Chapter Eleven;

432 11 0
                                    


Chapter Eleven; What makes you think something?

Tifa POV;

Nae-excite na talaga ako, ito ang unang magiging misyon namin, simula nang muli kaming makompleto. Exciting talaga kasi ngayon hinihintay namin dito sa labas ng Airport si Roy Sollevan.

Halos kanina pa nga kami naghihintay.

"Wala pa ba siya?" tanong ko kay Ate Celes, kasi kanina pa siya nakatingin sa gate ng Airport.

Habang kami naman ni Princess nag-aabang sa magiging sagot.

Eh sa nababagot na ako kahihintay.

"Wala pa," hindi ko inaasahan ang sagot ni ate Celes.

Aba't kanina pa kaming naghihintay. Madilim pa naman sa paligid, kanina nang sunduin kami ni Uncle Sam. Agad kaming pumunta dito.

"Baka hindi na iyon pupunta," sabi ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.

8:00 na kaya ng gabi, aba malay ba naming baka nagkaroon ng aberya sa biyahe ng eroplano.

Natahimik ako ng makitang parang nalungkot si Princess.

"Sorry I didn't mean-

"Nandiyan na sila," mabilis na sabi ni Ate Celes, mabilis kaming napatingin sa direksyon kung nasaan si Roy Sollevan.

Mabuti na lang nagpakita na siya, nakakabagot maghintay sa demonyong iyan.

Nang makapasok ito sa kotse si Ate Celes, binuksan na din ang kotse namin. Pinaandar agad para habulin ang demonyong iyon. Walang time para sa kanyang magtagal pa sa Pilipinas.

Para atang bumalik ang excitement sa dugo ko. Medyo nangangati na kasi kamay ko para pumatay.

***

Sophie POV;

Sa wakas nagpakita ka na rin Roy Sollevan. Pinaghintay mo pa kami ng matagal. Ang akala ko talaga hindi ka na magpapakita. Pero mabuti na lang nagpakita ka na.

Matagal kaming naghintay, pero ngayon konti na lang ang agwat ko sa iyo.

Nangangati ang mga kamay ko para kalabitin ang baril na 'to.

Nang mapansin kong lumiko ang kotse ni Roy.

"Kanan," sabi ko kay Celes, alam ko na saan ang punta ng putang iyon.

Niliko nga niya ang kotse, dapat kasi kapag matambangan na iyon. Baka kasi matakasan pa kami, mahirap pa namang maghagilap.

Agad kaming bumaba ng kotse, inayos ko na ang baril na gagamitin ko. Kahit sina Tifa at Celes inayos na rin nila ang gagamitin din nila.

Dito sa mismong pwestong ito namin sila tatambangan. Magagaling talaga ang mga Mafia, inaalam ang mga lugar kung saan dadaan. Alam kasi nilang madalas na traffic sa Kamaynilaan. E'di syempre sa mga lugar na hindi sila maaabala dadaan. But sorry na lang sila, dito na ang magiging huling hantungan niya.

Ganito talaga ang mundo laging may kabayaran.

Nang maaninag ko na ang kotse.

"Barilin mo Tifa ang gulong ng kotse," utos ko kay Tifa.

Eksakto nga niyang natamaan ang gulong, kaya naman nawalan ng balanse.

Bumangga ang kotse sa isang poste, agad naming nilapitan ang kotse.

Nang makalapit kami nakita kong duguan ang driver, si Roy naman pinipilit makalabas. Pasensya siya dahil kahit naman malabas siya, patay din naman siya.

Last Royal Mafia (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon