Two

1.2K 36 4
                                    

"Are you sure you'll go alone?" Samuel asked his niece. He could see from his monitor the impatient looks of Sophie. Kung hindi lang siya sugatan matapos ng kagabi nilang training na masyadong sineryoso ng pamangkin ay hindi hahantong sa ganoon ang sitwasyon. He was left behind inside the van that is parked outside a bar in Makati.

Bumuntong hininga siya nang hindi sumagot si Sophie sa kabilang linya. Marahil ay nakapasok na ito sa loob, he immediately hacked the security system. Agad na lumabas sa monitor na nakapalibot sa loob ng van ang mga kuha ng mga CCTV.

Tulad ng inaasahan, mabilis na nakapasok ang dalaga at ngayon nga ay tila wala sa sariling tuloy-tuloy na naglakad patungong VIP room, hindi alintana ang mga taong nababangga na sumasayaw sa dance floor.

Madilim niyon kaya't mahirap makita kung nasaan ang lokasyon ng pinakatarget nila nang gabing iyon. But, he knows Sophie will not fail. His niece is thirsty for blood.

Ang sumunod niyang narinig ay ilang sunod-sunod na putok ng baril. Sa lakas ng ingay na naririnig niya sa suot na earpiece. Napasinghap siya at nagdesisyong tanggalin muna iyon.

"Sophie, can you hear me?!" he asked. Inayos niya ang volume kaya ibinalik din kalaunan ang earpiece. "Ayos ka lang ba?"

Maya-maya lumitaw mula sa isang security camera sa likod ang pamangkin. Balot ang buong katawan nito ng dugo, kaya't siguradong hindi lang si Richard Lazaro ang kinitil nito ang buhay sa loob.

Nagmamadaling binuksan niya ang makina ng sasakyan at pinaharurot iyon.

Bumaba siya ng sasakyan at sinalubong ang pamangkin ng isang jacket, upang makapasok ito sa naturang lugar ay nagsuot lamang ito ng manipis na damit. Nagpanggap itong isang host ng bar kaya hindi kataka-taka na pinapasok ito ng bantay, subalit tila wala ng tao niyon sa palagid, kaya't dali-dali siyang nangamba para sa kaligtasan nila pareho.

Iginaya niya ang wala pa ring imik na pamangkin sa van na ipinarada sa hindi kalayuan.

Maririnig sa kahit saan ang tunog ng sasakyang ng mga pulis. "He escaped..." Sophie uttered.

Lumulan na ito ng sasakyan. Nagtungo naman siya sa driver's seat. "What did you say?" he asked with a puzzled look. He started the engine of the car, and immediately drove away. Bago pa tuluyang makarating ang mga pulis. "Who escaped?"

Bumaling si Sophie sa tinted na bintana ng sasakyan. "Richard escaped. That bastard, I should have killed him if no one's with him that moment..." she hissed.

She started to grit her teeth as she clutched her fists.

***

Nang pumasok si Sophie sa loob hindi na siya nag-aksaya ng oras at agad-agad na nagtungo sa VIP room kung nasaan ang target na si Richard Lazaro. Sinigurado niyang perpekto ang planong iyon na gagawin dahil matagal bago muling nagpakita ang isa na ngayong prominenteng business tycoon. Mabuti at nakakuha siya ng lead na magpupunta roon ang target upang kitain ang isa umano nitong business partner.

Gumuhit sa mga labi niya ang misteryosong ngiti nang wala man lang pumigil sa kanyang makapasok sa silid kung nasaan ito. Ngunit nanlaki ang mga mata niya nang bumungad ang mga baril na nakatutok lahat ngayon sa kanya. Lalong ngumisi siya nang sabay-sabay na marinig ang pagkasa ng mga iyon.

"Fire!"

She gracefully moved to her side. Binaligtad niya ang mesa na naroon at ginawa iyon na harang sa mga lumilipad na bala.

"Do you really think I'm that stupid? I know that I'm your next target after you killed Caesar, I already have this feeling that I'm next." From the shadows, Richard finally showed himself.

Wala rin naman siyang balak na itanggi ang bagay na 'yon. She's actually tired searching for the people who killed her family. As if, someone is telling these people what are her next plans. But one thing is yet for sure, they know she never fails. Isa na marahil sa patunay niyon ay nang matagumpay niyang naipadala ang ulo ni Caesar sa pamilya nitong walang kamalay-malay na patay na ang haligi ng tahanan ng mga ito.

Iniisip pa lang niya iyon ay nagdadala na sa kanya ng lubos na kagalakan. She couldn't help but smile. Walang takot na lumabas siya sa pinagtataguan. Maliksing nakalapit siya sa dalawang lalaking nakasuit at mabilis na inamba ang mga ito ng hawak na maliit na patalim sa mga leeg.

Blood was gushing everywhere as she continues to appear from darkness and one by one knocked the men of Richard.

"Yeah, I think you're that smart."

Kitang-kita niya kahit sa kadiliman ang bumakas sa mukha ni Richard na matinding takot. May apat pa itong bantay na nakapalibot dito, animo'y sinisiguradong walang sino man ang makalalapit sa amo ng mga ito.

Pumalatak siya. "Let me live! I don't know what I've done to you for you to do this to me! Do you need money? I'll give you money!" Richard offered.

Two years earlier. Nagsimulang isa-isang patayin ang mga taong nasa likod ng pagpatay sa pamilya Cosa Nostra. Walang ideya ang mga ito kung sino ang nagsimula o nasa likod niyon. They made sure no one escaped, at wala ng natira upang magmana ng naiwang malaking kayamanan ng pinakamakapangyarihan at pinakamayamang pamilya sa Europe.

May kumakalat na sabi-sabi na ang umanong pumapatay sa mga mafia ay ang kaluluwa ng anak ng mag-asawang Cosa Nostra na brutal na pinatay sa Pilipinas at sa harap mismo ng anak ng mga itong babae. Iyon ang gusto rin nilang paniwalaan, subalit kasama rin itong namatay ng buong angkan ng naturang pamilya. They shot her on the head.

What Richard wants is just to confirm something?! Pero lingid sa kaalaman niya na iyon din yata ang huli na ring pagkakataon niya. Nanggagalaiting kinuha niya ang baril na nasa tabi.

Sophie smiled with what she's witnessing. The desperation in his eyes gives her this lingering pleasure in her heart and mind.

With just a blink of an eye. Nakalapit agad siya kay Richard, with her two hands armed with sharp blades, while her eyes were thirsty with his blood. No one can stop her.

She laughed crazily as she stabs him in his neck. Pero agad din siyang natigilan nang marinig na may kumasa ng baril kahit nasa harap lang niya ang employer ng mga ito. Wala siyang nagawa kung hindi itulak ito dahil kapag hindi niya ginawa iyon, siya ang siguradong sasalo ng lahat ng bala.

Pumalatak siya. Matamang nakamasid lang siya mula sa pinagtataguan nang mahagip ng paningin na nakagalaw pa ito at nagawa pang makatayo. "Darn!"

Hindi na siya maaaring bumalik dahil naririnig na niya ang mga sasakyang ng mga pulis na paparating.

Malutong na napamura siya.

***

Thanks for reading! I hope I still satisfy you with my revision.

Have a good day, everyone!

Last Royal Mafia (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon