Chapter Ten

480 12 2
                                    


Sophie POV:

 My god ang cute ni Tifa, look at her beautiful eyes. Mukhang mato-tomboy ako nito, kung ganito ba naman ang babae.

"Do you know each other Miss Sophie?" usisa ni Prof. Einstein.

Hindi ba halata sa pagiging close namin sa isa't isa?

"Yes," ang tipid ng sagot ko sa kanya.

"She won't let you sit down, I guess," syempre mukha ngang ayaw na niya akong bitawan.

Tumingin ako sa tabi ko, tahimik lang si Celes. Kaya na nila ang mga ito, magpapakilala lang naman. Sumunod naman akong tumingin kay Tifa.

"Uupo na ako," paalam ko, tapos tinungo ko na ang upuan ko.

Ang ganda ng entrance ko, noong uupo na ako. May dahan-dahan pa akong nalalaman sa pag-upo.

"Please can you introduce yourselves," narinig kong sabi ni Prof.

 Nakita kong unang humarap sa klase si Celes. Nakakapagtaka ang maitim niya aura habang nakatingin sa tabi ko. Kasi katabi ko si mokong, syempre kilala siya ni Celes. Malapit kasi silang magka-clan. Galit nga ang looks niya kay mokong.

"Maria Celestine Imogene," Celes introduced herself. "This is Tiffany Anne Guiao," tinuro lang niya si Tifa, mangha na talaga ako sa kanya, parang ako lang.

Si Prof. Einstein tahimik lang habang gulat na gulat.

"Ah, ganoon ba?" hindi pa rin makapaniwala.

"Where are our seats?" malamig na tanong ni Celes. Idol ko na nga siya dati, ngayon lalo ako sa kanyang na-astig-an.

Takot si Prof. Einstein, ilang sandali lang, tinuro na din niya ang nasa bahaging likuran. Kaya naglakad na sila, pero imbes na pumunta sa likod.

Pumwesto si Tifa sa tabi ko. May nakupo sa magkabilang gilid ko.

 Tifa POV:

I hate being far from Princess. Huminto ako sa tapat ng isang lalaki sa tabi niya. Ayoko sa likod magmumukha akong tanga doon, kahit si Celes huminto rin sa paglalakad.

 Ngumiti ako sa taong nakaupo sa rightside ni Princess.

"Can I please occupy your seat?" hiling ko sa lalaking ito.

 Agad naman siyang tumayo, na medyo ikinagulat ko.

"Of course!" masayang pagpayag niya.

 Ngumiti ulit ako sa kanya ng matamis. Hindi siya magkandarapa sa pagpunta sa bahaging likuran. Ako naman ay umupo na sa inukupa kong upuan.

Humarap ako kay Princess ngumiti ako sa kanya. Parang wala lang nangyari, Nakita ko sa kanyang mga mata ang sobrang pagkagulat sa inasal ko.

"Ako rin uupo na lang ako sa likuran," sabi naman ng nasa gilid kong isang babae. Tapos kinuha na lamang niya ang kanyang bag, pumunta naman sa likuran.

Umupo na rin si Ate Celes sa upuan inukopa. Ngayon magkakatabi na kaming tatlo. Sunod-sunod lang ang mga pwesto namin.

 Humarap na ako sa blackboard. Mukhang kanina pa kami tinitingnan ng teacher. Pero kanina ko pa siya hindi pinapansin. Parang wala lang pakialam sa kanya.

"So.... can I now proceed?" tanong niya.

Tumango lang ako ng kay lambing at kay ganda.

Bumalik nga siya sa pagtuturo, kaming tatlo wala lang. Halata namang hindi nakikinig si Princess.

Subject pala ng teacher na ito ay Math. Magagaling o expert na kami sa subject na iyan.

Pinanatili ko lang ang aking sariling komportable, but the truth hindi talaga ako komportable sa kinalalagyan ko. Kasi lahat ng mata sa amin nakatingin, nakakailang.

Last Royal Mafia (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon