Sophie POV:
What the f*ck? Ang pangit ng araw na ito dahil bumungad agad sa akin ang mokong na 'to. Ang ganda na sana kahit papaano pero naman kasi...
"Anong kailangan mo?" tanong ko ng makalapit ako.
Bigla niya na lang hinablot ang kanang braso ko. Nasasanay na ang mokong na 'tong hablot-hablotin ako.
“Hoy saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko noong huminto kami.
"Tomorrow na magsisimula ang Math activities. Kaya naman kailangan na nating mag-practice," pahayag nito. And so kung kailangan naming mag-ensayo about sa MA (for short ng Math Activity). Wala naman akong big deal do'n. I'm a free woman kaya I don't need to force myself to even be a part of it. Galing ko talaga.
"Paano si Prof. Einstein este Ernald pala," pagpapaalala ko habang nakataas isang kilay ko.
"Nagpaalam na ako sa kanya a while ago."
"Alam mo--"
"Ano?" hindi pa ako natatapos magsalita singit ng singit.
"Alam mo 'kako ang pakilamero mo talaga. Pwede ba kahit minsan hindi kita makita. Napakasaya naman ng mga araw na iyon," sabi ko.
"Hindi kita titigilan hangga't hindi pa ako nagsasawa."
"What do you mean hindi pa nagsasawa? Ano ako libangan?" galit ako ngayon palipas oras lang ako? Gano'n?
Nagsimula ulit itong maglakad. Kahit galit pa ako, sinundan ko pa rin siya.
Nang sa wakas nakarating na rin kami ng library. Nauna siyang naupo, pagkatapos ako na. Pero sa kabilang upuan ako naupo. Para magkaharap lang kami, kapag magkatabi baka mapatay ko pa 'to. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang pinag-usapan namin ni Tito Sam sa nagdaan na gabi. Akala ba talaga ng mokong na 'to hindi ko pa rin siya nakikilala.
May pagmamadali pa akong nalalaman iyon pala wala naman pala akong gagawin. Nararamdaman ko ang gutom. Hindi na nga ako nakakain ng maayos tapos hindi din ako nakapag-breakfast. Parang kumikirot ang tiyan ko sa gutom.
"Pwede ka na bang magsimula?" tanong ko. Totoo masakit nga talaga tiyan ko.
"Oo na ito na. Marunong ka bang mag-chess?" sa wakas nagtanong na rin.
"Oo, marunong ako," sagot ko, noon kapag wala akong ginagawa naglalaro kami noon.
"Wow, magaling ka ba do'n?" kalalaking tao ang usisero naman nito.
"Oo, naman lagi akong nanalo," pagyayabang ko. Maliban lang kay Tito Sam, talo kasi ako sa kanya kapag naglalaban kami.
"Sa equation magaling ka rin?"
"Of course," taas noong sagot ko.
"Iyan tapos na ang review natin. You can now leave."
What the f*ck is this guy? Iyon lang iyon, totoo iyon lang talaga? Ang bilis naman ata ng pagre-review na 'to. O' sa totoo lang wala talaga kaming rereview-in.
Ang kapal naman ng mokong na 'to, nauna pang tumayo. Ako heto naiwan nakaupo pa rin. Piling talaga ang special niya, kapal ng face. Pakinipisan naman para huwag masyadong lumaki, baka sumabog.
Para atang nasayang ang oras ko para lang doon. Samantalang marami akong naaksayang oras na dapat sana ay para sa ibang subjects. Pero maganda na rin ito dahil gutom na talaga ako.
Happy ako makakakain na kasi ako. Tumayo na rin ako 'di kalaunan.
Magpupunta na ako ng canteen, masaya akong makakakain ngayon. Lalo't gutom ako at wala ng aaksayang time. Maghintay ka lang pagkain makakakain na rin kita.
But wait nga lang. Kinakapa ko ngayon wallet ko. Para atang wala sa bulsa ko, and how about sa bag ko.
For the god's sake. Para atang nakalimutan ko, let me remember. Ang pagkakaalala ko, I just put it in my side.
Alam ko na katabi ko iyon habang nasa car ako ni Tito Sam. Kung gayon nakalimutan ko sa car niya! But the worst part, tinatawag niya na ako kanina, tapos hindi ko man lang siya nilingon.
Naupo na lang ako sa isang bakanteng upuan. Pakiramdam ko again para akong pinagsakloban ng langit at lupa. Ibig sabihin wala akong money for sure no food ako. Kailangan ko na bang umiyak, para kasing nakakaiyak ang nangyayaring ito sa akin.
Kinuha ko sa bulsa ko ang phone ko. Idi-nial ko number ni Tito Sam.
"Hello Uncle Sam," paunang sabi ko.
"What the hell are you Sophie? You've forgotten your wallet in my car," saad naman niya.
Oo alam ko iyon, tatawagan ko ba siya kung hindi?
"Uncle, I'm hungry," daing ko, sobra na kasi akong gutom.
Narinig ko ang malalim na buntong hininga niya sa kabilang linya.
"Okay pupunta ako diyan, wait for me."
"Hindi ko na kaya, I'm so hungry na talaga."
"May kilala ka diyan na magpapautang sa iyo?"
"No one, Tito... nagugutom na talaga a...ko"
Hindi ko napansin naputol na ang tawag. Mabuti na iyon kasi wala na akong lakas para magsalita. Kapag gutom daw talagang wala ng pakialam sa paligid. Kasi hindi ko na napapansin ang kapaligiran ko.
Parang umiikot ang mga tao, tapos yung kisame parang doon na mismo naglalakad ang mga estudyante.
Nag-iisip ako kahit papaano, iniisip kong mangutang kay mokong. Kaso nagdadalawang isip ako. Baka kasi bumaba ang tingin niya sa akin.
Siguro hindi na rin uso ang pride sa panahong ito. Pero ayoko talaga as in ayaw na ayaw ko.
"Sophie is that you?" may narinig akong tumawag sa akin.
Kaya naman napatingala ako sa taong iyon.
"Angela..." mahinang sambit ko.
"Why are you looking pale? May problema ba?" nag-aalalang tanong niya, pagkaraan tumabi sa akin.
Ako heto tahimik ulit nakayukyok ang ulo sa desk.
"I left my wallet, kaya naman nagmumukmok ako dito. Tinanghali kasi ako ng gising kanina, kaya hindi na ako nakapag-almusal," bakit ba ako nagsasalita, nakakabawas ng lakas ko.
"Ganoon ba, wait for me Sophie," narinig kong paalam niya.
Ito nanatili lang akong tahimik, tapos ilang sandali lang. Parang naramdaman kong may tumabi sa akin.
Si Angela lang pala, tapos may dala siya tray ng foods.
"Binili kita ng food kumain ka," sabi ni Angela with a sweet smile. Kakapalan ko na mukha ko. Kapag gutom ka dapat wala ka nang inaaksayang oras.
"Babayaran na lang kita pagdating ng tito ko," sabi ko, nakakahiya kasi.
"No need. Remember the things I've told you? Dahil sa iyo nakapag-higanti kami kay Na--"
Hindi ko na pinatuloy ang sasabihin niya. Baka masira pa ang pagkain ko sa pangalang sasabihin niya.
Wow hah, dahil mga paborito ko ang mga foods na ito. May sandwich, hay naku huwag ko ng isa-isahin. Kakainin ko na silang lahat sa tiyan ko. No manners na kung tutuusin pero taong gutom lang ako. Eat all you can marami kasing binili ang angel ko.
"Thank you, Angela..." pagpapasalamat ko. Naglalakad kami ngayon sa hallway, kanina talaga malaking tulong iyon kaya sobra akong nagpapasalamat sa kanya. Alam ko din na hindi basta bastang pagkain ang mga binili niya.
"Wala anuman iyon. Mas malaki nga ang na--"
"Huwag mo nang ipaalala iyon. Basta ito lang ang masisigurado ko iniligtas mo ako sa pagkagutom ko," ang drama ko ba?
“Pero... sige na nga”
"Tara puntahan natin si Tito Sam ko. Para kunin ang wallet ko, babayaran kita sa pagkain na iyon," sabi ko sabay hablot ng kamay niya.
"Hindi na libre ko na iyon," sabi naman niya.
Pero hindi ko iyon pinansin, bagkus nagpatuloy lang ako. Hanggang sa makalabas kami ng building. Sigurado kasi akong hinihintay na ako ni Uncle Sam. Kanina pa siguro iyon naghihintay sa akin.
Ayun nakita ko na siya nakasandal siya sa isang poste. At wow talaga ang pogi niya at ang astig ng porma niya ngayon.
Lumapit akong maigi kasama pa rin si Angela. Nabasa ko sa mata ni Tito Sam na nagtataka siya sa kasama ko.
"Where's my wallet?" paalala ko.
Inabot niya sa akin ang violet kong wallet.
"Masyado kang nagmamadali kanina kaya nakalimutan mo ito," malumanay niyang sabi sa akin.
"Opo, hindi na po mauulit..."
"Is he your uncle?" hindi makapaniwalang Angela. Kaya iyon sabay kaming napalingon sa kanya ni Tito Sam.
I agree with you Angela totoo iyan. Lumapit ako sa kanyang mabuti. Kasi nagtataka na rin si Tito Sam kung sino nga ba ito.
"Uncle Sam this is Angela. Angela this is my Tito Samuel," pagpapakilala ko sa kanilang dalawa. Nakipagkamay lang sila sa bawat isa. Kahit hindi ako ganoon kagaling tumingin, but I feel the atmosphere became quite different the moment they shake hands.
Kenneth POV:
Kahit gusto ko pang magtagal na kasama si Sophie. Parang ang weird ng feeling ko about myself. Something different kapag kasama ko ang babaeng iyon. Parang madali ko siyang nahuhulaan sa kanyang mga kinikilos. Sobrang pagiging worried about her. Isa pa talagang natutuwa ako kapag nasa paligid na siya. I felt very happy na hindi ko maintindihan. Hindi naman ako ganito noon, paano kasi nagiging masaya ako. Kahit sa totoo ang OA na ng nangyayari.
Hindi ko din maintindihan si Sophie. Minsan weird, nagpapatawa ba siya sa mga kinikilos niyang iyon. Tapos ako naman itong natatawa. Parang sobrang cute niya kapag inaasar niya ako.
Kahit sino naman siguro talagang mahuhulog sa kanya. Para siyang anghel sa kadiliman, na siyang bigla na lang nagliliwanag.
Hindi ko alam tumutula na rin pala ako. Pero nakakainis din ang babaeng iyon. Para atang nananadiya na sa mga reklamo. Magaling talaga siya, okay I agree with that. But there's something na naiirita ako lahat gustong madaliin.
Tapos ang drama na parang ewan niya. Nakakalito siya sobra. Tapos kanina nga para siyang namimilipit sa sakit. Hindi ko talaga maintindihan kaya pinatapos ko na lang agad. Iniwan ko siya.
I felt guilty too, kasi may eyebags siya. Hindi ko siya pinatulog kaka-text ko ng kung ano-ano. I'm amazed with her dahil bihira na lang ang mga babaeng academically active these years.
"'Pre ang sama mo kahapon," anas ni Carl katabi ko siya ngayon.
"Ang bagal mo kasi. Mabuti na lang buhay ka pa, magpasalamat ka na lang," sabi ko.
"Akala ko ba magkaibigan tayo. Bestfriends," himutok nito.
"Look Carl mag-bestfriends nga tayo. But you must also remember, hindi lagi akong nasa tabi mo."
"Alam ko bakit kasi hindi ka na lang mag-sorry sa akin Kenneth."
"Oo na sorry. Is that what you want?"
Nakita kong nagliwanag ang mukha niya. Okay friends kami pero hindi ganoon na sobra na halos magkasama. Baka mapagkamalan kaming bakla nito. Ang tindi kasi ng pagsasama namin. Pareho kasi kaming habulin ng mga babae. Pero hindi kami Chick-Boys wala kaming naging girlfriend kahit isa. When loving a woman you need to be sure you both love each other for the rest of your lives, dapat kapag nag-girlfriend ka, dapat 'yong handa mo ng dalhin sa altar at pakasalan.
Hindi ko na hinintay si Sophie, baka kasi uminit ang ulo n'on sa akin. Alam niyo naman ang work niya 'di ba, at pati work ko baka magkaroon ng sagupaan dito.
Pinuntahan ko ang car ko na nakaparada sa parking lot. Saka umalis na bukas naman magkikita kami. But there's something truly hits me. Hindi ko maintindihan, kahit alam ko nang hindi kami magkakasundo ni Sophie. Bakit lagi ko na lang siyang naaalala? Kahit alam ko nang pumapatay siya ng tulad ko.
Alam ko na rin pati background niya. About sa family niya, hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Sobrang gulat na gulat ako nang malaman kong anak siya ng Cosa Nostra royal family. Talagang nakakagulat dahil parang pinagtatagpo kami ng tadhana.
Ayokong sabihin kay Papa ang mga nalaman ko. Alam ko rin kasi pinaghahanap ang huling Cosa Nostra, pati ang Tito nito. Kaya kailangan maging sikreto muna ito hanggang ngayon.
Alam ko na ang dahilan kung bakit pinapatay niya ang mga malalaking grupo ng mafia, naghihiganti siya.
Umiling-iling ako kapag kasi naaalala ko ang mga iyon I feel pity for her.
Ipinasok ko na ang kotse ko sa garahe. Nandito na kasi ako sa bahay, saka bumaba na ako ng kotse.
May kalakihan kasi ang bahay namin ni Papa. Pero ako lang ang nakatira dito kasama ang mga maid. Nasa trabaho si Papa, wala na akong mommy she died six years ago. Ayoko munang alalahanin ang mommy ko.
Pagkapasok ko bumungad sa akin ang pinsan ko. Or do I mean malayong pinsan ko. Baka isipin niyo bakit ganito ako, para kasing masama ang turing ko sa iba.
"Si Mommy may pinabibigay sa 'yo KC. Are you angry?"
"No, I'm just tired. Sabihin mo kay Tita thank you," yes I was really just tired. Pati tuloy pinsan ko pinapasama ko pakikitungo ko.
"KC kanina may bago akong kaibigan. She's really... I guess cute," kwento pa nito. But I'm not pond to listen to her girly stories.
"You can now leave Angela," sabi ko.
"Sige tomorrow na lang... Wait I forgot to tell you makakasama ako sa program sa school. Good luck sa inyo."
Iyon na at umalis na siya, malapit lang kasi bahay nila sa bahay namin ni Daddy. Sa totoo lang mabait si Angela, pero naging masama ang pakikitungo ko sa kanya. Nakaka-guilty tuloy sa kanya ang asal ko. Pero si Angela ay mabait naman kaya ayos lang iyon.
Sophie POV:
Another day has come but this is not just typical an other day. Ngayon na gaganapin ang program.
Kaya heto sobra akong nafru-frustrate. Akalain niyo iyon uso pa rin pala sa akin ang kabahan. Sa hindi kalayuan nakatayo si mokong. Mukhang hinihintay ako kanina pa. Tama lang iyan sa kanya maghintay siya.
"Saan ang venue ng laban?" bungad ko agad na tanong. Ang yabang lang ng bida niyo, pero pilit lang iyon.
"Ito ang mga venue ng lugar kung saan gaganapin ang iba't ibang activities," sabi niya, tapos parang may inabot sa aking papel. Tama siya nakasulat nga sa papel ang mga lugar. At wow ang dami naman nito.
"Ang dami naman nito, ganito ba talaga ka-dami 'to?!" reklamo ko, eh sa dami ba nito aabutin na to ng umaga.
"Para makabawas tara na, para paunti-unti mabawasan. Kapag mabagal walang masisimulan," sabi niya with matching pangiti-ngiti pa. Tapos hinawakan niya isang braso ko, parang kinakaladkad lang ako dito.
Pero totoo nga ang daming Math Activities. Shit naman itong school na ito.
Huminto kami sa isang pinto, section ito ng Sudoku.
"Sabi diyan kapag natapos natin lahat ng Activity tatanghalin tayong winner. Dito muna first," pahayag niya.
Tumango tango lang ako bilang sagot, pagkaraan pumasok kami. Madali lang ang Sudoku, magsusulat lang pala ng number.
At buwala tapos agad kami winner agad, may isa ng simula. Next is...
Rubik cube, ay patay hindi ako magaling diyan, mabuti na lang nandito si mokong. Seconds lang ang inabot namin. May second na, yehey paunti-unti.
Next... Chess naman, aba't magaling ako diyan. Magiging kawawa ang mga makakalaban ko. Ako sa woman's division si mokong sa man's division.
Madali lang pala ang mga kalaban dito. Hindi pa ako pinagpapawisan tapos na agad. Tumayo na rin ako sa wakas.
"Ang tagal mo," reklamo ni mokong. Ang bilis naman niya?!
"Yabang mo," sabay talikod na sa kanya.
Yes finally, equation time na, magaling ako diyan. Kaso don't forget partner ko si mokong. Magkatabi kami ngayon, tapos siya malapit sa buzzer. Nasa left side ako siya nasa right ang daya naman nito. Parang tunganga lang ako dito, kasi naman siya lang ang sumasagot. Ano pa bang silbi ko dito?
First easy, second difficult at third hard.
Tapos may expert pa, wala manlang akong nasagutan. Puro kasi si mokong ang sumasagot. Ang talino niya talaga hindi lang halata sa mukhang laging habulin ng mga babae.
Hindi ko na mabilang pang-ilang stop na kami, pero batid kong konting-konti na lang matatapos na ito. Pahinga ko na rin sa wakas. Yes, madali lang 'to essay lang pala.
Iyon tapos na, agad-agad ang mga trabaho kapag nagmamadali.
Si mokong este Kenneth ayon, 'di pa tapos. Paano kasi pinapalibutan ng mga babae.
Ako mayroon din naman, kaso tingin ko palang naglalayuan na. Nilapitan ko na siya.
"Are you not done yet?" anas ko sa kanya. Ang tagal kasi niya magsusulat lang.
"Shut up, I can't concentrate," reklamo niya.
"Okay na, pwede na itong pinasa ni Miss Sophie," sabi nang bantay. Sabay pa nga kaming napatingin ni Kenneth.
"O 'yan pwede na daw tayo na dyan. Hiyang hiya naman ako sa iyo ako pa nagpakahirap," sabi ko, parang nang-aasar lang.
Tumayo na nga siya "Thanks," mahinang sabi niya.
Umalis na kami sa lugar, tapos yung mga babae, lungkot na lungkot noong umalis itong si mokong. Busy kaya kami.
Hanggang sumapit na ang hapon, I guess 4:00 na. Kasi natapos na namin lahat ng MA ng gano'n-gano'n lang.
Naupo muna ako sa isang bakanteng upuan. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan.
"Nakakapagod naman..." buntong hininga ko ulit.
Umupo rin sa tabi ko si mokong.
"Oo nga, mabuti na lang tapos na," pagsang-ayon niya.
"Kapag natapos na 'to, sa wakas hindi na kita makikita," masayang sabi ko.
Siya naman napatingin sa akin, ang mga matang nagtatanong.
"Pwede ba huwag mo akong tingnan ng ganyan. Pagkatapos nito sa room na lang kita makikita, that's all," dagdag ko pa.
Wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Kundi buntong hininga lang. What's my pakialam sa kanya. May sarili din naman ako buhay kaya wala na siya doon.
Bakit parang nakakalungkot naman iyon?
Okay that's fine with me, back at my usual me.
"You know Sophie bakit hindi ka na lang magbago," hindi ko maintindihan itong taong ito.
"What do you mean?" ako na nalilito.
"Bakit hindi mo na lang sila pabayaan? Ang mga Mafia na iyon ay paunti-unti ng nasisira. Have you heard that the main leader has an unknown deadly disease?"
Alam ko na ang tinutukoy niya. Nagagalit ako napupuno na ang limitasyon ko. Wala siyang pakialam sa akin dahil wala siya sa buhay ko. Itutuloy ko ang sinimulan ko at tatapusin ko.
Tumayo na ako, umiinit kasi ang ulo ko "Wala kang pakialam sa akin," sabi ko.
"They're not worth to die."
"Alam kong miyembro pa rin ang pamilya niyo ng mafia. Tapos ngayon sasabihin mo sa aking tumigil na!" galit na talaga ako.
"Sabi ko sa 'yo nag-aalala lang ako sayo," makabuluhang sabi niya. Ano daw?
Tinalukaran ko na lang siya pero bago ako umalis. Binanatan ko ulit siya ng makahulugang salita.
"My wounds will heal as long as I'm alive. But scars will still remain."
"Pero hanggang kailan, hanggang sa wala na sa kanilang matira? Hanggang sa maiisip mo na lang isang araw kung gaano na karami ang mga pinatay mo at nang dahil sa 'yo ay nawalan ng ama at nasira ang pamilya?"
Natutop ako.
Pakiramdam ko sobrang nasaktan ang puso ko. Pero ano ang ibig niyang sabihin sa huli niyang sinabi na pagsisihan ko ito ng sobra sa hinaharap? Hindi pwede.
***
BINABASA MO ANG
Last Royal Mafia (Under Revision)
ActionMatapos ang brutal na pagpatay sa pamilya ni Sophie, nagdesisyon siyang maghiganti kasama ang kanyang Uncle Sam at dalawang pang matalik na kaibigan na sina Tifa at Celes kapwa nila hinanap ang hustisya sa mga taong sa kanila ay kinuha ang buhay ng...