Chapter Sixteen;

314 10 6
                                    

Chapter Sixteen;

 Sophie's POV;

 Marami na talagang nagbabago sa amin, siguro dahil naging pabaya kami.

"Princess, I'm sorry." Kanina pa paulit-ulit na paghingi ng tawad ni Tifa. Hindi ko nga alam kung bakit paulit-ulit eh, nakakapagpanting na ng tainga. Kaya lang hindi ko magawang magalit ang ganda kasi ng eyes niya. Pang puppy eyes.

"Pinapatawad na kita, Tifa." I said while sighing parang masama ata pakiramdam ko.

"Pero..."

"Cut it off. Ang drama mo talaga Tifa, hindi bagay sa kilala kong Tifa na grabe magalit." Pinisil ko ang magkabila niyang pisngi. So cute.

"Aray ko naman, pero..." Ako talaga pinupuno nito.

"Sino partner mo?" Pag-iiba ko ng topic, paulit ulit na lang kasi.

 Nag-blush siya, nakita ko 'yon. Uy I smell Tinapa este fishy pala nagkamali. Nandito na nga pala kami sa Track and Field para sa P.E.

 Nangangawit na nga kami dito kakatayo. Si Celes nagtataka ako, nawawala dito sa tabi namin. Magsisimula na kaya lang wala pa siya. Pati si Noct wala din dito, maliban kay Kumag. Ah 'yon oh pinagkakaguluhan ng mga babae. Kawawa naman halos masira ang P.E t-shirt niya.

 Mahahaba pa naman ang kuko ng mga babaeng nakapalibot sa kanya. Nakakasugat na sila ah. Pero parang wala lang kay Kenneth.

 Kinabog naman ako ng awa at nagmalasakit na. Nilapitan ko na siya.

"Hey, Kumag tara na magsisimula na ang P.E. Para kang basang sisiw diyan," wika ko.

 Napatingin lahat sa akin, kahit si Kenneth nakatingin sa akin ng may question mark.

 Tumikhim lang ako.

"Miss sinong hinahanap mong kumag?" tanong ng isang malanding babae.

'Ikaw na mukhang mangkukulam'

"Baka nawawala 'yan. Hahaha," dagdag naman nung isa.

'Hindi nakawala lang ako, at nagpipigil na mapatay ka'

"Kawawa naman," maarteng wika ng babae.

'Mas nakakaawa ka kapag ako ay napuno'

 Nagpipigil lang ako, makakapatay ako dito.

"Sino pa bang lalaki sa inyo, don't tell may mga bakla sa inyo." Natatawa kong pahayag.

"Tara na nga." Nasa tabi ko na pala si Kenneth, siguro napukaw lang pansin ko sa pangbabara.

 Itinulak niya na lang ako papalayo, pasalamat ang mga bruha na 'yon. Mga belat sila at hindi pinili.

"Don't touch me, you jerk." Napansin kong nakahawak siya sa braso ko.

"Sinong jerk, ikaw nga idiot alam mo ba kung anong ginagawa mo," puna niya.

"Alin ba ang pagiging mabuti kong tao. Hindi qualified 'yon ang bait ko nga eh. Pero yung isa diyan tatanga-tanga, alam na ngang sinasaktan pero parang manhid."

"Anong sabi mo?" Ay dumadami mga bingi sa bansang Pilipinas, unahin niyo na si Kenneth. Bingi lang ah, eh siya na nga pinariringgan bingi pa.

"Wala, siguro kayo 'no." Tumingin ako sa bandang likuran may nakatayong mga grupo ng geeks.

"Alin po," pagtataka ng mga ito. Isa pa ang mga ito, idagdag na rin ang mga ito sa listahan ng mga bingi. Maraming may mga kapansanan sa mundo, tapos ang ito mga may kapansanan na rin. Hay naku.

Last Royal Mafia (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon