Chapter Twenty:

157 8 0
                                    

 Most Awaiting Moment

 Chapter Twenty:

 Tifa's POV;

 Ang sakit! Nakakainis talaga lubhang napinsala ang left shoulder ko. Dahil sa naganap na aksidente ngayon-ngayon lang, hindi magtigil ang pagdurugo nito. Nabalian ata ako ng buto, gusto kong sumigaw pero parang naapektuhan ata ang lalamunan ko sa aksidente. Na-trauma, kamalasan naman talaga.

 Nahulog kami sa isang malaking bitag ng TSA at ni Marvin Joseph. Tanaw ko si Marvin habang kinakausap si Princess sa 'di kalayuan.

 Inilibot kong muli ang paningin ko sa paligid. Aist. Ang sakit talaga ng braso ko, parang mamamatay na ako sa tindi ng sakit. Halos maluha-luha na nga ako sa kinapupwestuhan ko.

 Shit talaga! Talagang corner na kami sa dami ng mga naka-dark suit na Mafia. At talaga hinuli kami sa kalsadang abandonado at wala ni kahit isang tao!

 May paunti-unting pigura na lumapit sa akin. Si Rosario! I'm not at the right condition to fight her!

"What do you want?!" I asked her. Lalo siyang lumapit sa akin.

"Don't worry I can understand Filipino, after we did stay here for almost three days." She whispered in my ears. "Napakasakit siguro niyan." Tiningnan niya ang nabali kong braso.

"Hindi naman," pagtataray ko sabay irap, lumayo ako bahagya mula sa kanya. Ang sakit talaga! Nakakainis.

"Oh why are you avoiding me. I'm here to kill you of course," pahabol niya sa akin.

"Sa tingin mo ba gusto kong mamatay sa kamay mo!" asik ko sa kanya. Hindi ko pa gustong mamatay sa mga kamay pa ng isang TSA.

"Tingnan mo ang paligid mo. Halatang wala na kayong pag-asa na makawala sa amin. I pity you, all of Deadly Sisters," Rosario said while glaring at me boredly.

"Watashi wa kinishinaide kudasai!" singhal ko bago tumayong mabuti. May maliit na karayom nakatago sa suot kong maliit na sombrero. Kaya ko ring gawin ang mga kaya nina Reign at Cassandra. Mabuti nalang kaliwa ang matinding napinsala at hindi ang kanan.

"Anata no yujin wa do? Anata ga sorera o kinishinai?" Syempre may pakialam ako sa kanila.

"Urusai!" banta ko sa kaniya.

"Tingnan mo ang itsura mo mukha ka lang kawawang tuta. Walang laban ang isang DS kung wala ang leader nila, look at Sophie... busy while having conversation with Marvin." Pinaglaruan pa niya ang hawak na maliit na baliso.

 Napatingin ako kay Princess busy nga siya sa pakikipag-usap sa hayop na Marvin. Tss.

"Baka nakakalimutan mo, Rosario. Marami ng nagawa ang DS na hindi pa ninyo alam at kahit wala ang assist mula kay Sophie ay malakas pa rin ang isa," depensa ko.

"Oh talaga!" Bigla na lang siyang lumakad ngunit kasing bilis ng hangin na naglaho at nakalapit sa akin. Nagtagisan ang bagang ko sa tindi ng impak sa pagkakatama niya.

"Madaya ka!" Binalak ko siyang sipain ngunit agad din siyang nakailag. Humakbang din ako patalikod upang makahulma sa panginginig ng tuhod ko.

"Ganyan naman talaga ang Mafia, cheaters mga mandaya..." Naglaho ulit siya!

 Sa kanan! Agad kong sinalag ang pakanan niyang atake at nakalusot ang isang sipa ko at natamaan ang abdomen niya. Kapag talaga sinuswerte, kaya lang nadaplisan ng kanyang kutsilyo ang pisngi ko. Okay lang.

 Napadura siya. Mabuti nga, huwag niya ako mamaliitin at kahit sino pa sa DS. Dahil hindi kami tataguriang invincible kung tatanga tanga kami. Mukhang nagalit ang bruha at humanda uling lalapit. Nagkakamali siya kung hindi ko pa alam ang style niya.

 Nasa kaliwa... Mali? Nasa likod na pala siya! Ang bilis! Bakit di ko man lang napansin? Nasipa niya ang bahaging likod ko, kasabay ng pagbagsak ko sa malamig na semento ay ang pagbato ko rin ng mga karayom ko na may lason. Pero nakailag siya agad at nadaplisan lamang ang buhok niya. Bwisit.

 Sinalo ako ng malamig na semento. Shit I can't believe it! Asintado dapat ako. Kalkulado ko dapat ang lahat!

 Nanghihina na ang katawan ko dahil sa mga nawalang dugo sa akin, oh shit! Why this time?

 Pinilit kong agad na tumayo... Mahirap na baka malamangan niya ako kapag nanatili ako sa lupa.

 Napakasakit din ng likod ko sa pagkakasipa niya.

"Can you still fight?" tanong niya. Gusto ko tuloy matawa. Makapandaya nga rin.

 Ginaya ko rin ang mga style niya pero nilagyan ko ng mga style ko.

Last Royal Mafia (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon