Last Royal Mafia Chapter Twenty-One

281 5 4
                                    


 Tifa P.O.V;

 No comment. Talaga ngang napakagaling ng isang TSA hindi kasi ako makatama ni isa. Siguro dahil din sa sugatan na ako kaya 75% lang ang naibibigay ko sa laban. I can't assure that I can win, lalo't pakiramdam ko ayaw ng gumalaw ng mga muscle ko.

 Alam na ata ni Rosario lahat ng mga bagay sa pandaraya. Tss. Nakilala kasi sila sa mga pandaraya at madahas na pagpatay. Kung ganito ang usapan napakalamang niya na.

 Bumaling muna ako kay Princess. Oh shit another disappointment. Lamang sa kanya si Marvin, mabuti na lang at natalo niya na si Marjorie kundi talagang manlulumo ako. Pero siguro kailangan ko lang maging kalmado hanggang matapos ang kalokohang ito.

 Muling umatake si Rosario.

 Inaamin ko mas magaling si Princess sa amin ni Celes. Noong unang beses kaming nagkakilalang tatlo, agad akong namangha at nagulat sa taglay na determinasyon ni Princess kahit batid niya ang sakit ng mamatay ang pamilya niya. Naiyak pa ako nang araw na yon nang marinig ang mga kwento niya...

 Sinalag ko ang pag-atake ni Rosario. "Lumaban ka!" sigaw niya.

"Hello? Ano ba ang ginagawa ko?" nagtaas ako ng kilay at saka binalak na sipain siya. Pero agad naman din siyang nakailag. Nakakainis na! Para lang kaming naglalaro, hanggang kailan ba kaming magiging ganito. Samantalang ginagawa ko naman lahat tulad niya. Tss.

 But the truth kept making me down. There is nothing that I can do, the truth that I'm really injured.

"Magaling si Sophie kumpara sa inyo ni Celes sadyang pasakit lang kayo," komento ni Rosario.

"So?" Inaamin ko naman eh sa simula't sapol hindi kami katulad ni Princess. Kakaiba kasi ang mga ensayo at karanasang pinagdaanan niya.

 Ayoko na nga suko na ako. "Okay... Time is up. It's probably wasting my strength arguing at you. Magseseryoso na nga ako," I said while looking at the sky. Ewan trip ko lang pagmasdan ang mga ulap. Nakakainis na kasi. Bago ako muling humarap sa kanya.

 Napuna ko na medyo nagulat siya sa sinabi ko. I smiled sweetly to her, this is my style before killing someone. Somehow I felt better than a while ago. Nakakabagot kasi.

"What do you mean by that?" pagtataka niya mababakas pa rin ang pagkagulat at inis. Hindi ako nagbibiro, seryoso ako ngayon lalo't bored ako.

"Nakakabagot kang kalaban. Take note Rosario, hindi makikilala ang Deadly Sisters kung ang pamantayan ay kung anong klase kami lumaban!" Mabilis akong lumapit sa kanya. Nagulat siya dahilan upang hindi siya nakailag. Sinugatan ko ang pisngi niya. Isang sugat na kahit sino ay hindi gugustuhing makita. Ang laki kasi ng pagkakahiwa ko. Halos makita na ang buto sa mukha niya. Lubha siyang nagulat, kasi naman halos matalop na ang buong mukha niya.

 Ang ganda na ng itsura niya, human art. Kita na ang buto niya at pahilis talaga. Sorry talaga... Gantihan lang kasi.

 Hindi siya agad nakakilos dapat pala yung mata na lang niya pinuntirya ko. Sayang ulit uli.

"Ouch," arte ko at saka ngumiti ulit.

 Ang mukha niya sobrang shock like there is no tomorrow like amazingly disgust at her own face. Eww. Buti nga mas nagmukha siyang maganda sa paningin ko. "WHAT THE HELL? LOOK, WHAT HAVE YOU DONE TO ME?!!" gilalas niya.

 Ay tanga! Sumugod nang hindi nag-iisip talagang nagpapakamatay na siya. I really like her face now. She's now like a zombie at my favorite movie.

 Sinaksak ko siya gamit ang kanyang hawak na matalim na bagay. Madali lang pala eh. Nagpabugbog pa ako. Bwisit talaga. Sometimes I need to use my precious brain nagiging walang kwenta kasi. "There is no one yet that can defeat DS even though you are a TSA. I don't have reasons to make our fight to take longer. I'm not telling this because I'm really lucky to have skills, I respect your bravery and your funny moves.  In order to kill one DS you must know that there is no one yet born that has strength and courage to fight us. Although you scratched even a single part of my face, well sorts of you've given me more reason to do this." Isinaksak ko mabuti sa tiyan niya, mas pinalalim hanggang sa maramdaman ko na pati ang internal organs niya ay natamaan na. The game is now over for her. Just easy, like a piece of cake.

"Sa... yo... na... ra," bulong ko sa kanya kasabay ang pagngisi.

"Hindi... pa... tapos ang... lahat, napatay niyo nga kami ng kapatid ko. May kapalit ang lahat... isang buhay... para sa... isang buhay... Matanne..." May comment pa. Mamamatay na lang kailangan pang magbigay ng opinyon. Sus. Di na uso 'yan.

 Bumalik ulit ang hapdi ng sugatan kong braso. Shit. I hope this day would end peacefully...

 I'm just kidding at the part I can't fight against Rosario. Nagdadrama lang ako, bored lang talaga that's why I said those stuffs.

 Shhh... May kung anong tumawag sa akin at napalingon sa direksyon kung nasaan si Celes.

 Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang eksaktong pagbaril ni Cass kay Celes. DAMN!!! Napatakbo ako papalapit sa kanila at inagaw mula kay Cass ang baril...

 Pero... Nabaril niya na si Celes... Nahuli na ako... Tiningnan ko si Cass ng sobrang sama, isang titig na nilikha lamang para ipakita ang matinding galit.

"Why did you shoot her?" mabilis na tanong ko.

"S... she killed m... my father..." Hindi lang si Celes ang pumatay sa ama niya maski kami ni Princess ay pumatay din dito.

 Ang mas ikinatakot ko ng inspeksyunin si Celes, wala na itong buhay, maski heart pulse wala na!

 What a such kind of feeling?!

"Hindi ka si Cassandra Ho kaya hindi ako maaawa ni isang saglit sa paganti sa ginawa mo kay Celes! F*ck you!"


Sophie P.O.V;

 Lumingon ako sa direksyon nina Tifa, Angela at Celes hindi ko mapigilang mapapikit habang pumapasok sa isipan ko ang sitwasyon namin. Kung sa isang iglap lang mawala sa harapan ko si Marvin siguro maaari kong matulungan sila Tifa. Pero dahil hindi ko inaasahang mahusay talagang kalaban si Marvin. Inaamin ko sa pagharap ko pa lang sa kanya ngayon, dama ko nang alam kong nahihirapan na ako. Napakahusay niyang humawak ng espada nalalamangan niya na agad ako.

 Habang wala ako sa postura, binalak ni Marvin na atakihin ako sa likod. Ngunit agad din naman akong nakailag. Ako naman ang nabigyan ng pagkakataon, kaya ginamit ko ang pagkakataong yon upang planohing sunggaban ang braso niyang walang man lang awareness.

 Nagkakamali ako naging dahilan yon para madaplisan ng talim ng espada niya ang pisngi ko. "Napakahangal mo talaga Princess. Hindi mo ako masasaktan sa mga ganyang pag-atake," wika niya.

"Nakalimutan kong isa kang dakilang mandaraya. Hindi ako umaasa sadyang hindi ka matatalo kung ganito lang kadaling mabasa ang kilos ko." Pagkatapos kong makahulma, lalapit na sana ako kaya lang may kung anong mabigat na bagay ang tumama sa akin. Kaya imbes na makalapit ako ay natumba kasabay ng katawan ni Cassandra! Oh holy f*ck!

"What the hell is happening?!" sigaw ko habang inaalis ang katawan ni Cass na nakapaibabaw sa akin. Napadako ako ng tingin kay Tifa dahil kanina ay magkaharap ang dalawa. Nanlaki ang mata ko ng makita ang duguang mukha ni Tifa, kanino galing ang mga dugong yon? Nasa paahan niya ang nakahandusay na katawan ni Rosario.

"Sorry, Princess." Nakakatakot ang mga ngiti niya. Nakaramdam ako ng matinding takot. Totoo nga ang kumakalat ns sabi-sabi tungkol sa kakayahan ng Guiao na maski ako ay nakaramdam ng takot.

 Nagawa niyang matalo ang dalawa sa isang iglap? Imposible! Ang kilalang assassin na si Rosario at ang dati naming kaibigan na si Cass nagawa niyang pabagsakin?

"T-Tifa?" dahan dahan akong lumapit sa kanya.

 Sa paglapit ko doon lang ata siya nagising dahil sa kakaibang reaksyon niya. "Pri-Princess..." Niyakap niya ako ng kay higpit.

"Okay lang...shh... Okay lang Tifa," alo ko, pinapakalma ko siya habang nakayakap siya sa akin.

 Agad siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin. Mababakas ang pamumutla sa mukha niya kahit may mga dugo sa mukha niya. "Si Celes," mabilis niyang sabi at napadako agad ang paningin ko kay Celes na nakahandusay. Hindi na rin siya humihinga. 

 Tatakbo na sana ako papalapit kay Celes nang bigla na lamang humarang sa daraanan ko si Marvin. Sa sobrang gulat ay napaatras ako ng di oras dahilan para matumba ako.

"You don't know yet, don't you. She's already dead. Can you still feel her pulse it's already gone and she is not breathing too. Accept it, she's already gone. Kahit ano pa ang gawin niyo wala na rin kayong magagawa. Alam mo yon Tifa." Bumaling ito sa tahimik na si Tifa. Ano ba ang kakaibang kaba at takot na bumabalot sa buong pagkatao ko? Tiniyak ko kung totoo ang mga tinuran ni Marvin. Tumingin ako kay Tifa upang itama ang mga sinabi ni Marvin. Ngunit kahit anong salita ay wala siyang naiusal. Napaiyak at napakagat ako ng ibabang labi ko nang mapagtanto na totoo nga... Wala na akong maramdamang buhay maski man kumilos o gumalaw ito. Napasinghap ako... Sa matinding sakit na parang paunti unting kumikitil sa akin. "Ahhh!" sigaw ko habang hindi magtigil sa pagwawala.

 Napakaraming karayom ang tumutusok sa puso ko. Hanggang sa maramdaman ko na unti-unting nahihirapan akong huminga... Is it true?! Celes is already dead? Ayokong maniwala at ayoko ring isipin dahil ayaw tanggapin ng sistema ko. Mariing akong napapikit... Dinama ang paligid alam kong aksaya lang sa oras ang ginagawa kong pagmumuni. Hindi ako hahayaang makalapit ni Marvin para tingnan si Celes.

 Mananatili ba akong ganito hanggang makalipas ang tensyong ito... Pinunasan ko ang mga malalaking butil ng luha mula sa mata ko. Pero kahit anong gawin ko, punasan ko man ito ng paulit-ulit patuloy pa rin sa pagbuhos ang mga luha ko.

"Wala ka ng magagawa Princess matalo niyo man ang TSA walang pinagkaiba yon sa katotohanang tapos na ang lahat. Tapos na ang legasyang ginawa ng DS, ito na ang huling araw para sa inyo." Naglakad papalapit sa akin si Marvin. Hindi ko na lang siya pinansin. May kung anong gustong makawala mula sa puso ko.


 Tifa P.O.V;

 Wala akong nagawa kundi mapaluhod. Wala na si Ate Celes!

 Nang lumapit ako sa katawan niya wala na akong maramdamang buhay mula dito. Napaiyak na lang ako. Tulad ni Princess lubos akong nanlulumo. Hindi ko nga alam kung humihinga pa ba ako.

 Feeling ko, there is no more blood circulating in my brain. It was a sudden. Is Celes' really dead? I don't want that to happen, if it is true. I'm going to die!

 Sa sobrang pamamanhid ng katawan ko maski ang braso ko ay hindi ko na maramdaman. Kapag nakatayo ako, sisiguraduhin kong mamatay silang lahat! Wala akong ititira maski ang kadugo nila. Muling naramdaman ko ang pag-iinit may sumunggab sa aking mga Mafia.

 Pinahiga nila ako sa matigas na semento. Bakit wala akong maramdaman, pero ang galit ko nag-uumapaw? Ang emosyon ko ang nagbibigay ngayon ng lakas sa akin nang itapat na sa akin ang mga hawak ng mga itong baril kusang kumilos ang katawan ko.

 Kasabay ng pagdaan ng malakas na hangin may sariling isip ang katawan ko.

"WHAT THE F*CK!!" sigaw ng isang nakahigang Mafia pero yung daliri ko kinalabit ang gatilyo ng baril. Masarap sa pakiramdam. Parang lumulutang ako sa alapaap...

 Kahit ano na lang ang mahawakan ko at saka ginagamit ko ito upang pumatay... Kakaiba.

 Nilalas ko ang leeg ng isang malapit sa akin. Binali ang braso, sinaksak, tinadyakan, binaril sa ulo, parang pumapatay lang ako ng mga kawawang hayop.

 Nakangiti ako. Hindi na batid ang ibang sugat at daplis ng mga tama ng baril. Ngayon ko lang 'to naramdaman. Kaya nagpapasalamat ako. Tila unti unti ring naghihilom ang mga sugat ko maski ang bali ko sa kaliwang braso. Oh what a nice feeling?

"Patawad! Patawarin niyo po ako... Pakiusap may pamilya akong naghihintay sa pag-uwi ko..." pagmamakaawa ng isang kayumangging Mafia. Pilipino ang ibang Mafia dito, tss talagang sinusubukan nila kami.

"I don't know the word pity," sabi ko habang tinititigan siya ng masama. Hindi nila ako mauutakan dahil kapag Mafia ka, hindi ka maaaring mag-asawa labag 'yon sa kautasan ng Origin.

 Kinalabit ko ang gatilyo at saktong itinapat sa ulo niya ang baril.

 Tulad ng dati. Hindi ko naramdaman ang kahit anong regret, dahil wala namang lugar ang ganyan emosyon. I won't regret anything even in future, this is the path I have chosen and there is no such feeling that would make my mind change.

 Sumandal muna ako sa isang malapit na itim na kotse. Lahat naman ng kotse itim eh. Ang lagkit naman ng pakiramdam, puro dugo na ang damit ko.

 Mahusay talagang makipaglaban si Princess sa ngayon ay mas lamang na siya kay Marvin. Nang umatake si Marvin agad na nakakilos si Princess. Sa pagkakataong yon nabigyan ng pakakataon si Princess upang matamaan si Marvin sa likod.

 Napangisi ako nang masugatan niya sa likod si Marvin. Malaking sugat yon. Sigurado kapag gumaling ang sugat na yon, malaking peklat at saka nakakatakot yon. Natawa ako ng maisip. Napaluhod tuloy si Marvin at napasigaw, ang sarap talaga sa pakiramdam ang mga mumunting palahaw niya. Hmmm... Parang musika.

"Masarap hindi ba?" nakangiting tanong ni Princess.

 Ngiting aso lang ang sinagot ni Marvin.

"Ipaparamdam ko sayo ang hirap na pinagdaanan namin sa kamay niyo!" Sinipa niya ang mukha ni Marvin. "Tapos isusunod ko ang hayop mong ama!" Sinipa niya ulit sa mukha. Oh masakit yan. Promise. Kawawa pero slight lang.

 Aaminin ko may itsura talaga si Marvin kaya lang iba kasi ang attraction, mukha kasi siyang panda ngayon. 

 Nagtataka ako hindi man lang siya tinutulungan ng ibang tauhan niya. Baka magtanong kayo bakit hindi ako sinusugod at malaya akong nakakapagpahinga ngayon, dahil nakatago ako. Then, yung iba talaga tutok sa labanan nina Princess at Marvin. Kahit siguro sino ay mapapatingin at matutuksong panoorin ang ganito kagandang laban.

 Kaya lang... Lumilipas ang ilang segundo at parang nakakasawang panoorin ang palaging natatamaang Marvin. Tss. Ayaw pang aminin lamang na si Princess, sa katunayan nga ay pinapatagal lang talaga ni Princess upang iparamdam kay Marvin ang matinding sakit. Tama lang yan kay Marvin.

 Dahan dahan akong naglakad papalapit sa katawan ni Ate Celes. Batid ko pa rin na sugatan ako... Ngunit kapag sa kondisyon na ni Celes parang lubos akong nahihirapan huminga at intindihing patay na siya. Kasalanan 'to ni Cass.

"Huwag mo siyang hawakan, Tifa." Isang pamilyar na boses ang pumigil sa akin.

"Angela..." usal ko.

 Nilapitan niya ako at agad na siniyasat ang braso ko. Sugatan din siya tulad ko, hindi lang gaano. "Are you all right?" I asked her.

"Yes, kaunting galos lang ang mga natamo ko. Pero kayo talaga ang pinaka-sugatan..." Tinapalan niya ng malinis na panyo ang braso ko. "Mabuti na lang at hindi masyadong napuruhan ang kaliwang braso mo. You are lucky. Marahil kakaiba ang mga buto mo kung maihahalintulad sa ibang tao, pero matinding sugat naman ang mga natamo ng ibang parte ng katawan mo," she explained. Talagang maswerte ako.

 Habang busy siya sa pag-aasikaso sa akin... Unti unti naman kaming pinapalibutan ng mga tauhan ni Marvin. Kalokohan na talaga ang nangyayaring 'to. Parang wala lang kay Angela ang pagtitipon ng mga ito at pagtapat sa amin ng mga baril at kung ano-anong sandatang maaaring galing sa kung saang pangkat ito mga nabibilang. Life is too playful. I can't say anything anymore, though I can still stand. I want to, and I have to, because I have purpose of course. But I guess it was a useless fact that proving things doesn't really that necessary anymore at this moment. Malakas nga ako, pero kung uupo lang ako dito for sure sa kabaong ang hahantungan ko o namin. Katakot. Ang haba ng sinasabi ko. Laban na nga lang... Tumayo na kami ni Angela at humarap sa kanila. Wala na atang katapusan 'to, marami pa sila kung ikukumpara sa limang-pu na nakalaban ko before.

 Tumabi sa amin si Princess sa wakas natalo na rin niya si Marvin.

"Celes is still alive," I said.

 Mukhang nagulat pa siya, ngunit agad ding nawala at napalitan ng ngiti. Alam kong nakahinga siya ng malalim sa sinabi ko. "Thank God..." narinig kong bulong niya.

"Nawalan lang siya ng malay. Huwag kayong mag-alala alam kong malakas ang katawan niya kaya't imposibleng ikamatay niya ang mga ganoong sugat," wika naman ni Angela.

 Hmm. That's a nice thing.

"Mabuti na lang nandito ka Angela," sabi ko habang inaayos ang nagulo kong buhok.

"Tss. Those bastards let's give them the most memorable torture that they will never forget forever." Mukhang ganado si Princess. "Magpahinga ka na lang Tifa, kami na lang bahala ni Angela sa mga mokong na 'to," utos ni Princess. This is unfair.

"Ang akala ko ba si Kenneth lang ang sinasabihan mong mokong?" puna ko. Bahagya siyang napatingin sa akin.

"How on Earth, Kenneth's name got involve here?" Halata naman talaga.

"Ano'ng mayro'n sa pinsan ko?" pagtataka ni Angela. I smell something fishy, siguro yong mga dugo lang yon na nagkalat.

"Never mind. Para matahimik ka na nga Tifa tumulong ka na lang," pagtataray ni Princess. Asar talo siya. Alam na. Halata na ang pagiging asar talo niya.

 Mabuti na yan para maipaghiganti ko ang pagkabugbog sa akin.

"Let's go," sigaw ni Princess.


 Kenneth's P.O.V:

"Ano na? Ano daw sabi?" tanong ni Carl sa akin.

"May roadreblocking daw," sagot ko. Kinausap ko ang isang grupo ng mga lalaking nakasuot ng pang-construction na uniporme.

 Sinundan namin ang grupo ni Sophie at ang pagkakaalam ko dito talaga siya dumaan. Oh naligaw kami? May pagkamali mali din kasi ako sa direksyon, may misdirection akong sakit eh. Aba malay ko ba? Ang akala ko madali lang sundan ang DS dahil kotse pa lang nila madali ng masundan.

"Aist! Dapat pala ako na ang nagmaneho!" reklamo ni Carl habang hinahampas ng braso niya ang harapan ng kotse. Shit, how can he just do that to my favorite car?

"Hoy huwag mo ngang gasgasan ang kotse ko, samantalang nakikisakay ka lang!" saway ko.

"F*ck! Kung alam ko lang na mangyayari 'to edi kotse ko na lang sana ang ginamit natin. Maganda nga ang kotse mo pare pero ang driver walang silbi!" sigaw ni Carl habang hindi maalis sa mukha niya ang pag-aalala.

 Napaka-kapal talaga ng makapal niyang mukha. Nakisakay na nga may gana pang magreklamo, kung alam kong ganito ang mangyayari ibibigay ko talaga ang susi ng kotse ko.

"Aist! Oh my holy God! Tulungan niyo kami!" sigaw ni Carl, hindi ko alam para saan ang pag-arte niyang pagdidikit ng palad at pagdarasal.

"Kailan ka pa naging maka-diyos Carl?"

"Kaninang 5 mins pagkatapos mong iligaw ang kotse mo... Oh Panginoon... Tulungan mo po sana kami..." Pinagkiskis niya pa ang palad niya at mataimtim na mukhang tangang nagdadasal.

 Sa sobrang pagka-inis ko at problematic din tulad niya. Gagayahin ko na sana ang kabaliwan niya, pero napagtanto ko ngayon pa ba ako aasa sa Panginoon?

"Tumigil na kayo," kalmadong sabi ni Noctis. Nandyan pala siya akala ko estatwa.

"Shhh... Huwag kayong maingay baka matulungan tayo ng kalikasan. Maaari silang magbigay ng sign." Tama nga ang hinala ko, may tama na nga sa utak si Carl.

 Nakapamulsa ako at sa sobrang inis sinipa ko siya sa likod habang ginagawa niya ang nakakahiyang ritwal. "Pwede ba Carl. Ang old beliefs mo matagal ng nakalipas kay nga old, and don't make yourself look like a clown. It looks creepy hindi bagay sa kilala kong John Carl."

"Ang sakit naman. Dapat sinabi mo agad para di na ako lumuhod. Kung may plano kayo sabihin niyo kasi agad, nagmukha tuloy akong tanga." Ako ang papatay sa kanya.

"Wala pa kaming plano."

 Pumwesto muli siya at umarteng nagdadasal. "Pakitawagan niyo na lang ako, taimtim ko pang dinadama ang kalikasan. Baka matulungan tayo ng mga rabbit..."

"Walang rabbit dito," sabat ni Noctis.

 Tinadyakan ko uli siya. Ngunit sa pagkakataong ito mas nilakasan ko dahilan upang halos mahalikan niya na ang lupa. "You are making the things more complicated."

"Pare naman! Baka maraming mga gwapo do'n sa pinuntahan ng mga babae. Taob ka do'n makisali ka na para tulungan ka ni Bathala hindi maagaw si Sophie mo!"

 Nagmamadali akong lumuhod sa tabi niya at mukhang tanga na nakisali sa kabaliwan niya. Ang pride ko kakainin ko muna.

 May mabigat na bagay ang tumama sa likod ko. Napalingon ako sa seryosong mukha ni Noctis.

 Parang may utak ang mga paa ko at maski si Carl ay napatayo. Iba ngayon ang aura ni Noctis. Ako naman nagpauto kay Carl at naki-mukhang baliw.

"May paparating..." maalertong sabi niya.

 Tama nga may paparating. Bakit hindi ko agad naramdaman ang bagay na 'yon?

"Ano 'yon? May nangyayari ba? Uy sabihin niyo na!" sabat ni Carl.

 Napalingon ako sa daang tinahak namin kanina. Patungo rito ang harurot ng kotse. "Malapit na sila," wika ko.

"Mag-iingat kayo," babala ni Noctis.

"Ano bang nangyayari?!" sigaw ni Carl.

 Siniko ko siya. "Manahimik ka muna," utos ko at pumuwesto ako sa bandang harapan upang agad na makita kung sino man ang paparating.

 Lalong lumalakas ang ingay habang lumilipas ang mga sandali.

 Isang itim na luxury ang mabilis ang andar at dito ang direksyon. Oh shit may eagle sign sa harap nito. Misunfortunate new comers. Sila... Tila labis atang kataka taka ang nangyayari. Pati ang grupo nila nandito... The GazettE.

 Biglang napalingon ako sa katabi kong si Noctis. Matalim ang titig nito sa papalapit na sasakyan. I know, he remembered Celes. Malaking problema 'to mas matinding kalaban ang taong nilalamon ng pagseselos.

 Hindi ko alam kung paano pumasok sa isip ko na maaaring nagseselos si Noctis. Because from the start I know he likes Celes, at hindi lang niya masabi dahil napaka-coldblooded niya kung ikukompara sa isda...

 Huminto sa harap namin ang itim na luxury, mula dito lumabas ang inaasahan naming 5 prince. Marahil pupunta din sila sa RSA pero bakit dito pa sila dadaan ang lawak ng lugar. Bwisit. Ayoko talaga sa lalaking mukhang babae feeling ko napaka-playboy niya. Tss. Lalo na ang apat sa kanila. Darn!

"I've heard that you have already received the news Celestine-sama has a fight today?" wika ng lalaking may kulay pula sa buhok. It was the mysterious Ruki Matsumoto.

"I know," malalim na sagot ni Noctis. Kung sa kanilang dalawa mas matatakot ako sa kaibigan ko.

"Then, you have already known that the DS got ambush at this forest," sabat ng lalaking may hikaw sa labi. Nagulat ako sa tinuran niya kaya agad akong napabaling kay Noctis.

 Isang matalim na titig ang pinukol niya sa lalaking may hikaw sa labi ang pagkakaalam ko si Aoi Shiroyama ang lalaking 'yon.

"Is that true?" maalistong tanong ko kasabay ang sunod-sunod na putok ng mga matataas na kalibre na baril nagmumula ang ingay sa di kalayuan mula sa amin. Ang mga kaninang construction worker naging alerto. May kung anong kinuha ang mga ito sa truck. Syet!

 Hindi sila worker! Kundi mga Mafia! Bwisit talaga! Nagpapanggap lang sila, through all these time.

"Totoo nga ang hinala ko halata na 'yon sa mga kinikilos at kakaibang pagtitig nila kanina pa," saad ni Noctis. Syet! Di ko man lang napansin ang mga ganoong bagay samantalang ako dapat ang unang nakakaalam. What the hell is happening?! Nasira na ba ang mga senses ko.

"Kapag pala hindi pa ako nag-drama o umaktong baliw hindi ko ring mapupuna na kakaiba na ang aura ng paligid, simula ng dumating tayo... Marami sila," seryosong sabi ni Carl. Cut the hell up! Acting lang ba ang ginawa niya. Which means? Argh! Okay cut it off.

"Ikaw lang ang hindi nakapansin," komento ni Noctis habang matamang nakatingin sa akin.

"Eh si Carl kasi," katwiran ko. Lumakad ako pasulong para salubungin ang mga nakasuot ng mafia suit. "What do you want?" I asked them.

 A short silent occured. Napahiya ako do'n. Well, ganyanan naman talaga just leave it like that.

 Nakarinig ulit kami ng sunod-sunod na putok ng baril. Nagmumula 'yon sa isang malaking sunog. Ewan ko lang kung ano.

"I smell blood," napatingin ako sa di ko napansing nakalapit na sa akin Kai Yutaka ata ang pangalan niya. Bumaling ito kay Ruki. "Boss!" maawtoridad na usal nito, at para bang naalerto ang iba nitong kasama. Nagmamadaling tumakbo patungo sa pinagmumulan ng mga putok ng baril. Tss.

"Let's go!" sigaw ni Noctis. Parang hindi maganda ang ibig sabihin niyan. Agad akong naalerto sa paglapit ng ibang mafia sa likod ko.

"He is son of lord Adalbert!" Napalingon ako sa likod ko. Hindi ko man lang naramdaman ang mga iba't ibang klase ng baril na nakatapat sa akin. Oh shit!

***

Last Royal Mafia (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon