Chapter Nineteen;
An Accident Occured!
Celes' POV;
Ngayon ay sakay kami ng kotse ni Princess. Kasama na namin ngayon si Angela, at mukhang hindi maganda mood niya halata naman sa pagiging tahimik niya simula kanina pagkatapos namin siyang isama. Nabad-trip ata ng kausapin namin tungkol kay Kuya Marlo. Sa tingin niya ba siya lang nasasaktan sa mga nangyari, sampung beses ang sakit sa akin n'on. Mahal ko ang kuya ko na higit sa lahat, kasa-kasama ko siya simula pagkapanganak sa akin. Kaya nang mamatay siya mas matindi impak sa akin, ikaw ba naman ang mamatayan ng kuya. At ang kuya ko na pinatay ng Mafia 5 years ago ang nagtulak din sa akin upang pumatay din sa kanila. Mga nasa labin-dalawang taong gulang palang ako ng makilala sina Princess at Tifa. Ang natatandaan ko matalik na magkaibigan sila no'n at ako ay baguhan pa lamang. Gusto ko noong matuto lumaban at maghiganti.
Sa edad ng kuya ko noon mga labing anim na taong gulang siya, at si Angela naman ay labing apat na taong gulang. Alam ko ring matagal nang gusto makapaghiganti ni Angela. At sa bawat pagtangka niya siya rin ang napapahamak. Marami ding balita na muntikan na siyang mamatay. Pero ang mas nakapanlumo sa akin ng mapabalita na muntikan na rin siyang magpakamatay. Kaya gusto ko siyang pasalamatan sa tunay na pagmamahal niya kay Kuya Marlo, at kaya niya ring isakripisyo ang sarili niyang buhay para dito. Pero nang dahil din sa kanya NAMATAY ang kuya ko. Bagamat gano'n hindi ko siya kayang sisihin.
"Masama ang nararamdaman ko ngayon, maaaring may mangyaring masama. Mag-iingat kayo." Pagbasag ni Princess sa katahimikan pero nakatuon pa rin ang atensyon niya sa pagmamaneho.
"Talaga! Sabi ko na eh. Masama talaga ang pakiramdam ko tungkol dito," segunda ni Tifa at seryoso rin ang mukha niya.
"Hindi ako sigurado din, pero dapat maging alisto tayo ngayon. Kakaiba parang hindi ko alam kung ano," dagdag pa ni Sophie.
"Dumating kaninang umaga ang anak ni Caesar na si Marvin Joseph Gallado," mahinang usal ni Angela. Pero nakatingin lang siya sa labas ng bintana ng kotse at mukhang napakalalim ng kanyang iniisip. Ngunit talaga bang si Marvin Joseph ang tinutukoy niya. Parang nag-init ang gilid ng mga mata ng mapagtanto kung anong pangalan ang iniusal niya. "Ang taong pumatay sa taong mahal ko," parang may kung anong bumara sa lalamunan niya.
Tama si Marvin Joseph Gallado ang pumatay sa kapatid ko! Ang hayop na 'yon na walang awang pinahirapan ang kuya ko. Napaiyak na lang ako at narinig ko ang paghikbi ni Angela.
"Sa wakas sa tagal ng pagtatago niya, nagawa na rin niyang lumantad. Pagkatapos nito, nitong kabaliwang ito ako mismo ang papatay sa kanya," desperado kong pahayag at humagulgol akong umiyak. Kasabay din ni Angela.
Inaalo kami Tifa, pero. Sisiguraduhin kong makakapaghiganti na ako... Ang namatay kong kapatid bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay niya.
Hindi pa rin kami tumitigil ni Angela sa pag-iyak.
"Tu-tumigil n-na k-kayo p-lease. H-hindi m-makakatulong 'yon sa tra-baho natin," pigil sa amin ni Tifa.
Nang bigla na lang...
BOOOOGSSHHH!!!
May bumangga ng kotseng sa sinasakyan namin sa likod. Dahil sa pagkabigla ko, naramdaman ko na lamang nauntog ako sa gilid ng bintana. At ang pagkirot ng bahaging kanang braso ko.
At ilang sandali may humila sa akin papalabas ng kotse. Kahit malabo pa ang paningin dahil sa pagkakauntog, nakita ko ring hinila papalabas ng sasakyan sina Tifa, Angela at Princess. Duguan din sila tulad ko, pero ang mas ikinagulantang ko ang humila sa amin papalabas. Mga naka-dark suit na Mafia at kahit napakalabo pa ng paningin ko... Nakikita kong papalapit sa amin sina Marjorie at Rosario ang Twin Sisters Assassins. Hawak ng mga ito ang iba't ibang armas na gamit ng mga ito sa pagpatay. Nakakatawa kasama din nila ang mga kaibigan namin na sina Reign at Cassandra. At mukhang sinasadya nilang hulihin kami.
BINABASA MO ANG
Last Royal Mafia (Under Revision)
AcciónMatapos ang brutal na pagpatay sa pamilya ni Sophie, nagdesisyon siyang maghiganti kasama ang kanyang Uncle Sam at dalawang pang matalik na kaibigan na sina Tifa at Celes kapwa nila hinanap ang hustisya sa mga taong sa kanila ay kinuha ang buhay ng...