Chapter Thirteen;Sophie's POV;
Nandito kami ngayon sa kotse ni Tito Sam. Mag-sho-shopping daw kami... exciting magkakasama kami.
Akala ng Kenneth na iyon kanina. Hmp maghanap siya ng kakalabanin kundi kamalas-malas lang niya.
Napansin kong malungkot si Celes, kanina pa nga iyan ganyan. Oo nga lagi naman talaga siyang malungkot at seryoso. Pero iba naman ang pagkalungkot niya ngayon.
Siguro yung kanina na pag-snob ni Noctis hindi pa ba siya sanay lagi naman.
"Celes," tawag pansin ko sa kanya.
Dahan-dahan siya sa aking lumingon. May pa-ganyan effect pa, nakakaloka. Ang lungkot ng mga mata niya. Hindi bagay sa kanya.
"Bakit, Princess?" walang kagana-ganang sagot niya.
"Ang lalim ata ng iniisip mo, Celes," puna ko sa kanya.
"Princess halata bang in love ako." Ano daw?
"Ate Celes lagi ka ng nagiging OA simula nang bumalik tayo Pinas," usal naman ni Tifa. Napansin din pala niya.
"Masama ba ako?" tanong ni Celes, teka ang ewan ng tanong niya. Hindi siya masama, siya na at ni Tifa ang pinakamabait na taong nakilala ko.
"Ano bang problema, Celes?" mariing tanong ko.
"Matagal ko ng gusto si Noctis, pero parang masamang tao ako sa paningin niya. I'm not a stranger to him, even an enemy. All I just want is to be notice by him. Even though parang tanga lang ako, ngingiti ako tapos siya wala lang. Kahit na ba engaged na kam-
Mabilis niyang tinakpan ang bibig niya. Teka ano daw sabi ni ENGAGED daw kanino? Malinaw ang sinabi niya... Oh my gosh.
"Anong sabi mo ulit?" pagtitiyak ko.
"Yes, she was engaged to the son of Caelum," sabat ni Tito, pero nakatutok pa rin ang atensyon nito sa pagmamaneho.
Alam niya, samantalang kami hindi. "Kailan pa?" hindi ko mapigilang itanong.
Umiling-iling lang siya... my gosh ang cute niya.
"Sige na Ate Celes sabihin mo na kung kailan pa!" pagpipilit din ni Tifa.
"Sa bahay niyo nalang iyan pag-usapan. Nandito na tayo sa grocery market." Ipinaparada nalang ni Tito ang kotse sa labas na parking lot.
Pagkaraan ay bumaba na kaming lahat sa kotse.
***
Tifa's POV;
O sige, pababayaan muna namin ang natuklasan namin kanina. May pagka-padalos-dalos pala si Ate Celes. Talagang nadulas siya, at nasabi niyang fiance pala niya si Noctis. Sad part, ay alam din pala ni Tito Sam. Ang sakit kaya n'on pinaglilihiman na pala kami, pati si Princess hindi niya rin alam. My gosh. Kagula-gulantang talaga ito, yari si Ate Celes sa bahay isasalang namin talaga siya ni Princess sa Hot Seat. 'Kala niya ganon-ganon lang ang pagtatago ng secrets.
Pumasok kami sa market... Ang daming tao... Ang ganda naman pala dito, ang daming tao. Cool!
Napanganga nalang ako. Ako lang ata ang impress sa lugar... ang daming mga sariwang gulay, candy, pati canned goods at mga sariwang karne.
Ang paborito namin... Chocolates here we come... sweets.
"Uncle Sam bibili lang po kami ng chocolates!" sabay pa kami ni Princess. Syempre favorite nga 'di ba namin.
"No!" wala man lang kagatol gatol na pagtanggi ni Tito Sam. "Di ba sinabi kong avoid eating sweets. Baka tumaba kayo, alam niyo naman 'yon-
Iniwan na namin sila ni Princess, nagmamadali kaming magpunta sa sweet section. We are addicted to sweets...
BINABASA MO ANG
Last Royal Mafia (Under Revision)
ActionMatapos ang brutal na pagpatay sa pamilya ni Sophie, nagdesisyon siyang maghiganti kasama ang kanyang Uncle Sam at dalawang pang matalik na kaibigan na sina Tifa at Celes kapwa nila hinanap ang hustisya sa mga taong sa kanila ay kinuha ang buhay ng...