Chapter Twenty-Four

29 1 0
                                    

*third point of view*

Chapter 24

"I wonder kung nasa loob nga ng mansyon na 'yan si Farlan Cosa Nostra. Kaduda-dudang napakadali natin siyang nahanap dito sa Rome. I'm actually expecting to find him in a very far and unknown place aside from seeing his safehouse here at the middle of the city. Hindi kaya mali ang ibinigay na coordinates sa atin?" dudang tanong ni Carl habang hindi tinatanggal ang binoculars na gamit-gamit ngayon.

"Don't underestimate the boss of mafia, hindi ibig sabihin na madali nating nahanap ang safehouse na pinagtataguan niya ay madali na natin siyang maaatake ngayon. As you can see nawawala ang signal sa lugar na ito, halatang inaasahan na ang pagdating natin dahil may naghack na ng system of communication natin sa mismong base," saad ni Noctis na ngayo'y pilit na niri-recover ang mga nawalang system data.

"Patuloy niyong bantayan ang bawat lugar kung saan pwedeng dumaan ang mga convoy ni Farlan. Sa kanluran, nakausap niyo na ba si Aoi tungkol sa progress ng pagpasok ng mga gagamiting armas ng mga tao natin?" tanong niya sa kasamang analysis doon.

Nakatunog man ang mga tao ni Farlan sa pagdating nila, hindi maikakaila ang ilang planong binuo nila bago sumabak sa laban. Naudlot ang pagpasok ng mga armas at baril dahil hinarang agad sila ng mga pulis ng bansa at ilan sa mga dala nila ay kinuha ng hindi pa nakikilalang mga tao na tiyak niyang ipinadala ng mga tauhan ni Farlan.

"We're trying to contact his group until now but no one is answering our calls," sagot nito nang tanggalin sa tainga ang isang earpiece.

"How many of our men are waiting in the both sides of the city?" tanong na lang niya ng mapuno na sa mga nakukuhang negative update.

"Tatlong daan sa hilaga, samantalang tig-isang daan sa kanluran at silangan," si Carl ang sumagot.

"Shit!" Kapwa sila napatingin sa napamurang si Noctis habang titig na titig sa monitor ng laptop nito. Agad niyang nilapitan ito.

"What's wrong, is there another intruder to our system?" he asked.

"Kaya pala ang nag-iisang lugar kung saan natin mahahanap si Farlan ay dito na lamang sa Rome ay dahil expected na niyang walang makaiisip na nandito siya magtatago, knowing this place is not isolated from civilians and no one will think that he will be here, walang magtatangkang manggulo sa kanya kung ang buong mundo ay maaaring makita ang kahit na anong mangyayari sa kilalang lugar na ito. His safehouse has a huge underground field. Mahigit isang daang kilometro ang sakop ng underground, and we're actually standing from above of it."

Nagmamadaling kinontak niya ang mga tao pinadala na nagbabantay ng buong paligid ng mansyon na magmadaling umalis doon. They were tricked.

Huli na nang makarinig siya ng mga putok ng baril. "Everyone, we're on war now. Sundin ang plan B!" sigaw niya.

Plan B, they need first to evacuate the people around the city who haven't yet noticing the danger of the whole place.

"Sa wakas, lumabas na rin sila!" biglang wika ni Carl na nakabantay ngayon sa mga surveilance video na ipinakalat sa buong lugar.

"I'm now going," Noctis announced removing his earphones.

"Sige mag-iingat ka," aniya at pumalit sa pwesto nito. "Magpapadala ako ng mga tao na makakasama mo," habol niya nang makitang mag-isa ito.

Inasahan na niya na may underground sa safehouse na iyon ngunit hindi naman sumagi sa isip niyang napakalawak pala niyon. "I need countermen to accompany me," sabi nito sa kausap sa earpiece.

"Magdala ka pa ng isandaang mga tao. Ikaw ang unang papasok sa underground kaya kailangan may malakas tayong pwersa kung sakali so they don't have enough defense in east side," pahayag niya.

Last Royal Mafia (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon