Chapter Seventeen;
TSA's (Twin Sisters' Assassin's) Vs. DS's (Deadly Sisters)
(Fast Forward at the incident at Pool Side)
Sophie's POV;
"Talaga! Ayos lang ba kayo, Celes?" gilalas ko ng marinig ang nangyari sa pool side ng school.
Tumango lang siya.
"Pasensya na Ate Celes kung hindi ka namin natulungan," hinging paumanhin ni Tifa. Kahit kaming lahat ay sobrang nagulantang. Hindi namin matanggap na tumiwalag na sina Cassandra at Reign sa akin.
Ang pinakamasama sa lahat, binalak pala akong patayin ni Cass kanina at hindi ko man lang alam. At pati si Celes binalak nilang patayin. Nagtitimpi lang ako dahil kapag napuno ako ay aapaw ako. Hindi ko alam ang pwede kong magawa, pinapahalagan ko sina Cass at Reign higit sa kaibigan tulad kina Celes at Tifa. Pero hindi ako makapaniwalang kaya rin pala nila kaming patayin.
Napansin kong may kinuha si Tifa sa bag niya.
"Hello Mr. Lee pakibantayan ang grupo. At huwag hahayaang makalapit pa sina Cassandra at Reign. Ipapaliwanag ko ang lahat, pupunta ako diyan." Sabi ni Tifa sa kabilang kausap sa cellphone. At pagkaraan ay in-end din nito.
"Mabuti at walang nangyari sa inyong masama," buntong hininga ko, at sinuklay ko ang buhok ko. Stress naman 'to.
May iniabot sa akin si Celes na agad kong kinuha.
"Inimbitahan tayo na dumalo sa Red Stallion Kimms. Nandoon ang TSA isa rin iyong magandang pagkakataon," saad ni Celes.
Binasa ko ang mga nakasulat sa imbitasyon. Tumango-tango lang ako.
"Tingnan mo nga naman ang tadhana, sila mismo ang lumalapit," sabat ni Uncle Sam.
"Yeah." Pagsang-ayon ko at sumilay ang nakakatakot na ngiti sa akin.
"Kailan daw?" tanong ni Uncle Sam.
"Tomorrow at 5:00 p.m in the afternoon. Magandang araw dahil Friday rin bukas."
"Kaya mo pang lumaban, Celes?" Kay Celes naman bumaling si Uncle Sam.
"Of course," nakangiting sagot ni Celes. Really good.
"Tara na Uncle Sam. Ayoko ng magtagal dito sa school, it sucks me up here," reklamo ko. Kung tatanungin niyo anong nangyari sa P.E kanina. Nanalo kami ni Kumag.
At doon naman namin nabalitaan kung anong nangyari sa pool side, pagkatapos akong tawagan ni Noctis.
Sila na lang daw bahala sa pwedeng mangyari sa oras na malaman may muntikan ng magpatayan sa kilalang school na 'to.
"You look really irritated," puna sa akin ni Uncle Sam.
"Just go," usal ko na lang.
Saka niya binuksan ang makina at pinaharurot ang kotse.
"Eh paano ka naman Ate Celes na basa?" pagsisimula ni Tifa ng usapan, habang nasa biyahe pa rin kami. Oo nga, hindi naman kasi siya pabaya.
"Tinulak ako ni Noctis sa pool," sagot ni Celes.
"Ano!" bulalas namin ni Tifa.
"May purpose 'yon, he just saved me from Cassandra's attack." Depensa ni Celes. Ang daming paraan talagang kailangang ilalag siya sa swimming pool.
Tahimik lang kami hanggang sa makauwi ng bahay. Hindi pa rin kasi nagpapalit ng damit si Celes, kay hinatid muna namin siya sa kwarto niya.
Pagkatapos ay nagtungo kami ni Tifa sa study room kung nasaan si Uncle Sam.
BINABASA MO ANG
Last Royal Mafia (Under Revision)
ActionMatapos ang brutal na pagpatay sa pamilya ni Sophie, nagdesisyon siyang maghiganti kasama ang kanyang Uncle Sam at dalawang pang matalik na kaibigan na sina Tifa at Celes kapwa nila hinanap ang hustisya sa mga taong sa kanila ay kinuha ang buhay ng...