaya ko.

"Na-miss niyo ba ang Philippines?" tanong ko.

"Yes, I guess..." sagot ni Tifa habang nakatingin sa labas ng bintana.

 Si Celes as usual tahimik din habang nakatingin sa labas ng bintana. Nakapwesto kasi silang dalawa sa magkabilang bintana. Okay pinabayaan ko na lang pero napansin kong lumingon sa akin si Tifa.

"What happened here? Noong wala kami?" tanong niya kahit pinilit lang niyang magtagalog. Pero cute pa rin siya talaga.

"Wala naman masyadong naging problema," nakangiti kong sagot.

"Princess how's your study?" wow nagsalita na rin si Celes. Pero ang tawag niya sa aking Princess ganon talaga, royal kasi.

"Okay naman, I've won in MA," wala sa loob kong sagot kasi naman ayoko ng maalala iyon.

"What's MA?" usisa ni Tifa, nakalimutan ko pala hindi nga pala nila alam iyon.

"MA means Math Activities. Sa bahay ikukwento ko sa inyo," sabi ko. Napansin ko kasing nandito na kami.

Pinaparada na lang ni Uncle Sam ang kotse.

Pumasok na kami sa loob ng malaking bahay. Dito sila titira kasi talagang dito naman sila nakatira dati. Kaso lang bumalik sila sa mga pamilya nila. Pero ngayon bumalik na sila at ang pinakamasaya dito na rin sila mag-aaral.

Nasabi kasi dito sa Pilipinas magpupunta ang mga malalaking miyembro ng Mafia. Dito na ang magiging huling hantungan nila. Nagbalik na ulit ang Deadly Sisters na kinakatakutan nila.

We're back and furious again. Kapag complete mas malakas kaya naman maghanda na sila.

***

Last Royal Mafia (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon