*third point of view*
Chapter 23
The awaiting day has finally come. Nakahanda na ang lahat ayon sa binuong plano nina Kenneth subalit lingid sa kaalaman ni Sophie na kasalukuyan ngayong nasa ospital at nagpapagaling na napaaga ang naunang balak.
Bago pa man tumulak sa pagmamay-aring private plane ng pamilya Schiffer ay dumaan muna si Kenneth kung nasaan ang mga babae. Hindi na rin niya isinama pa ang mga kaibigan nito dahil hanggang ngayon ay malubha pa rin ang mga kondisyon ng mga ito. Muntik pang putulin ang paa ng pinsan niya matapos mapag-alamang ilang mahahalagang ugat nito sa paa ay malubhang napinsala at maaaring matetano kung hindi puputulin, mabuti na lang at naagapan ng maaga at nagpadala rin ng mga mahuhusay ng mga doktor ang pamilya Illescas.
Si Celes nama'y nagtagal sa ER dahil sa natamong sa saksak sa sikmura at nag-undergo ito sa surgery matapos mapag-alamang ilang internal organ nito ay nabutas, nagkaroon din ito ng internal bleeding na lubos na ikinatakot at ikinagulat naman niya nang maka-survive ito.
Hindi naman maikukompara ang natamong mga sugat ni Tifa sa dalawang nauna. Walang makapagpaliwanag sa mabilisang paghilom ng mga sugat nito makalipas lamang ng isang linggo, ayon sa mga report ng mga tuminging doktor dito ay tulad nilang magkakaibigan ay nagulat din at nagtaka nang mabilis itong makarecover. Madalas itong nasa ospital upang magbantay sa mga kaibigang halos tatlong linggo ng naka-confine.
Naabutan niya si Tifa na kalalabas pa lamang ng kwarto ni Sophie sa naturang ospital. Private room iyon na may halos sampung mga propesyonal na nagbabantay sa buong palapag at sa labas ng kwarto. Mabilis siyang nakilala ng mga bantay kaya't hindi na siya siniyasat pa, saka naman siya nakita ni Tifa nilapitan siya nito.
"Are you sure about your plan? Magagalit sa 'yo si Princess kapag nalaman niyang lumakad kayo ng hindi siya kasama," bungad agad nito.
"I'm sure. Mas mabuting magalit sa akin si Sophie kaysa mapahamak na naman siya nang dahil sa paghihiganti niya," aniya.
Humalukipkip si Tifa at naningkit ang mga matang nakatingin sa kanya. "I know, kahit ako ay ganito rin ang gagawin pero I know more Sophie, hindi niya mapapatawad ang sarili kapag napahamak kayo," nag-aalalang wika nito.
"Ikaw na muna ang bahala rito. Huwag kang mag-alala, magbabalik kaming buhay at ligtas. Ang kailangan lang ay hindi niya malaman ito at mag-alala. Makasasama iyon sa kondisyon niya ngayon."
Natahimik ito na ipinagtaka niya. Pinagkatitigan siya nitong maigi na tila ba sinisayasat maigi. "May problema ba?"
"I'm actually wondering... until now."
"Of what?"
Pinagmasdan nitong maigi ang hawak niyang mga bulaklak at malaking teddy bear sa kabilang kamay. "I know that you like Princess. Pero palaging pagdadala ng bulaklak at kung ano-ano, isn't it too much? Halos punuin mo na ng bulaklak ang kwarto niya pati ng mga iba't ibang bagay tulad ng unan, stuff toys, heater, bags, cosmetics, chocolates, comforter and everything. Ano'ng sa tingin mo ang kwarto niya? Tambakan ng mga regalo mo?"
"What do you mean?"
Pinaikot nito ang mga mata. "Isn't it obvious? You're being too much."
Na-tense naman siya. "I'm being too much? Since when?"
"Since when? Magtatatlong linggo na, and you know what hindi lang siguro nagrereklamo si Princess sa 'yo dahil sa dami ng naitulong mo sa kanya. Pero don't wait na ng dahil sa 'yo masuffocate siya sa sikip na ngayon ng kwarto niya."
Napahawak tuloy siya sa batok. Iiling-iling siya sa sarili. Tinawag niya ang isang bantay na malapit at iniabot doon ang mga dala at tuloy-tuloy na naglakad patungo sa kwarto ni Sophie. Naabutan niya itong mahimbing na natutulog.
"Gigisingin ko ba siya para sa 'yo?" tanong ni Tifa sa likod niya. Hindi ito nililingon ay dagling umiling siya.
"Hindi na kailangan. Aalis na rin naman ako," aniya.
"Sigurado ka?"
"Oo."
"Okay. Oh, by the way, aalis nga pala ako. Maiwan na muna kita rito," paalam nito at nagmamadaling umalis.
Hindi na siya nagsalita pa at dinampot ang silyang naroon. Naupo siya. Mahahalatang puyat si Sophie, balita niya ay walang humpay itong bumubuo ng plano tuwing gabi, ilang araw na rin nitong kino-contact ang nawawala nitong tito na si Sam, na duda niya ay may itinago ritong lihim. Ilang tao na rin ang inutusan niyang hanapin ang tito ni Sophie matapos itong biglang maglaho pagkatapos ng insidente, ayaw muna niyang ipaalam sa dalaga ang mga nalaman tungkol sa tito nito lalo na't masama pa para dito ang ma-stress.
May dinukot siya sa suot at agad iyon na inilagay sa kamay ng dalaga. Hindi siya makasisiguro na makababalik pa, at batid niyang alam din iyon ng mga makakasama niya. Hindi siya umaasang magtatagumpay din sila lalo't hindi siya sanay sa pakikipaglaban at pagbubuo ng plano kahit sabihin pang tinulungan siya ni Noctis hindi ibig niyon sabihin ay magtatagumpay sila.
Hinawakan niya ang mga kamay ng dalaga. Dinaiti niya iyon sa mukha at mariing napapikit, kahit ano ang mangyari sa kanya, nais niyang magkaroon ng magandang kinabukasan si Sophie sa kabila ng mga nangyari dito.
Bigla niyang naalala nang unang beses niyang makita ito, napakalungkot ng mga mata nito at nakita mismo niya nang maiyak ito sa harap niya. Hindi na marahil nito iyon natatandaan subalit may ilang mga salita mula rito ang hindi kahit kailan nawaglit sa kanya. 'Mabuhay ka, at huwag mong hayaang masira ang buhay mo sa pagpatay.'
Paanong basta na lang nitong nakalimutan ang mga katagang iyon? Bakit pa nito sinabi ang mga iyon sa kanya kung hindi rin pala nito kayang gawin?
"I'm sorry..." Nagdilat siya ng mga mata, hindi niya namalayang nagising na niya ito sa higpit ng hawak sa mga kamay nito.
"Pasensya na, nagising ba kita?" nag-aalalang tanong niya.
Kiming ngumiti ito na ipinagtaka niya. "Umiiyak ka ba?" tanong nito.
Saka niya lang napagtantong umiiyak na pala siya. Mabilis niyang hinawi ang mga luha. "How's your sleep?" Muntik na niyang masampal ang sarili sa tanong dito.
"I did have a great dream."
"Dream?"
Umayos ito ng higa. "I saw my mom and dad with my younger brother happily waiting for me in heaven."
Natutop siya mula sa narinig dito. Naiyukom ang mga palad ay nagmistulang estatwa siya sa kinauupuan. Hinintay niyang ipagpatuloy ng dalaga ang ikinukwento nito nang hindi na niya kinaya pa at inipon na ang lahat ng lakas ng loob.
"I like you Sophie," wika niya. Binalingan siya nito na halatang nagulat sa tinuran niya. He waited for this chance so he won't just let it go. "I already like you the first time I laid my eyes to you," amin niya.
Biglang natawa ito na ipinagtaka niya. "I know."
Sa pagkakataong ito siya ang nagulat sa narinig. "You know? S-since when?"
Umaktong nag-isip ito at binalingang muli siya. "Reading people is my specialty kaya hindi na bago iyon sa akin. Good thing about some girls like us we possessed the ability to read people's mind... dahil madalas kang magpakita ng mga sign na gusto mo 'ko, saying that you like me right now is not new to me."
Sandaling natahimik siya habang nakatitig dito. "Iyon lang ba?"
"Bakit mayroon pa ba?"
"May nakaligtaan ka... can you read my mind right now?"
Pinagtitigan siya nitong maigi. She really did what he asked. Binabasa na marahil nito ang nasa isip niya subalit hindi na siya nakapaghintay pa.
"So what's in my mind right now?"
Nakagat nito ang ibabang labi, that makes him wonder if she really reads what's in his mind. "Inaantok na ako. Iwan mo muna ako para makapagpahinga..."
"You did, right?"
"Please let me rest now."
Inilapit niya ang mukha rito. Tama nga ang hinala niya, alam na nito ang gagawin niya kaya nagtakip na ng comforter at umaktong matutulog na. Dahan-dahan niyang tinanggal ang comforter, bumungad sa kanya ang namumulang mukha nito that makes him more fascinated to her.
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?" matapang na sabi nito.
"I heard you right. Pero gusto ko munang malaman kung ano ang nabasa mo sa isip ko, mukha kasing tama ang nasa isip mo ngayon." Lalo niyang inilapit ang mukha rito na halatang ikinabahala nito.
"I read that you will kiss me right now..."
"Good, and so I did..." Sa isang iglap he grabs her lip against his. It was a quick yet sweet kiss. Mabilis siyang lumayo rito nang mapagtanto ang ginawa.
Sophie is not a normal girl, she's dangerous. Kitang-kita niya ang gulat sa mukha nito kaya sa sobrang takot ay nagmamadaling lumabas siya ng kwarto nito. Nakabangga pa niya si Tifa na may bitbit na brief case.
"I'm sorry," hinging paumanhin niya agad.
"Hey, what happened?" tanong nito nang mapansing namumutla at pinagpapawisan siya. Nakita niya ang repleksyon sa isang glass window doon. "and why are you blushing?"
Some girls can read minds. Nag-iwas siya ng mukha at nagpaalam na dito.
What the heck just happened?! Bakit siya nag-walkout? Baka kung ano ang isipin ni Sophie. She might thinks that he wasn't serious!
Pero, that's actually his first kiss! Paano ba dapat ang maging reaksyon niya? He was amateur to these kind of things. Ni hindi nga siya nanonood ng mga romance movie at nagbabasa ng mga romance book dahil sukang-suka siya sa romances, dahil ba doon kaya ni isang katiting ay hindi siya magugustuhan ni Sophie? He had done a wrong move! Syet!
Bumalik kaya siya? Nah, baka hagisan pa siya ng kutsilyo ng dalaga, maunsimyami pa ang plano dahil maaga siyang namatay bago sumabak sa laban.
Pinuntahan agad niya ang nakaparadang sasakyan sa labas ng ospital, naabutan niyang nakatayo mula roon sina Noctis at Carl. "Ano nakapagpaalam ka na ba sa mahal mo?" bungad agad ni Carl sa kanya. Kahit may halong biro sa boses nito may bahid pa rin iyon ng lungkot.
"We're now going," anunsyo ni Noctis. Tulad pa rin ng dati ang ekspresyon ng mukha nito.
Nakalapit na siya sa mga ito, nang bubuksan na niya ang pinto ng sasakyan ay binalingan niya muna si Noctis. "Nakapagpaalam ka na rin ba sa kanya?" tanong niya rito tinutukoy si Celes.
"There's no need for me to do that. Kayo lang naman ang nagpaalam na hindi babalik, ako babalik akong buhay kaya hindi ko na kailangan pang magpaalam." Nagulat siyang makitang nakangiti ito, nagpunta na ito sa kabilang pinto ng sasakyan at mabilis na lumulan.
May bigla siyang narealize sa sinabi nito. Nagkatinginan sila ni Carl, na may pareho marahil na pumasok sa isip nila. "I realize that I will going home safe and sound after this, so what's the goodbye for?" Carl realized.
Iiling-iling siyang sumakay na ng sasakyan. "Same here, we'll be safe and sound... after this."
***
BINABASA MO ANG
Last Royal Mafia (Under Revision)
ActionMatapos ang brutal na pagpatay sa pamilya ni Sophie, nagdesisyon siyang maghiganti kasama ang kanyang Uncle Sam at dalawang pang matalik na kaibigan na sina Tifa at Celes kapwa nila hinanap ang hustisya sa mga taong sa kanila ay kinuha ang buhay ng...